Chapter 15: Stupid love

130 31 0
                                    



"Hoy dahan dahan! Masisira na sayo yung punching bag!" sigaw ni Jaydee, nandito kami sa living room we're drinking, I want to be drunk and meron siyang punching bag dito kaya pinag susuntok ko iyon wala akong maramdamang kahit ano dahil naka boxing gloves naman ako.

"Ang sakit mo! Ang sakit mong mahalin, Amy!" sigaw ko habang tumutulo ang luha at pawis ko.

"Hanggang kailan!? Hanggang kailan mo ako sasaktan!?" sigaw ko pa ulit, hindi naman ako pinipigilan ni Jaydee dahil alam naman nya ang nararamdaman ko.

"Here, punch me. Ilabas mo lahat ha? You can do this Coleen" Jaydee said at lumapit saakin, kita kong may suot siyang boxing mitts.

Humarap ako sa kanya at agad na pinag susuntok iyon, gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko. Labis na akong nasasaktan.

"What happened?" she asked habang sinusuntok ko pa rin siya.

"She asked me kung gusto ko daw bang sumama sa kanya sa concert ng MNL48, pero I refused" I said.

"Bakit mo ni refused? Hay nako Coleen" saad nya kaya mas lalo kong nilakasan yung suntok ko.

"Natatakot ako, kasi everytime na kasama ko siya nasasaktan ako. She asked me again kung ayaw ko ba talaga sabi ko ayoko talaga. Nakita kong nalungkot siya kaya I decided na pumunta sa bilihan ng ticket"

"Pag dating ko doon sobrang daming tao, pumila ako ng 3 hours para makabili ng ticket para saaming dalawa. Nahilo at napagod ako sa sobrang init don, 3 hours akong naka tayo"

"So anong nangyari? Tanga ka pala, 3 hours kang pipila para sa kanya? Eh pwede ka namang mag patulong kay Ate Sela"

"I want to be fair, Jaydee. Pag uwi ko ng bahay bibigay ko na sana sa kanya yung ticket pero naunahan ako, naka bili na daw sila ng ticket nag patulong daw si Laney kay Ate Sela para maka bili"

"Alam nyang may ticket ka?" she asked.

"No, hindi ko na sinabi" I said.

"Tanga! 3 hours pumila para sa wala" she said at binatukan ako, hinubad nya ang boxing mitts at umupo sa sofa.

Hinubad ko na rin ang boxing gloves ko at umupo rin sa sofa.

Pinuno ko ang shot glass ng vodka at agad na ininom yon.

"Dahan dahan naman Coleen baka hindi ka maka uwi nyan" sabi ni Jaydee.

"Hindi ako uuwi, let me stay here Dong kahit ngayong gabi lang. I don't want to see her muna, dahil tuwing nakikita ko siya nasasaktan ako" I said.

"Sure, pero wag ka masyadong uminom" she said at tumango ako.

"Ano nang balak mo? May plano kaba or anything?" she asked at uminom ng vodka.

"Wala pa, nasa gitna ako ng i give up nalang at lumaban pa"

"Don't give up, ilaban mo pa. Nasasaktan kana rin naman lubusin mo na" she said. "Sama ng ugali" I said at binatukan siya.

"Nag sasabi ako ng totoo, wala namang mawawala kung tutuloy mo pa rin. Mag confess ka kaya?"

"No way, ayoko. Ayokong may masaktan, ayokong masaktan si Laney"

"Pero hahayaan mong ikaw ang masaktan?"

"Yes"

"Too selfless, Coleen"

Eternal Love || CocoTyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon