Isang linggo na mawawala ang ama ni Dominique para sa isang business trip sa Japan. Before, she was excited and happy to be around her mom and twin sister, but now it feels suffocating.
Nasa hapunan silang mag-iina, at tahimik lang siyang nagmamasid sa dalawa. Hindi niya nagawang magsumbong sa ama dahil nasa gate pa lamang ang kotse nito ay sinalubong na ito ng ina niya. Halos hindi umaalis ang babae sa tabi ng ama niya kaya hindi siya makahanap ng tiyempo para kausapin ang Papa niya.
Kasalukuyan nitong nilalagyan ng ulam ang plato ni Monique, nang pigilan niya ang kamay nito sa akmang paglalagay ng kanin sa plato niya.
"I don't eat rice on dinner." Aniya rito.
Her mother smiled at her. "Ganoon ba? Nagda-diet ka ba anak? Bakit parang nangangayayat ka? " Tanong nito habang sinisipat ang katawan niya.
Hindi niya ito kinibo at nagbingi-bingihan sa tanong nito sa kanya. She doesn't feel her appetite anymore. Pakiramdam niya ay para siyang masusuka sa pagbabalatkayo na ginagawa nito sa harapan niya.
Nawala na ang lahat ng respeto at paggalang niya sa ina pagkatapos niyang makita ang pakikipaghalikan nito sa ibang lalaki. Ni hindi nga niya ito magawang tignan ng diretso sa mata. Tinitiis lang niya ang presensya ng babae dahil nasa iisang bahay sila nakatira.
Babae... Marahil kamumuhian siya ng ilan dahil sa pagtawag niya sa ina niya ng ganoon, pero para sa kanya ay isang estrangherong babae nalang ito na nagkukuwanri sa harap niya, Para sa kanya ay matagal ng patay ang ina niya. At ang babaeng ito ay kamukha nalang ng babaeng nagluwal sa kanya. Wala na siyang tiwala dito, o kahit tinatawag nitong kapatid niya.
"Ate, are you sick? You looked pale." Puna ng kapatid niya sa kanya.
Binalewala niya ang sinabi nito at nagpatuloy lang sa pagsubo ng pagkain sa bibig niya. Ang isipin palang na kasabwat ito ng dalawang manloloko ay nag-uumapaw na ang galit niya para dito. Kung pwede nga lang siyang lumipat ng bahay ay ginawa na niya. Kaya lang ay baka magduda ang ina niya sa mga kilos niya. Hindi niya pwedeng ipahalata rito na may alam siya. Baka mapahamak pa sila ng Papa niya.
Nagulat siya nang biglang hawakan ni Emilia ang kamay niya. Napilitan tuloy siyang tumingin dito.
"May problema ka ba, anak?"
"Yes, I have a problem. You..." Piping bulong ng isip niya.
Pinilit niyang ngumiti dito kahit ang totoo ay todo banat na ang pisngi niya. Hindi siya plastik na tao kaya nahihirapan siyang magkunwaring walang alam sa harapan nito.
"Wala naman po... Iniisip ko lang yung group project na gagawin namin ng mga kaklase ko sa Sunday. " Palusot niya rito.
Tila nakahinga naman ito ng maluwag dahil sa sinabi niya. Akala mo talaga ay totoong concern ito sa kanya.
Ang galing mo ring umakting. Sinungaling! Sigaw ng isip niya.
"Akala ko naman kung ano na," Anito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang magtaas ng kilay dahil sa sinabi nito.
"Baka naman pwede mong isama si Monique sa mga group activities niyo, anak. Napapansin ko kasi na napapadalas ang paglabas mo nitong mga nakaraang araw, at gabi kana umuuwi... Baka pwede mong isama ang kakambal mo sa mga lakad mo para maging pamilyar naman siya sa mga lugar dito sa siyudad at hindi maburyong dito sa bahay."
It was just a harmless request if their situation were different. Kaya lang ay alam na niya ang katotohanan sa mga kasinungalingan nito. Kung meron man isang bagay na nakakasigurado siya, yun ay mas mahal nito si Monique keysa sa kanya. Ang buong akala niya dati ay kaya hindi siya inuuna ng ina niya ay dahil sa mas inaalagaan nito ang kapatid dahil sa sakit nito dati at dahil lumaki si Monique sa poder nito. Ngayon lang niya narealized na talaga palang hindi siya minahal ng kanyang ina. Sa kaisipan na iyon ay mas lalong umiigting ang galit niya para dito. At para ring lason na unti-unting pumapatay sa sistema niya ang inggit niya sa kapatid niya.
Kiming ngumiti siya sa ina. "Ako nalang po siguro ang magpapasyal kay Monique sa susunod kasama ang driver natin. Hindi po pwedeng magsama ng iba lalo na't hindi naman involved sa project. Next time nalang po siguro, pasensya na. "
Tumango ang ina niya sa sinabi niya. Tanda na naintindihan nito na ayaw niyang isama ang kapatid sa group activities nila. Mabuti na nga lang at hindi na ito nagtanong pa. Dahil ayaw na niyang mag-isip pa ng ibang palusot para lang maiwasan na makasama ang kapatid niya.
*********************************************
"Did something happen, Dom?"
She was back from her reverie when Pierce suddenly asked her a question.
"Ha?"
Kumunot ang noo nito sa kanya.
"I said, did something happen before you got here? You're spacing out again." Puna nito sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin dito at muling binaling ang tingin sa sinusulat.
"I-I'm just missing my dad lately... There's nothing more to it. " She was telling him half the truth about what she was thinking.
"Didn't you get along well with your mom and sister?" He suddenly asked.
Mabilis na napalingon siya dito. He could really read her well. He was a very smart and observant kind of guy. Kaya nahihirapan siya dati kapag nagsisinungaling siya sa harapan nito.
"H-How can you say that? Of course, I get along with them. They are my family." Hindi niya napansin ang kalungkutan sa boses niya.
"It's just that, when I fetched you from your house, you seemed so distant with your mother and twin sister. It was like you couldn't wait to be away from them. It was actually odd for you to do that since you really wanted to be with your mother before. Or maybe I'm just misunderstanding the situation. "
She didn't want to hide anything from Pierce, but she was also not ready to tell him the truth about her mother. Hangga't hindi pa siya nakakasigurado sa mga bagay-bagay ay mas makakabuti munang wala itong alam sa totoong nangyayari sa pamilya niya. Base sa mga narinig niya sa pinag-usapan ng ina niya at nang lalaki nito ay nangangailangan ng malaking halaga ng pera ang mga ito. At ang ama niya ang nakikitang solusyon ng mga ito sa problema ng mga ito. Posibleng maging delikado ang mga buhay ng mga mahal niya kapag hindi siya nag-ingat.
A/N: Please vote and leave your comments below if you love the story. Thank you!
YOU ARE READING
Substitute: The Villain
RomanceMonique has everything that every woman had been dreaming of. A wealthy father who loves her unconditionally, A mother who always takes care of her, and a fiance whom she really loves. She has everything... Everything, that Dominique, her twin siste...