CHAPTER FIVE

0 0 0
                                    

ANGEL POV:

"aksidente?" patanong na saad nito at bumaling kay lola

"Hasssh! hayaan niyo na po iyon, ang importante ay okay na ako" pag iiba ko ng usapan at ngumiti. "Hindi na po ba talaga kayo papasok?" tanong ko ulet at tinuro ang gate

"Hindi na iha, maraming salamat. Lola dito na po kami babalik kami kapag okay na ang lahat" naka ngiting makahulugan ni Mr. Mynthe

"Osya,sige na. Lumalalim na ang gabe, mag iingat kayo ha" sabe ni lola

"Ingat po kayo sa daan Mr And Mrs. Mynthe" tumungo na lamang ito at ngimiti ng malapad saakin, kumaway kaway pa ako hanggang sa maka alis at hindi na namin sila maaninag

"Tara na po pasok na tayo" pag aya ko kay lola ay inalalayan itong makapasok.

"Btw lola, paano niyo po sila nakilala?" tanong ko

"Matagal na din, isa din kase sila sa ka bussiness patner noon ng mommy't daddy mo kaya kilala ko sila" sagot ni lola sa tanong ko

"Ah...kaya po pala" tango tangong sagot ko hanggang sa makapasok na kami sa loob

"Pero lola alam niyo po ba kanina habang kausap ko sila, pansin ko na ang lungkot lungkot ng mata nila" kwento ko kay lola at naupo sa sofa'ng inuupuan ko kanina at si lola naman ay naupo sa single sofa dito sa left side ko

Umayos muna ng upo si lola bago tumingin saakin

'Ang inosente ng mukha ni lola, hindi ko mabasa ang nasa isip niya'saad sa aking isipan

Pero baket naman gusto kong mabasa ang iniisip niya? hays! t*mang kana angel.

"Dahil meron silang anak na matagal ng nawawala" seryosong saad nito. Nanlake ang singkit kong mata dahil don

"Talaga lola?! eh bakit daw nawala?" tanong ko, matagal akong tumitig kay lola at hinintay ang sasabihin niya bumuntong hininga ito

Ang buong akala ko ay mag kukwento siya ngunit, di ko alam kung bakit nag iwas ng tingin si lola bago mag salita

"H-hindi ko din alam apo," tumayo ito sa pag kakaupo "tara na at matulog masamang nag pupuyat papanget ka sige. " pag iba ng usapan ni lola

Kahit gusto ko pang mag tanong ay binalewala ko nalang, baka nga siguro hindi alam ni lola. Masyado naman akong nag ooverthink, pero inferness ha ngayon ko lng nalaman na meron pala silang 'Long Lost Princess' mala k-drama at mala wattpad pala ang kwento nila. hays sobrang nakakaawa sila danas ko ang pangungulila nila.

Kung sila ay nangungulila dahil sa pag ka wala ng 'anak' nila ako naman ay nangungulila dahil sa pag kawala ng mahal sa buhay which is si mommy't daddy pati na rin si lolo. Kaya laging kung ipinag darasal na humaba pa ang buhay ni lola dahil hindi kona talaga alam kung saan ako pupulutin neto.

Pero sana naman mahanap na nila ang anak/ at kapatid nila kuya dale.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi kona namalayan ang pag akyat ko at nakita ko nalang ang sarili kong nakatingin sa salamin, para akong tangang bumabaliko baliko pa ang ulo habang nag iisip at may pa hawak hawak pa sa baba. Kung may kasama lang siguro ako ngayon ay pag kakamalan akong baliw.

Umiling iling nalang ako at pabagsak na humiga sa kama.

——

Ilang oras na akong nag papagulong gulong sa higaan ko ngunit hindi ako makatulog kaya naisipan ko munang mag cellphone at mag scroll scroll sa fb.

Na sobrang pinag sisihan ko, dahil sa pag scroll ko sa fb ay nahagip mg mata ko ang bagong post ni mialyn 4hours ago

'In a relationship With Arthur Daryl Smith'

Ay wow! official girlfriend n' boyfriend na sila, sanaol. de jok

Kung dyan sila masaya oks nalang tsk.

