Chapter Four

62 6 0
                                    



Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro sa library nang makita niya si Wendy na humahangos na tumatakbo papunta sa kanya. Nangunot ang noo niya nang makita ang itsura nito. Ang kanina na plantsadong damit nito ay gusot na. At ang buhok naman nito na palaging naka ponytail ay parang tinuka ng manok sa sobrang gulo.


"Dominique!" She hysterically called out her name.


She looked around the library and saw the students looking at them with irritation in their eyes. Bawal nga naman kasi talagang mag-ingay sa library. Hinila niya sa isang sulok si Wendy, kung saan hindi maririnig ng mga estudyante ang mga boses nila.


"What happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo?" She asked her.


"P-Paano kasi---, natapunan ng fresh milk ni Monique si class president sa cafeteria kanina. I saw everything, and I can immediately say that it was an accident. She didn't mean to do it intentionally. Pero si Aria, hindi siya naniniwala na hindi sinadya ni Monique iyon kaya sinampal niya agad ang kapatid mo sa mukha."


"What?!"


Kilala niya si Aria. Bukod sa pagiging class president nito ay bully din ang babae. Ilang beses na silang nagkakabanggaan nito sa klase dati, kahit noong nasa Elementary pa sila. Mataas ang pride nito at hindi nagpapatalo. Dati niya itong naging malapit na kaibigan, pero dahil sa napasama ito sa maling barkada ay tuluyan na siyang umiwas dito. Mas lalo pa itong nagalit sa kanya nang hindi ito naging Valedictorian sa paaralan nila dati dahil sa kanya. Dati na rin siya nitong sinubukan na i-bully pero lumalaban siya at nakikipag-away dito kaya hindi siya nito basta-basta na kinakaya.


Bigla siyang kinabahan para sa kapatid niya dahil alam niya kung anong klaseng pagpapahirap ang ginagawa ni Aria sa mga nakakaaway nito. Mataas ang pride ng babae, at ang mapahiya ito sa harap ng maraming tao ang pinaka ayaw nito na mangyari.


"I tried to stop her from hurting your sister but her friends stop me and pulled my hair also. Pinagtulungan nila ako kaya hindi ko na magawang tulungan ang kapatid mo mula sa pananakit ni Aria. Mabuti na nga lang at nabitawan nila ako kaya nakatakboako papunta sayo. Pero si Monique ay naiwan doon at sinasaktan pa rin ni Aria sa harap ng maraming tao." Naiiyak na sumbong nito sa kanya.


"Where are they?" Tanong niya rito.


Itinuro ang cafeteria kung saan ito nanggaling kanina. "Nandoon pa rin sila hanggang ngayon. Please, tulungan mo si Monique. "


Mabilis ang bawat paghakbang niya papunta sa cafeteria ng eskwelahan. Malayo palang ay naririnig na niya ang mga kantiyawan at hiyawan ng mga kaklase nilang nakikiusyuso lang naman sa kaguluhan.


Tatlong araw pa lamang ng ilipat ng ina niya si Monique sa ekswelahan kung saan siya nag-aaral, Palagi itong nagtatangkang lumapit sa kanya pero palagi din niya itong iniiwasan. Kung minsan ay pasimple siyang dumadaan sa classroom nito para tingnan kung anong nangyayari sa kapatid niya. At mukhang wala naman itong naging problema sa mga kaklase nito dahil sa likas dito ang pagiging palakaibigan sa iba. Hindi na kataka-taka na mas marami itong kaibigan sa unang pasok nito sa eskwelahan keysa sa kanya dati.

Substitute: The VillainWhere stories live. Discover now