CHAPTER 1

4 1 0
                                    

[CHAPTER 1]

ROSAS

"Ateeeee!" dumagundong ang boses ni Gian sa buong kwarto ko. Tinakpan ko nalang ng unan ang mukha ko at tumagilid. Binuksan niya bigla ang bintana kaya agad nagliwanag ang buong kwarto. Nagtalukbong agad ako dahil nakakasilaw ang liwanag mula sa labas.

"Gian, lumayas ka rito!" singhal ko sa kanya.

Gian is my step brother. Tatlong taon pagkatapos no'ng nawala si Mama ay nagkaroon ulit ng bago si Papa. May dalawang anak ang bagong nakarelasyon niya, sina Gian at Shawntel. No'ng una, hindi ko matanggap na magkakaroon kami ng bagong pamilya pero pagkalipas ng ilang taon, natanggap ko rin naman. Isa lang naman ang mahirap tanggapin eh.. ang pagkawala ni Mama. Ayaw ko namang maging malungkot si Papa. Gusto kong maliban sa'kin, may makakasama siya sa pagtanda.

Mabait si Tita Shanta, 'yung stepmother ko. Hindi gaya ng mga evil stepmother na napapanood sa tv at nababasa sa libro. Tinuring niya akong totoong anak at minahal na parang galing talaga ako sa kanya.

"Ate, sagutin mo 'yang phone mo, kanina pa tumatawag si Kuya Drake!" sigaw ulit ni Gian. Inis akong bumangon at napasabunot sa sarili. Binato ko pa ng unan si Gian kaya tumakbo siya palabas. Narinig ko pang nagsumbong siya kay Papa.

"Good morning, kapatid kong maganda!"  bungad sa'kin ni Kuya Drake nang sinagot ko ang videocall niya. Si Kuya Drake ang biological brother ko. Siya ang totoong kapatid ko. Nando'n na siya sa states, nagta-trabaho bilang professor. Wala pang asawa kaya heto nang-gagambala ng tao! Palimbahasa, boring ang lovelife!

"Good morning, kuya kong pangit!" asar ko kahit nakapikit pa.

"Napakabastos na kapatid! Bibigyan pa naman sana kita ng allowance kaso wag nalang, mukhang hindi mo naman kailangan!nagulat ako nang bigla nalang niyang patayin ang tawag!

'Yung allowance ko!

Sinubukan ko pa siyang tawagan ulit pero hindi na niya sinasagot!

Nataranta ako kaya napabangon tuloy ako! Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at agad hinanap si Papa. Dumiretso ako sa hapag nang makitang nag-aalmusal si Papa kasama si Tita Shanta at Gian.

"Papa!" tawag ko. Napalingon bigla si Papa nang makitang natataranta ako. Napatigil pa sila sa pag-uusap ni Tita Shanta. "Pa, tawagan mo si kuya! Ayaw niyang sagutin ang tawag ko! 'Yung allowance ko, Papa!"

Tumawa si Gian nang patago kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Baka naman inasar mo na naman, Aven." natatawang saad ni Tita Shanta. Tumayo siya at kinuhanan ako ng plato. Umupo naman ako habang nagmamakaawa parin kay Papa.

"Ako ang magbibigay sayo ng allowance pag umuwi ka nang maaga mamaya, hindi mo pa nakakabisado ang mga tinuro ko sayo." napapikit nalang ako sa inis! Tinuturuan niya kasi ako ng mga basic self defense dahil palagi na raw akong umuuwi ng late. Mas mabuti daw pag marunong akong lumaban.

"Sige, tito!" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Shawntel. Kakalabas niya lang galing sa kwarto niya. Lumaki ang mga mata ko nang makita siyang naka-uniporme na!

Nagmamadali tuloy akong kumain dahil nakabihis na sila pareho ni Gian. Ayaw kong pumasok mag-isa! Umalis na rin si Papa papuntang trabaho kaya hindi ko na siya nakulit pa. Wala na akong choice kundi ang umuwi nang maaga mamaya para mabigyan ako ng allowance!

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong naligo at nagbihis. Si Gian at Shawntel, kanina pa nagrereklamo dahil ang tagal ko raw! Nadulas pa tuloy ako sa banyo! Buti nalang hindi nabagok ang ulo ko! Pag namatay ako, kasalanan nila!

Nights Of December (Daylight Series #1)Where stories live. Discover now