Chapter One

74 8 0
                                    




Dominique looked at the girl in front of her and it was like she was looking at herself in the mirror. Ang pinagkaiba nga lang ay mas payat ito kung iko-kompara sa kanya. The girl was also wearing a cheap dress, na hanggang tuhod lang ang haba. Bumaba ang tingin niya sa sapin nito sap aa at napansin niyang nakatsenelas lang ito habang nakatayo sa harapan niya.


She looked around the place and saw her friends gossiping and making fun of her sister. She knew them well dahil kaklase niya ang mga ito. At alam niyang karamihan sa mga ito ay matapobre.


Nagulat siya nang biglang may yumakap sa kanya. She knew it was her mother pero hindi niya alam kung papaano magre-react dito. She always wanted to know her before, pero ngayong yakap na siya nito ay hindi naman siya makapagsalita. Uminit ang sulok ng mga mata niya ng higpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. Her embrace was so warm and gentle that it made her want to cry.


She always longed for this. She always longed for her mother's love.


Niyakap niya ito pabalik. Rinig niya ang paghagulhol nito habang yakap siya. Binitawan siya nito at masuyong hinawakan ang mukha niya. Pinagmasdan siya nitong mabuti. Kitang-kita sa mamasa-masang mata nito ang kagalakan habang tinitingnan siya. Nawala ang mga tao sa paligid niya at pakiramdam niya ay sila lang ang nasa sala ng ina.


"Napakaganda mo anak... Pinalaki ka ng maayos at malusog ng ama mo. Miss na miss kita, anak ko."


Sa gitna ng paghikbi ay ngumiti siya sa ina.


"I miss you too, M-Mama." Naninibagong tawag niya rito.


Mula sa sulok ay nakita niyang magkatabi sina Pierce at Manang Lucia. Umiiyak ang yaya niya habang nakangiti naman na nakatingin sa kanilang mag-ina si Pierce. She knew that he was happy for her as well. Alam nito kung gaano niya kagusto na makapiling ang ina.


"Mama?" Tawag ng isang mahinang boses mula sa likuran ng ina niya.


Nakita niyang hawak-hawak ni Monique ang damit ng ina niya habang nagtatakang nakatingin sa kanilang dalawa.


"Bakit kamukha ko siya? Bakit umiiyak ka, Mama? " Monique asked their mother innocently.


Ngumiti ang ina niya dito.


"Meet Dominique, anak. She's your twin sister. " Pagpapakilala nito sa kanya.


Nakita niya ang pabaha ng kalituhan sa mukha ni Monique. Mukha itong naguluhan sa sinabi ng ina, pero hindi na nagsalita pa. Ngumiti siya dito at ngumiti rin ito pabalik sa kanya.


Mukhang magkakasundo silang dalawa.


*******************************


Ito ang unang beses na naghapunan silang pamilya na magkakasama. Kitang-kita niya kung papaano pagsilbihan ng ama niya ang ina niya habang kumakain sila. Her father looked so happy, Kahit na madalas silang magkasamang maghapunan ay hindi pa rin matutumbasan ang kaligayahan sa mukha nito habang kapiling ang ina niya. She knew that her father was completely happy.

Substitute: The VillainWhere stories live. Discover now