Nagising si Dominique mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa mga boses sa paligid niya. Masakit ang ulo niya at nahihilo din siya. Inadjust niya ang mga mata sa paligid at nakitang hindi pamilyar ang lugar na iyon. Tuluyan siyang nagising ng naalala ang mga nangyari.
Agad na hinanap niya ang kapatid. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang maayos ito at walang galos ang katawan. Nakayuko si Monique, at nakatali ang kamay at paa mula sa upuan. Pinilit niyang gumalaw pero katulad nito ay nakatali rin ang kamay at paa niya sa upuan.
Nakarinig siya ng mga boses mula sa likuran niya. Mukhang nagtatalo ang dalawang tao na kumuha sa kanila at hindi pa napapansin ng mga ito na gising na siya. Niyuko niya nang bahagya ang ulo niya para magkunwaring tulog at para mapakinggan na rin kung ano ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki.
"Bakit mo dinala dito si Monique, Kuya? Ang usapan natin ay yung Dominique lang ang kukunin mo hindi ba? Para mapilitang umuwi yung Gabriel at magbigay ng pera. Bakit isinama mo pa si Monique? Magagalit sayo si Emilia niyan." Rinig niyang sabi ng isang lalake.
"Hindi ko naman sana isasama si Monique dito e, kaya lang sumama siya diyan sa Dominique. Aba'y hiniram ko pa itong taxi sa kaibigan ko, at hindi pwedeng mapurnada ang mga plano ko dahil lang nandiyan si Monique. Isa pa ay ibabalik din naman talaga si Monique kay Emilia pagkagising niya. Iyang Dominique lang ang ipapatubos natin sa tatay niya." Kilala niya ang boses na iyon. Iyon ang kabit ng ina niya, at ang kumidnap sa kanilang dalawa ni Monique.
"Hindi ba at may usapan na kayo ni Emilia na ibibigay niya ang pera sa linggong ito? Bakit kinuha mo pa yung mga bata?" Tanong ng kasama ni Juancho.
"Napakabobo mo talaga! Sa tingin mo ba talaga ay makakapaghintay pa si Boss ng matagal? Nangako ako sa kanya na ibibigay ko yung pera noong nakaraan pero hindi ako nakabigay. Baka hindi na naman umuwi yung Gabriel na iyon hanggang sa katapusan. Paano nalang tayo nila Emilia? Papatayin tayo niyon!"
"Isa pa ay hindi ka ba talaga nag-iisip? Kung si Emilia lang aasahan natin palagi, baka yung utang lang ang bayaran niya. Mahina ang loob non at tatanga-tanga. Kung tayo ang kikilos mas malaking pera ang makukuha natin sa tatay ng batang iyan. Sobrang yaman daw ng lalaking iyon kaya kahit bilyon pa ang hingin natin, magbibigay talaga yun para sa anak niya." Sabi ni Juancho sa kasama nito.
"Ano naman ang gagawin natin kung sakali man na magbigay talaga ng pera yung tatay? Ibibigay mo ba talaga yung bata? Paano kung mamukhaan tayo niyan, e di tutugisin tayo ng mga pulis."
"Sinong nagsabi na ibabalik ko pa yan sa tatay niya? Pag nakuha na natin ang pera, papatayin na natin yan saka tayo tatakas. Malinis akong gumawa ng trabaho kaya alam kong hindi malalaman ng pulis saan natin itatapon ang bangkay niyan."
Nanlamig ang buong katawan niya dahil sa sinabi nito. Hindi pwedeng wala siyang gawin. Kailangan nilang makatakas dito. Baka magbago pa ang isip ng lalaki at ipatubos din ang kapatid niya. Hindi niya pwedeng hayaang mangyari iyon.
Halos mapatalon siya sa kinauupuan nang makarinig ng pagkabasag ng bagay mula sa likuran niya.
"Ano ka ba namang bata ka! Pati pagbitbit ng baso ay hindi mo magawa! Kung ganyan na lalampa-lampa ka ay mas mabuti pang huwag mong ipakita iyang pagmumukha mo sa akin at baka matamaan ka sa akin!"
"S-Si M-Monique po ba yan? Ano po ba ang gagawin ninyo sa kanya? B-Bakit nakatali ang kamay at paa niya?" Nanginginig na tanong ng batang lalaki.
Narinig niya ang mahinang pagdaing nito mula sa likuran niya.
"A-Aray!" Rinig niyang reklamo ng bata.
"Aba't ang tapang mo para magtanong ah! Wala kanang pakialam kung anong gawin ko sa mga batang iyan! Ayusin mo ang trabaho mo sa amin para hindi ka matamaan sa akin! Isang tanong mo pa ay talagang isasama na kita sa libingan ng isa sa mga iyan!"
"O-Opo..."
Nang makarinig ng yabag ng sapatos papalayo sa likuran niya ay saka lamang niya nilingon ang pintuan kung saan lumabas ang mga ito.
"Monique! Monique!" Paggising niya sa kapatid. Mukhang marami itong naamoy na pampatulog mula sa sasakyan kanina kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Kailangan na nilang makatakas sa lalong madaling panahon.
Hindi niya hahayaan na matupad ang mga plano ng mga ito. Isipin palang na naghihirap ang kalooban ng ama niya ay nadudurog na ang puso niya. Ni hindi pa nga niya nagagawa ang mga pangarap niya sa buhay at hindi pa din niya nakakasama ang ama niya ng matagal pagkatapos ay mamamatay na kaagad siya ng maaga? Si Pierce at si Manang. Hindi niya sila pwedeng iwan.
Pinigil niya ang pag-iinit ng mga mata. Hindi ito ang oras para matakot at magdrama siya. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makatakas silang magkapatid dito.
Muli niyang inilibot ang mga mata sa paligid. Nasa loob sila ng isang kwarto at mukhang matagal ng walang nakatira dito dahil napabayaan na ang naturang lugar. Puro basura nalang ang nasa sahig. Wala ding kulay ang mga pader. At may mga tumutubo nang mga halaman sa gilid ng kwarto.
Ikiniskis niya ang tali sa likod ng upuan para lumuwag ito ng kaunti. Iyon ang nakikita niya sa mga drama sa TV na ginagawa ng mga bida kapag kinikidnap sila. Ramdam niya ang hapdi mula sa mga kamay niya pero balewala iyon sa kanya. Kahit pa maputulan siya ng mga kamay ay wala na siyang pakialam. Desperada na siya, at wala ng ibang mahalaga sa kanya kung hindi ang makatakas.
Kahit pa sinabi ng lalaking iyon na pakakawalan niya si Monique ay hindi pa rin siya naniniwala dito. Ang mga mamamatay na tao walang pinalalagpas na saksi sa mga krimen nila. Sabi nga niya malinis siyang magtrabaho kaya alam niyang hindi nito basta-basta pakakawalan ang kapatid niya ng ganoon nalang.
"Hoy! Ano iyang ginagawa mo?!"
Nanlamig at nanigas ang buong katawan niya sa narinig.
Shit! Ito na yata magiging katapusan niya!
A/N: Please vote and leave your comments below if you love the story. Thank you!
YOU ARE READING
Substitute: The Villain
RomanceMonique has everything that every woman had been dreaming of. A wealthy father who loves her unconditionally, A mother who always takes care of her, and a fiance whom she really loves. She has everything... Everything, that Dominique, her twin siste...