5

55 4 0
                                    

Aiden Santos

Monday na naman ulit kaya maaga akong nagising ngayon.

Agaran akong nag skin care routine na ginagawa ko every morning.

Naala kong ngayon pala ang first day ng pagtulong sa choreo sa mga students ng dati kong school. Hindi naman ito ang unang na may tinuruan na ako for choreography. Madami dami na din before at doon ako kumikita.

Nagbibihis na ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Kylie kaya binilisan ko yung pagbibihis at agad na sinagot yung tawag niya.

"Hello si-" pero hindi ko na natapos ng nagsalita siya agad.

"Sis!" Sigaww nito dahilan para mapangiwi ako at medyo inilayo ko yung phone ko sa tainga ko.

May chismis na naman to for sure.

"What? Ang aga aga sumisigaw ka?" Tanong ko dito habang naghahanda na ako ng mga gamit ko.

"Lumabas ka na dyan dali! You need to see this!" Sabi nito. Nangunot ang noo ko dahil doon. Ano na naman kaya yung sinasabi nito?

"Ang alin ba?" Tanong ko ulit sabay sukbit na ng bag ko.

"Basta bilisan mo! Nandito ako sa harap ng school building natin! Dali!" Sagot nito ulit at walang babalang pinutol na yung tawag.

Ano naman kaya yon? Ay basta....bahala na makikita ko rin yon at tuluyan na nga akong lumabas ng bahay ko. Hindi naman siya literally bahay dahil parang condo siya and ako lang mag isa  doon pero libre lang yon dahil scholar ako ng AU.

Ilang lakad lang naman ay pagitan ng school sa tinitirahan ko kaya mabilis na akong nakapasok pero ganoon na lang pag kunot ng nuo ko dahil ng mapunta na ako sa harap ng building namin ay may nakalagay na picture ko doon sa bulletin board. Isang malaking picture na kung saan natutulog ako habang nakanganga.

Lahat ng mga estudyante ay napatingin sa akin ng makita ko.

Kuyom ang kamao ko at gusto kong ilabas ang galit ko dahil parang kilala ko na kung sino ang may gawa nito. 

Si Devin.

Ang sinasabi nilang king of the devil dito sa AU.

At hindi nga ako nagkamali ng hinala ko dahil tanaw ko sa entrance ng building namin si Devin na kamapanteng nakatayo habang nakasandal sa gilid ng glass wall at nakangisi habang nakatingin sa akin.

Matalim ko siyang tinignan

Siya lang naman ang alam kong gagawa ng ganitong bagay dahil sa pagbabanta niya.

Walang nagtangkang lumapit sa bulletin board. Malayo silang nakatingin sa larawan ko dahil halos sakop na nito yung buong bulletin. Nakatingin lang sila sa akin. Ang iba ay parang natatawa pa pero ang iba nakikitaan ko ng awa.

"Sis tara na, magstart na yung class natin." Rinig kong sabi sa akin ni Kylie at hinawakan pa ako sa siko pero iwinaksi ko lang yon.

Kahit na gigil na gigil ako sa Devin na yon ay pinilit kong kalmahin ang sarili ko bago pumunta sa bulletin at walang babalang pinunit at tinanggal ang picture ko at idineretso ko yon sa basurahan sa gilid at hinila na si Kylie papasok sa building namin.

Nang papasok na kami ay wala na doon ang Devil na yon pero nakasalubong namin ang pinsan niya. Si Joseph at nang makita ako nito ay balak pa sana akong kausapin pero hindi ko siya pinansin.

Hinila ko si Kylie papasok at nilagpasan siya at agad na nagtungo sa classroom namin.

***

Devin Alfonso

His Evilness (BXB)(MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon