CHAPTER 3

9 1 1
                                    

[Chapter 3]

ALA-ALA

"Ate, nasa'n na ang barbecue?" nagtatakang tanong ni Gian pagkapasok ko palang ng bahay. Nasa sala silang lahat ngayon at mukhang hinihintay ang pagbalik ko.

"Wala," ang tanging nasabi ko sabay hakbang papasok sa kwarto ko pero napatigil din ako nang magsalita ulit si Gian.

"Huh?! Anong wala?!" parang maiiyak na tanong niya na ngayo'y nakahawak na sa mukha niya. Nakakunot na rin ang noo ni Papa at nakatitig naman sa'kin si Tita at Shawntel.

"Sarado na ang tindahan ni Aling Pacing," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay ang lakas parin ng kabog ng puso ko.

"Ang aga naman yatang nagsarado ni Aling Pacey," nakangusong sabi ni Shawntel, halatang dismayado dahil hindi ko nabili ang paborito niyang isaw!

Hindi na ako sumagot pa, dumiretso na ako sa kwarto at pabagsak na isinarado ang pinto dahilan para magulat silang lahat.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit pa araw ng sabado. Alas singko palang ng umaga ay gising na gising na ako pero nanatili parin akong nakahiga sa kama. Nakakatamad kasing bumangon.

Kinuha ko nalang ang mini-notebook ni TJ sa maliit na cabinet ko. Binuklat ko iyon at binasa kahit pa saulo ko na lahat ng nakasulat roon.

I love to eat fried chicken.

I love to eat pasta.

I love sponge bob.

I want to become a policeman but because I want to heal my mom, I need to become a doctor.

Iyon ang nakasulat sa unang pahina. Hindi ko napigilang ngumiti nang maalalang mahilig pala siya sa spongebob, pareho kami. Iyon ang paborito kong cartoons na halos araw-araw kong pinapanood noon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong sakit ng Mommy niya, bakit gusto niya itong pagalingin.

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng malakas na tunog ng makina ng sasakyan. Mukhang malapit lang ito sa bahay namin dahil sa sobrang lakas. Inis akong napabangon at lumabas ng kwarto. Nakita kong nagluluto si Gian sa kusina at naglalaro naman ng phone si Shawntel sa sala.

"Bakit kayo lang ang nandito?" nagtatakang tanong ko sabay kamot sa ulo ko.

"Nasa palengke si Mama, si Tito naman maagang umalis." sagot ni Shawntel nang hindi inaalis ang paningin sa phone.

"Mga señorita, luto na ang pagkain! Halina kayo't mag-almusal!" sigaw ni Gian sabay pukpok sa plato gamit ang sandok na hawak niya kaya napatakip sa tenga si Shawntel.

"Sumabay ka pa talaga sa ingay ng truck sa labas!" suway ni Shawntel sabay lakad papuntang hapag. Napailing nalang ako tsaka dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay.

"Anong meron sa labas?" tanong ko dahil hanggang ngayo'y maingay parin ang makina ng truck.

"May bago tayong kapit-bahay," si Gian ang sumagot. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Binenta kasi ang bahay na nasa harap namin dahil namatay na ang may-ari nito last year. Napagpasyahan ng mga anak niya na ibenta nalang daw dahil wala namang titira roon. Mabuti nalang at may bumili na, hindi na masyadong nakakatakot ang bahay pag may tao nang nakatira.

"At sino naman kaya ang matapang na bumili ng bahay na 'yan?" tumaas ang kilay ni Shawntel. May kalakihan rin ang bahay na nasa harap namin at paniguradong malaki-laki rin ang presyo nito. Mayaman siguro ang bumili.

"Hindi ko pa nakita eh, kagabi pa 'yan naglilipat ng gamit, hanggang ngayon hindi parin tapos." sagot ni Gian. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nights Of December (Daylight Series #1)Where stories live. Discover now