"Oh, saan ang unang punta mga pre?" Tanong ni Jaemin.

Nagsitaasan ang mga kilay ng lahat, not knowing na wala pang plano.

"Wag nyong sabihing, hindi pa planado lahat?" Sabi ni Chenle.

"Kelangan bang planuhan, kung hindi naman scripted ang lakad natin? Halata naman diba?" Sabi ni Jeno.

"Okay, eto nalang." Napatingin sila kay Mark. "Since sinimulan ko na, eto nalang. Pupunta tayo, kung saan nyo gusto. Tapos ako na sa last destination natin."

"Mark hyung, di kaya-" sabi ni Jisung.

"We own the night guys. We can do whatever we want." And he smiled. Before it's too late.

Their eyes shined. "Well, maliban sa bar. Were still minors."

"Yun na nga sana akin hyung ehh!" Sabi ni Jisung.

"Matangkad ka lang, Jisung. Pero ang edad mo, hindi." Sabi ni Renjun.

"Okay, okay, sinong mauna?"

Nilibot muna nila ang mga tingin, hanggang sa may nakitang pamilyar si Jaemin, at may naalala sya.

"Uy! Paunahan sa may puno! Maiwan panget!" At nagsimula nang tumakbo si Jaemin.

"Takte! Hintay!" Sigaw ni Chenle bago sumunod. Hanggang sa nagsunod-sunod na sila, and ang nahuli? Si Renjun.

"Okay! Ang parusa sa nahuli.... Ililibre tayong lahat sa Cafe ni Doyong hyung! Paunahan ulit! Papunta dun!" Sigaw ni Jaemin, at nauna ulit.

"Baliw ba sya? Kakarating ko nga lang dito? Takbo ulit?" reklamo ni renjun, saka tumakbo ulit. pagdating nila sa cafe ng kaibigan nila, agad naman silang napaupo sa kanilang usual na table.

"kapagod." sabi ni chenle.

"as well as renjun will buy us drinks." sabi ni jeno, at napatango sila.

"sige na, sige na, oorder na ako!!" tatayo na sana si renjun para mag-order, nang pinigilan sya ni mark.

"ako na." saka sya tumayo at pumunta sa counter. sa pwesto ni doyong.

"doyong hyung." lumingon si doyong kay mark.

"oh, mark, parang himala ata ito ahh? halos hindi ka naman lumalabas ng gabi?"

"boys night. bonding lang."

napatigil si doyong sa ginagawa. "ahh, ganon?" at pinagpatuloy din kalaunan.

"hyung, palaguin mo pa tong cafe mo ahh?"

"of course mark, plano natin yun ehh. the usual parin?"

"oo, hyung." aabotin na sana ni mark ang bayad sa lahat nang pinigilan sya ni doyong.

"libre ko na. sandali lang ahh?" at pumunta sa likod para gawin ang order nila. after a while, bumalik syang may dala, nilagay niya ito sa counter.

"oh, eto na. may bonus pa yan." sabi ni doyong, saka kinuha ni mark at nagpasalamat, bago umalis.

"oh? bakit ang dami?" tanong ni chenle.

"libre ni doyong hyung." saka umupo.

"so, ano? kainan na!!!" natawa lahat sa inasal ni jeno, at kumain na din sila.

i hope this never ends, but how? i don't have much time. i just wish them happiness.

daylight ☀️ nct dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon