Chapter Two

68 6 0
                                    



"What did you do?!"


Gulat na napalingon sa kanya si Monique. Nabitawan nito ang Music Box na hawak. Putol ang kalahati nang katawan ng sirena na nakaupo sa gitna ng Music Box. Parang maiiyak siya sa sobrang sama ng loob. Kaka-regalo lang sa kanya ni Pierce niyon e.


Hindi niya namalayan na nabitawan rin pala niya ang gatas na hawak. Ibibigay niya sana iyon kay Monique kanina. Pero nawala na iyon sa isip niya dahil sa sirang Music Box na kasalukuyang nasa sahig ngayon.


"I-I'm sorry..." Mahinang sabi ni Monique.


Hindi niya ito pinansin at tahimik na pinulot ang Music Box na nasa sahig. Bumukas ang pinto ng kwarto niya at nag-aalalang pumasok ang mga magulang niya.


"What happened here?" Tanong ng ama niya sa kanya.


Nakita naman niya ang mabilis na pagyakap ng ina niya kay Monique, na ngayon ay umiiyak na.


"Tinatanong kita, Dominique. Anong nangyari dito?" Pag-uulit na tanong ng Papa niya.


Naluluhang ipinakita niya rito ang Music Box na hawak niya.


"She broke it. She didn't ask my permission and just touched my things without telling me. Kaya nagalit ako, Papa."


Malalim na napabuntong-hininga ang ama niya. Pagkuwa'y lumuhod sa harapan niya para magpantay sila at masuyong hinaplos ang buhok niya.


"It's just a Music Box, anak. Bibilhan nalang kita ng bago."


"But Pierce gave it to me on my birthday." Naiiyak na sabi niya sa ama.


"I will fix it tomorrow, okay?"


"Sa ngayon ay lapitan mo muna ang kapatid mo at yakapin mo siya. She was scared. And she didn't mean to break it. Dahil hindi pa kasi siya masyadong pamilyar sa kwarto mo, kaya pagpasensyahan mo na muna, anak." Pag-aalo ng ama niya sa kanya.


Pinunasan niya ang tumulong luha at dahan-dahan na lumapit sa kapatid. Monique was still crying, habang yakap ang ina nila. Hinawakan niya ang kamay nito dahilan para huminto ito sa pag-iyak at tingnan siya.


"Don't cry, Monique. I forgive you, na." Nakangiting sabi niya rito.

"Talaga? H-Hindi kana galit sa akin?" Humihikbi na tanong nito sa kanya.


"Oo naman. I will not lie to you. " Pinunasan niya ang mga luha nito at niyakap ito ng mahigpit.


"I love you, twinny." Bulong niya sa kapatid. Dahilan para tumahan ito sa pag-iyak at niyakap din siya nito pabalik.


"I love you too, Ate."


***********************************

Substitute: The VillainWhere stories live. Discover now