Whenever I read beeyotch stories, I can't explain how I can keep loving all her books even most of them hurt me 🤗 ✌Dedicating this chapter to her. To me, her stories are one of the closest ones to reality; there's no need to have closure in everything, a must wedding ceremony at the end, and a happy ending to be happy. I'm so hyped up by her GAME series.
CHAPTER 3: His Kiss
"Uh Miss Gabriella, I am sorry if you are informed differently."
"Miss Tia, I was told to teach in MYP English Team before I came here."
Pangatlong araw na ng magsimula ang Teacher's Training para sa mga bago sa paaralan na ito. Maayos naman ang training nitong nagdaan. Marami akong mga nakilala na bagong teachers.
"As I said again, I am sorry but we have to put you first this school year in PYP because we are needing more teachers at this level." Kinagat ko ang aking labi para matigilan na ang sarili magreklamo sa Head of School. Isa din ito sa mga bagay na limitado sa aming scholar. Sa mga nagdaang scholar graduates ng batch namin, isa ito sa parte ng orientation nila na maaring hindi kami agad makapagturo sa kursong pinagtapos namin.
"Don't worry Miss Gab, the PYP department is welcoming. Come, I will introduce you to the principal." Naipakilala na ang principal noong day 1, ngunit di ko siya pinansin sa buong akalang mapupunta ako sa MYP deparment.
Tumambad sa akin ang mas seryosong mukha na nagpapaala sa akin kay Miss Minchin ng Princess Sara. Maganda at sopistikada siyang magdamit na nagpapadagdag sa intimidation. Parang mas natakot pa ako sa kanya kompara sa mismong pinaka head ng school na si Miss Tia.
"Miss Melissa, this is Miss Gabriella. She is one of our fresh graduates from JIU (Jiyu)."
Nagbigay ng konting ngiti ang principal at naglahad sa akin. "Nice to meet you Miss Gabriella."
"Hello Miss Melissa. Nice to meet you." I look around the room na pinasukan namin at mukha yung mga guro na magtuturo sa elementary department ay kanina pang nakapasok. Nakita ko din ang isang fresh graduate ng JIU, si Nicolee. Ngiting ngiti siya sa akin at pumaypay pa.
Hindi kami magkalapit dahil narin primary ang kinuha niya. Ngunit may dumaang ginhawa sa aking dibdib ng malamang makakatrabaho ko ang isang kabatch ko.
"Naku girl, I am so happy talaga. Kanina pa ako bagot dito. I was the only pinay here lang kaya until you came. I'm so happy." Bulong niya sa akin. Kikay na kikay itong si Nicolee. Naalala ko siya dahil magkaklase sila ng isang matalik ko na kaibigan. Alam kong hindi siya scholar but she still chooses to stay in Indonesia.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin na sa harapan. Magsisimula nanaman ang lecture and workshop session namin. "Okay Teachers. The past two days, we finished discussing School's curriculum and Teacher's Guide. Today we will focus on the Unit of Inquiry and Day Plan."
I ready my notebook and pen to take down notes. Another person starts to distribute printed papers that outline today's discussion. "Our School follows International Baccalaureate Curriculum. Thus, we follow their way of writing Unit Plans and Lessons plans for the Primary Years Programme (PYP), Middle Years Programme (MYP), and Diploma Programme (DP). Particularly in PYP, we follow this concept of writing our Unit of Inquiry." Nagflash na ang instructor namin sa powerpoint ng mga importanteng punto para sa lecture.
![](https://img.wattpad.com/cover/290359902-288-k897562.jpg)
BINABASA MO ANG
Precious Whisper of Clarity
RomanceLoud confessions full of misunderstanding will tear the heart with lots of misleading. Better to have a precious whisper of clarity that will hold together the lover's peace and sanity. by: ProjectSulat