Habang gigil na nakatitig sa post ni mialyn hindi ko sinasadyang mapindot ang like kaya taranta akong iun-like na sana ito ng mapindot ko ang home dahilan para mag loading ito at mawala

F*ck sh*t!! pano nalang kung isipin nilang bitter ako? Hindi naman talaga ako bitter nasasaktan ako oo pero kung para sa ikakasaya nila okay lang pero...

Pano nalang kung sabihin nilang affected ako sakanila? Hayyyy! naku naman! katangahan mo kase!!

Wala akong ibang choice kundi ang i-stalk siya ngunit wala ito sa timeline niya huhuhu baket ngayon pa. Pero dahil dakila akong addict sa fb ay nakaisip ako ng paraan. Inistalk ko ang sarili ko at hinanap ang 'active log' na nakasulat at pinindot ito and gottcha!! Nakita ko ang nilike kong post ni mialyn. Agad ko itong pinindot at iun-like, ngunit huli na pala ang lahat huhuhu katapusan kona ba? chosss! parang lage nalang bang bago angel? natural dakila silang pakilamera sa buhay ng iba kaya mapapansin agad nila yan.

May nag comment kase ng screenshot at nandun ang pangalan ko na nilike ang post ni mialyn at sa taas ng comment nitong picture ay may naka caption na 'Poor Angel' like what the f**k! i'm not poor kaya. nag basa basa pa ako at talagang ako na ang laman ng comment section ng post ni mialyn

I'm dead

Inis kung pinatay ang cellphone ko at nilagay sa side table malapit sa kama ko. Inis akong dumapa at pinag susuntok ang unan hanggang sa pamagod ako

"Nakakainis" ani ko bago mapag pasiyahang matulog nalang kesa pansinin ang walang kwentang bagay.

Tumagilid ako at pumikit para makatulog hanggang sa lamunin ako ni satanas, chariz!

—————

Monday na ngayon at nag hahanda ako para sa pag pasok. ganun parin ang routine ko, patuloy pa rin ako sa pag papanggap bilang isang nerd. Kahit sabihan ako ni lola na wag kuna itong gawen ay talagang ginagawa ko pa den

'Beh ganto tayo kapasaway, panindigan na natin'

Pababa na ako sa hagdaan ng maabutan ko si lola na aakyat na sana para tawagin ako

"Oh apo, andyan kana pala tatawagin pa sana kita. Halika na at mag agahan" aya nito saakin ng tuluyan na akong maka baba ng hagdan

"Good morning lola" bati ko dito at hinalikan sa pisnge

"Good morning den" naka ngiti nitong turan

Nag lakad kami ng sabay patungo sa kalawakan, chariz! syempre patungo sa lamesang may pag kain simpleng agahan lang ito. May itlog,skinless,tocino,bacon at hotdog at syempre hindi mawawala ang kanin.

Nang matapos kaming mag agahan ay nag paalam na ako kay lola para umalis na at pumuntang paaralan. Nag lakad lang ulet ako tulad ng dati

Habang nag lalakad ay di sinasadyang may makabanga akong pader- i mean tao na mukhang pader ang katawan, dahan dahan kung inangat ang ulo ko at sheeemzxs!!!

'Eto na ba ang sign?!'

Sign para mamatay.

Dahil sa pogi netong taglay talagang mahihimatay ka, pero dapat kumalma lalake lang yan.

Ampogi niya talaga!

Meron siyang matangos na ilong, Masaganang jawline, adams apple na nakakapag padagdag ng apill neto at ang long hair niyang buhok. KYAAAAAAHHH!! nasakaniya na ang lahat ng gusto ko.

"Staring is rude" cold nitong saad

Hindi pala. Wala pala sakaniya.

"A-hh e-hh hehe sorry" paumanhin ko at nag peace sign

"Tsk!" saad lang neto at nilagpasan ako

Abat-

"Why are you hiding your true beauty?" tanong neto saakin?teka, saakin ba? eh kase hindi naman siya naka tingin saakin bagkos ay naka tingin lang ito ng deretso sa daan

"Tsk suplado!"

WAIT FOR MY REVENGE(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon