MTIPH 17: A day with Bro

43 1 0
                                    

Louie Gabriela POV:

Oo kala niyo panaginip yung nangyari kagabe noh? HAHAHA hindi eh. Magkaibigan na talaga kami. Pati friends lang naman wala naman siguro magiging masama dun at oo aware ako sa feelings niya pero hindi ko naman alam kung seryoso nga .

8am na ngayon at ang aga pa pero kailangan ko pa pumunta airport . Dala ko ang aking lambo baby. Nagddrive lang ako papunta sa airport and after ilang minutes nakadating na din ako.

Hinihintay ko siya dumating ang tagal naman ni gori eh! wag niyo na tanungin kung bakit Gori! HAHAHA

Naglalakad lakad ako ng may kumulbit sakin at pagkatingin ko si Gori.

"Hi my little princess!" Bati niya sakin sabay yakap.

"Gori!!!! Namiss kita" sabi ko sakanya at ginulo naman niya buhok ko.

"Maka Gori to ah, sa gwapo kong to. Gori ha? .tsk. minamaliit mo ba lahi natin?" HAHAHAHA the f bro

"joke lang Kuya Kevin. Haha . Tara na nga" umalis na kami papunta sa parking lot

"Ano dala mong sasakyan?"

"Syempre ang lambo baby ko. Ano pa ba" Haha

"Naadik ka nanamn sa kotse ha. Nga pala bakit di mo itry mag race tutal marunong ka naman. Pati magkakaron nga pala ng Auto Show sa may concert grounds bukas. Punta tayo?" Pang aalok sakin ni kuya.

" race?? Pwede rin kaso hindi lang yung lambo gagamitin ko baka madungisan siya noh! Auto show? Sure basta libre mo eh!" Nakangiti pang sabi ko sakanya

"You can use my Ferrari or Carrera GT since minsan lang ako nauwi dito. May magagawa pa ba ko? Oo libre ko" yess!!!

"Ommoooo. Thanks bro! Sabi mo yan ha"

"Oo naman. Tara na nga. Nangmakapag ayos ka na ako na muna magddrive"

Binigay ko kay Gori yung Susi at nagdrive na siya papunta sa bahay namin. Yung samin talaga hindi yung sa bahay ng TLC .

Nagtxt na rin naman ako sakanila na di muna ako uuwi. Nagluto na si kuya ng makakain namin gabi na rin kami nakauwi eh at naggala pa kami ni kuya. Bonding lang.

"Gabriela tara na kumain!" Sabi ni kuya. Psh.

"Shut up Gori!" yung mukha niya!pfffft. HAHAHAA

Kumain kami ni kuya at nagpunta na sa kanya kanyang kwarto at natulog na.

Kinabukasan.......

"Hoy bata gising na!" Pagkamulat ko bumungad sakin si kuya.

"Ang aga naman eh!" Sabi ko tas niyakap yung unan ko.

"Anong maaga halika na. 8 na kaya!" Kinuha nya yung unan ko at hinampas sakin..

"Psh.." nagtalukbong pa ko ng kumot

"Tara na . Bahala ka diyan. Pupunta pa tayong Auto show eh!" Nagising naman ang diwa ko dun.

"Babangon ka din pala. Haynakoo!" Sabi ni kuya at lumabas na. Naligo na muna ako at nagbihis .

"Tagal mo kumain ka na nga!" Tapos nun kumain na ko at umalis na kami ni Kuya.

"Punta muna tayo sa MOA nood tayo F&F7 " aya niya.

"Sure"

Habang nagddrive papunta si Kuya sa MOA nagtanong siya

"Musta love life mo. Nanliligaw na ba sayo si Carlo?" Tanong niya na nakapagpanlaki ng mata ko

"Ha??? . Bestfriend ko yun eh. Bat naman manliligaw" sabi ko sakanya.

"Pero naging aware ka din naman ba sa feelings niya, siguro hindi noh. Tsk tsk. Ikaw talaga! Napaka manhid mo" di na ko nakasagot kay Kuya kasi saktong nasa MOA na kami. Wooooo save by the bell

"Bumili ka na ng kakain natin kahit popcorn lang tas bibili ako ng ticket" umalis na ko para bumili sa kettle korn. At naisip ko mga sinasabi ni Gori. Manhid na ba talaga ako? Aiiishhh. Ayoko muna isipin yan gusto ko lang ienjoy tong araw na to.

"Tara na. Lou" nagpunta na kami sa loob

Tapos ng movie ay umalis na kami papunta sa concert ng grounds kala niya concert gaganapin hindi eh. hahaha puro kotse to at mag eenjoy ako dito ng sobra. Wahaha .

After ilang minutes after nagsimula na din.

Binida na muna ang Porsche. Tas sinunod lambo, bugatti, audi, bmw, ford, ferrari at iba. Ang gaganda . My dreams cars. pero pinaka gusto ko lambo at ayos na.

Tapos iparada lahat nagkaron naman ng drifiting yung lambo, bugatti porsche at ferrari. Wooooaaaahhh. Ang usok na ngayon dito ang lupet . parang puputok na yung mga gulong nila

Natapos na din ang auto show pero d kami pumayag na d kami makakapagpapicture sa mga model cars.

Umuwi na din kami ni Gori. At pagod na kami pareho.

"Kuya thank you so much. Sobrang saya ko ngayong araw dahil sayo"

Ginulo ni kuya buhok ko sabay sabi na

"You're always welcome my little princess. Magpahinga ka na at alam kong napagod ka"

"Okay. Bye thanks ulit kuya. GoodNight"

--------------

Update.

HAHAHAHAHA THANKS SO MUCH KAHIT MEDYO MATAGAL AKO MAG UPDATE BINABASA NIYO PA DIN . SANA TULOY PA DIN ANG PAGBASA NIYO SA STORY NA TO :D magdededicate ako bawat chapters pwede po kayo magcomment. Thank you. Ily:*

Melt the Ice Princess' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon