Chapter 9: It's a deal

168 29 0
                                    



9am I woke up, nag ayos na agad ako ng sarili ko bago bumaba to eat my breakfast. We don't have classes kasi today, so it's rest day!

"Good morning" I saw Amy mopping the floor so I greeted her.

"Good morning, Cookie" she said at ngumiti ng malawak saakin.

"Kumain kana?" I asked her.

"Oo kasabay ko sila Manang Teresa kanina" she said tumango nalang ako sa kanya at dumaretso na sa dining table para kumain.

Kumain lang ako ng payapa habang palihim na pinag mamasdan yung nag mo-mop sa gilid ko, at nang matapos ako niligpit ko na ang pinag kainan ko. Agad hinanap ng mga mata ko si Amy natanaw ko siya sa labas, nag didilig ng halaman guluhin ko kaya? Bored ako eh.

"Hi Amy!" masigla kong sabi habang tumatalon pa papunta sa kanya.

"Grabeng energy yan Coleen ha, hindi ko ma reach" she said, tinignan nya ako pero nag balik tingin ulit siya sa halaman na dinidiligan nya.

"Hindi mo talaga ako marereach, pandak ka kaya" I said at nag taas baba pa ng kilay sa kanya.

"Anong sabi mo? Excuse me parehas lang tayo ng height mas matangkad ka lang ng konti, oo konti lang mga 10cm lang nga or baka nga 5cm lang" she said.

"Oh? At least mas matangkad ako sayo!"

"Oh ano naman? Mas maganda naman ako sayo" she said and rolled her eyes.

"Anong connect non?" I asked her. Oo nga Amy, ang ganda mo.

"Wala sinasabi ko lang kung sakaling hindi mo alam" she said.

"Tulungan na nga kita!" I said at lumapit na kanya.

"Wag na, bawal 'no"

"Aba bakit?"

"Amo kita"

"Pero kaibigan kita?" pambabara ko.

"Kahit na" she said at iniwas ang tingin sakin.

"Akin na kasi!" I said habang inaagaw ang hose sa kanya.

"Wag na nga, sige ka babasain kita"

"Akin na nga eh" inaagaw ko pa rin sa kanya yung hose kaya nabasa yung damit nya dahilan para matawa ako.

"Wala na basa na ako, kulit mo kasi eh susumbong kita kay Ma'am Amelia eh" she said habang naka pout. So cute.

"Sumbong mo, ayan na fair na" I said at nag basa para naman maging fair, kasalanan ko din naman kung bakit siya basa ngayon.

"Sarap maligo dito ha" saad ko tinapat ko ang hose sa kalangitan para ang mga tubig ay bumagsak saaming dalawa.

"Hoy sira ka basang basa na ako, Coleen!!"

"Coleen stop na, sayang tubig oh!!" sigaw nya pero halata sa boses nya na masaya siya.

"Ayoko nga, kiss muna" I said then itinuro ang cheeks ko. Wtf Coleen?

"Yuck!"

"Ehem.. ehem!"

"Ehem"

Si Jaydee at Frances.

"Ow hi guys, gusto nyo maligo?" I asked them.

"Taray ha, sabay maligo" Jaydee said at inirapan ko siya.

Eternal Love || CocoTyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon