8

42 1 0
                                    

Aiden Santos

Speaking of the Devil.

Si Devin.

Kailan niya ba ako tatantanan?

Hindi ko siya pinansin matapos kong ayusina ang mga gamit ko.

Narinig ko pa ang iba sa mga tinuturuan ko na kinikilig at namamangha sa kagwapuhan ng mokong.

Gwapo naman talaga siya e. That's a fact pero taliwas yon ng ugali niya.

Napatili na lang iba sa kilig at napapitlag ako sa kinatatayuan ko ng may dalawang kamay ang pumulupot sa likuran ko.

"Hey ano ba?!" Reklamo ko kay Devin at pilit na inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.

Ano na naman bang trip nito? Pinalagpas ko na nga lang yung ginawa niya kanina eh.

Naalarma ako dahil naramdaman ko yung hangin na galing kanya na dumampi sa batok ko. Nanginig ako bigla doon.

"H-hey, bitawan mo nga ako! Ano na naman bang trip mo?!" Bulyaw ko pa sa kanya pero ayaw niya talaga kao bitawan.

"Sshh! Nakakabulahaw ka na ng mga tao babe." Bulong niya pero naungunot ang nuo ko dahil sa tawag niya sa akin.

"Babe ka dyan. Bitawan mo na nga ako at aalis na ako. Hindi ko sasakyan ang trip mo." Sabi ko ulit sa kanya at pilit pa rin ako umaalis sa pagkakayakap niya pero natigilan ako sa mga salitang lumabas ulit sa bibig niya.

"Umayos ka kung ayaw mong sabihin ko sa mga taong nandito na nagpagalaw ka sa akin para maging scholar sa school ko." Bulong nito dahilan para kumuyom ang kamao ko at mabuhay ang galit ko sa kanya.

"H-hindi ako natatakot sayo at hindi nila paniniwalaan yan dahil malinis ang dignidad ko." Sagot ko sa kanya at pilit kong pinatatag ang boses ko.

"Hmm. Wanna dare little lion?" Saad nito ulit.

Napalunok ako. Paano kung totohanin niya? Baka mabulilyaso pa ang pag aaral ko dahil doon dahil pamilya niya ang may ari ng school. Pero bakit niya ba kasi to ginagawa?

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung sasagot ako o hindi.

"Hmm. Madali ka naman pala kausap eh. Sumunod ka na lang kung ayaw mong mawala sayo ang scholarship mo." Dagdag pa niya at kumalas na sa yakap dahil kaunti na lang ang tao dito at ang iba ay walang pakialam sa ginagawa namin.

Nabigla na lamang ako ng kinuha niya ang bag ko at hinila ako palabas ng school.

"H-hey, uuwi na ako. Akin na yan." Kahit alanganin ay kinuha ko pa rin pero hindi niya iyon binigay at isang ngisi ang pumaskil sa mukha niya at nagtuloy sa paglabas.

Pero pag labas namin ay nakita namin si Joseph na nag aabang din at kampanteng nakasandal sa kotse nito at ng makita niya kami ay pumunta agad ito sa akin pero kumunot ang nuo ng makita ang dalawang kamay namin na magkakonekta.

"What are you doing here?" Tanong nito sa pinsan niyang demonyo.

"I'm here para sunduin ang boyfriend slash secretary ko. Why?" Walang kagatol gatol nitong sagot at hinila na ako para pumunta sa kotse niya pero may humila ng kabilang kong kamay kaya ang lagay ay para akong tali na pingaaagawan.

Wala akong maapuhap na sasabihin dito ng sinabi nitong boyfriend at secretary. Ano na naman kasing balak niya?

"Don't me cu'z dahil hindi ka papatulan ni Aiden at sabi ko sayo na secretary ko siya hindi sayo." At nakipaghilaan sa kamay ko at sa totoo lang masakit na ang ginagawa nila.

His Evilness (BXB)(MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon