THE BEGINNING

5 1 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

                                          ALL RIGHTS RESERVED 2022
-------------------------------  -----------------------------------  --------------------------------

May mga pangyayari sa buhay natin na napakahirap kalimutan. Lalo na kung ang pangyayaring iyon ay nagdulot ng matinding sakit sa atin. The kind of pain that will change us into a different person. Gustohin man nating huminto sa lakbay ng buhay, wala tayong magagawa kundi ang magpatuloy nalang dahil iyon ang tama at nararapat.

Kalimutan, Bumangon, Magpatuloy at Maging Masaya...

Mga bagay na hindi ko kayang gawin dahil nakakulong ako sa nakaraan. Isang araw lang nangyari iyon pero pakiramdam ko habangbuhay kong dadalhin ang sugat na dulot ng pangyayaring iyon. Isang sugat na kailanma'y hindi na maghilom. Isang sugat na magpapaalala sa'kin at paulit-ulit na hihila sa'kin pabalik sa nakaraan. 

Kung hindi ko iyon kakalimutan, hindi ako makakabangon at pag hindi ako makakabangon, hindi rin ako makapagpapatuloy at pag hindi ako makapagpapatuloy, hindi rin ako kailanman magiging masaya....
----------------------------

How it Begins?

December 1, 2010

"Ave, may bibilhin lang si Mama sa labas ha, dito ka lang, sandali lang ako."

Paalala ni Mama sa'kin habang abala ako sa panonood ng cartoons. Ngumiti  at tumango lang ako sa kanya. Hinawakan niya pa ang ulo ko bago umalis. Kami lang dalawa ni Mama ang nandito sa bahay dahil pumasok sa school 'yung kuya ko. Wala kaming pasok ngayon dahil may sakit daw si teacher. Si Papa naman ay nando'n sa presento. Pulis kasi siya.

Unang araw ngayon ng disyembre, may christmas tree at christmas lights na kami dito. Ito ang buwan na pinakagusto ko sa lahat dahil sa buwang ito, magbibigayan kami ng regalo, kakain at magdadasal kami ng sabay-sabay at magsisimba kami.

Napakasaya..

"Spongebob...Squarepants!" pang-gagaya ko sa pinapanood kong cartoons.

Ilang minuto ang lumipas, natapos na lang ang pinapanood ko pero wala parin si Mama. Pinatay ko nalang ang tv at pumunta sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagkarating ko sa kusina ay wala akong nakitang pagkain sa mesa kaya binuksan ko nalang ang ref at kumuha ng prutas roon. Siguro bumili pa si Mama ng lulutuin niya mamaya.

Bumalik ako sa sala habang ngumunguya ng apple. Wala na akong magawa rito. Lalabas sana ako para pumunta roon sa kapitbahay namin para makipaglaro pero baka nandito na si Mama maya-maya kaya wag nalang.

Ngayon lang ako naiwang mag-isa rito sa bahay kaya natatakot na ako. Paiyak na ako kaya huminga muna ako ng malalim. Umupo ulit ako sa couch at natulala nalang doon, hinihintay parin si Mama. Ang sabi niya ay sandali lang siya pero bakit hanggang ngayon wala parin siya?

Inilibot ko nalang ang paningin ko sa buong bahay, iniisip kung anong gagawin ko. Nahagip ng paningin ko ang kandilang nakapatong sa maliit na altar at may katabi pa iyong posporo. Tumayo ako at kinuha ang kandila. Tinignan ko pa iyon tsaka nagpasyang sindihan nalang iyon.

"Magpra-pray nalang ako na sana dumating na si Mama." sabi ko sa sarili.

Itatayo ko na sana ang kandila pero bigla nalang iyong tumulo sa daliri ko. Dahil sa gulat ay agad kong nabitawan ang kandila. Agad akong tumakbo sa kusina para hugasan ang daliri kong napaso. Umiiyak na ako dahil sa hapdi at sakit na nararamdaman ko dulot ng pagkapaso.

Nights Of December (Daylight Series #1)Where stories live. Discover now