Chapter 4 : Fight

160 30 1
                                    



Amy's POV

"Amy?"

"Amy!?" nagising ako dahil nay tumatawag at kumakatok sa pintuan ng silid na ito. Agad akong bumangon at binuksan ang pinto, at bumungad sakin si Ma'am Amelia.

"Ay good morning po Ma'am. May ipapagawa ba kayo?" tanong ko.

"Wala Amy, Gusto ko lang ibigay sayo to" sabi nito at nag abot ng backpack sakin.

"Ah Ma'am ano po ito?" tanong ko.

"Maligo at mag bihis kana, nandyan ang uniform mo para maka pasok kana sa paaralan"

"Ah ano po Ma'am?" tanong ko dahil hindi pa malinaw sakin ang nangyayari.

"Papasok ka sa paaralan, isang linggo na din ng mag simula ang klase pero makakahabol ka naman" saad nito habang naka ngiti.

"Ay Ma'am wala po akong sapat na pera para mag aral" saad ko dito.

"Lahat ng kasambahay namin dito ay nag aaral. Tito ni Coleen ang may ari ng school, lahat ng kasambahay namin ay may scholarship from him. Hindi ba nila nasabi sayo kahapon? sige na maligo at mag bihis kana" saad nito.

"Pero Ma'am diba may trabaho din ako dito sainyo? Paano na po iyon?" tanong ko.

"Nandito naman si Manang Emily at Manang Teresa. Atsaka hindi naman madalas ang whole day class nyo, puro half day lang. And about sa sweldo mo don't worry hindi rin mababawasan yon. 15k parin every 2 weeks" naka ngiting sabi nito sakin.

"Ma'am sobrang salamat po dito ha" nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ako nag kamali sa napasukan ko tunay nga silang mababait.

"Nga pala, kumpleto na ang gamit mo dyan pero may kulang pang libro kung kakailanganin mo ay pwede kang manghiram kay Coleen" saad nito, ha hala?

"Ano po? Kay Coleen po Ma'am?" tanong ko.

"Oo, mag ka klase lang kayo ng anak ko. Mabait naman yon lalo na sa mga kasambahay namin kaya wala kang dapat ipag-alala" saad nito kaya ngumiti ako.

"Sige na maligo kana dahil sasabay ka kay Coleen papuntang paaralan. Mamaya lang ay magigising na yon kaya mag ayos kana" saad nito.

"Hindi na po Ma'am mag co-commute nalang po ako, nakakahiya kay Ma'am Coleen" saad ko.

"Naku wag na parehas lang kayo ng paaralan bakit kapa mag co-commute? Atsaka nasabihan ko na siya at pumayag na siya" saad nito at nginitian ko siya.

"Osya bababa na ako, mag ayos kana" nakangiting saad nito. "Thankyou po Ma'am!" sabi ko bago siya bumaba.

.....

Coleen's POV

Before 6am I woke up, naligo at nag ayos na ako bago ako bumaba I messaged Jaydee to go here na and dito nalang din siya mag breakfast.

"Wow bilis mo ha, goodmorning" saad ko kay Jaydee dahil nandito na siya. Nakaupo sa sofa.

"Nung nag message ka papunta na ako dito, duh ayokong malate" saad nito kaya tumango ako.

"Let's eat, samahan mo na ako" saad ko sa kanya at pumunta na ng dining area, sumunod naman ito.

We started eating with tita mommy.

Eternal Love || CocoTyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon