CHAPTER 2

3 1 0
                                    

[CHAPTER 2]

KAMALASAN

"Ibaba mo ako," may halong pagbabantang sabi ko kay Zion na nakangisi na habang karga-karga parin ako. Pero parang wala siyang narinig dahil nanatili lang siyang nakatitig sa'kin dahilan para mailang ako. Napalunok pa ako ng ilang beses habang nakatitig ako sa pinagpapawisan niyang noo.

"Aven!" halos masuntok ko ang mukha ni Zion nang marinig ko ang boses ni Luke! Mukhang natauhan si Zion sa sigaw na 'yun dahil dali-dali niya akong ibinaba. Inayos ko naman agad ang palda kong nalukot na tsaka umiwas ng tingin sa kanya.

Unti-unting lumakas ang sigaw ni Luke kaya alam kong palapit nang palapit na sila sa'kin. Narinig ko ang tikhim ni Zion kaya napalingon ulit ako sa kanya. Parang may kung anong dumaloy sa buong katawan ko nang magtama ulit ang mga mata namin.

Dahil sa inis ko sa pagmumukha niya ay hindi ko napigilan ang sariling sipain ang kaliwang tuhod niya kaya napasigaw at napaluhod siya. Agad akong tumakbo pagkatapos kong gawin 'yun. Sa likod ako ng school dumaan at nang makalabas ay agad akong sumakay ng jeep.

Hingal na hingal ako kaya natuon ang paningin ng mga taong nakasakay sa jeep sa'kin. Inayos ko nalang ang buhok kong sobrang lagkit na dahil sa pawis. Ngunit lumaki ang mga mata ko nang makita ko si Luke kasama ang mga barkada niya sa labas ng gate at mukhang hinahabol parin ako. Bahagya akong yumuko para hindi nila ako makita. Nakahinga lang ako ng maluwag nang umandar na ang jeep na sinasakyan ko.

Mga peste!

Ang kukulit!

Pagkarating ko sa bahay ay pabagsak akong umupo sa sofa dahil hanggang ngayo'y hinihingal parin ako. Kinuha ko ang panyo ni TJ sa bulsa at pinahiran ang buti-butil kong pawis sa noo.

"Lalabhan ko nalang 'to, TJ." sabi ko habang nakatitig sa panyo.

"Oh, Aven! Nandito ka na pala," gulat na saad ni Tita Shanta nang makita ako. Galing siya sa kusina at mukhang nagluluto siya ng kakainin namin ni Shawntel at Gian. Sa tuwing umuuwi kasi kami galing school ay may snacks kaming tatlo. Mukhang wala akong kaagaw ngayon dahil wala pa ang dalawa. Si Papa naman ay mamayang gabi pa makakauwi kaya kaming tatlo lang talaga ang pinaglulutoan ni Tita Shanta ng meryenda.

Tumayo ako at dumiretso sa hapag para tignan ang niluto niya. Halos tumulo 'yung laway ko nang makita ang masarap na pansit at tinapay na may kasamang juice sa mesa. Agad akong kumuha ng tinapay at kinagatan iyon.

"Salamat po, Tita." ngumiti lang siya sa'kin at umupo rin sa harap ko.

"Bakit maaga kang umuwi?" kunot noong tanong niya sabay tingin sa relo niya. Late na kasi talaga akong umuuwi araw-araw at nagkataon lang na hinahanap ako ni Luke ngayon kaya napaaga tuloy ang uwi ko. Maaga namang natatapos ang klase namin pero hindi talaga ako umuuwi diretso. Manood pa kasi ako ng mga laro sa school at kundi kaya ay pumupunta kami sa mall ni Nessa kahit wala naman kaming pera.

"Maaga po natapos ang klase eh," pagsisinungling ko at mukhang nakumbinsi ko naman si Tita.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo. Sobrang lagkit kasi ng katawan ko dahil sa pagtatatakbo ko kanina para lang maiwasan si Luke!

Masyado yata akong minalas ngayong araw dahil nabangga ko pa ang gagong taga kabilang section! Paharang-harang kasi sa daan! Pwede namang mag-ayos ng sintas sa gilid!

Sinusuntok-suntok ko ang tubig habang iniisip ko ang nangyari kanina!

"Malas mo, Aven" bulong ko sa sarili habang nakatitig ng masama sa tubig na para bang ito ang dahilan kung bakit minalas ako ngayon.

Nights Of December (Daylight Series #1)Where stories live. Discover now