Wayen's POV
"WAYEN! WAYEN!"
Papasok na ako ng school gate nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko.
Napalingon naman ako at nakita ko si Hina. Magkaklase kami dati sa middle school at friends pa rin naman kami kahit magkaiba na kami ng section ngayon.
"Bakit, ano'ng problema, Hina?" tanong ko nang mapansing umiiyak pala siya.
"Si Takemichi kasi... Binubugbog ng kuya mo dun sa kanto..." Humihikbing sumbong niya habang nakaturo dun sa likuan.
"Ah, yung crush mong si Takemichi?"
Tumango naman si Hina habang tuloy sa pagpahid ng luha sa mukha niya.
Napailing naman ako. Di ko talaga maintindihan kung paano siya nagkagusto kay Takemichi eh napakalampagak ng lalaking yun. Pero sabi nga nila, love is blind. Kaya respect na lang ako sa damdamin ng iba.
"Sige, punta na ko dun." Sabi ko naman sabay takbo ng mabilis para puntahan yung abnormal kong kuya.
"Wait naman, Wayen! Sama ako!" Sigaw naman ni Hina na agad namang humabol sa akin.
Napabuga na lang ako ng hangin nang makarating sa bakanteng lote na itinuro ni Hina.
Kahit kailan talaga puro na lang basag-ulo ang ginagawa ni kuya. Ginawa na yata niyang hobby sa buhay ang mambugbog ng kapwa.
"MASATAKA!!!!!"
Akmang susuntukin na sana ni kuya si Takemichi pero bago pa tumama yung kamao niya sa mukha nito ay natigilan siya sabay tingin sa akin.
"Wayen, akala ko ba nasa school ka na?" Padaskol na binitiwan niya naman ang pagkakahigit sa kwelyo si Takemichi. Napaigik naman ito saka napaluhod sa lupa.
"Nasa classroom na sana ako kung hindi ako sinabihan ni Hina na may binubugbog ka na naman."
Saglit na sinulyapan ni kuya si Hina sabay lipat ng tingin kay Takemichi. Pagkatapos ay iiling-iling na naglakad siya palayo.
"Pumasok ka na ng school. Don't worry magpapakabait muna ako ngayon." Mula sa bulsa ay dumukot na siya ng sigarilyo at isinubo iyon sa bibig.
"Hoy, Masataka! Di ba sabi ko sa'yo tigilan mo na yang paninigarilyo mo?"
"Ayoko nga, bleh!" Sabay karipas ng takbo palayo.
Napa-facepalm na lang ako saka nilapitan sina Hina at Takemichi.
"Pasensiya na talaga, Takemichi. Ikaw naman tuloy ang napagtripan niya ngayon."
"Kasalanan ko rin naman eh. Tinanong ko kasi siya kung kilala niya si Mikey, tapos heto..."
"Si Mikey?" Natatawang sambit ko naman.
"Kilala mo si Mikey?"
"Classmates kami. Bakit, ano'ng kelangan mo sa kanya?"
"Sabi kasi nila, si Mikey ang pinakamalakas na delinquent dito sa Tokyo. Kaya balak ko sana siyang kalabanin."
"Ikaw? Kakalabanin si Mikey? What the fuck Takemichi. Di mo nga kinaya si Masataka, si Mikey pa kaya." Di ko na tuloy napigilan ang sarili kong mapahalakhak.
Pero di na yata ako napansin ni Takemichi dahil nakatutok na ang atensyon niya kay Hina na abala naman sa pagpahid ng panyo sa mga sugat niya.
Mukhang nagmo-moment na yata yung dalawa kaya di na ko umimik pa at iniwan na lang sila Takemichi at Hina. Isa pa late na ako.
Pagkapasok sa classroom ay umugong ang kantiyawan ng mga kaklase ko. Ako lang naman ang nag-iisang babae sa section namin kaya madalas akong pinagtitripan ng mga loko.
"Oy Wayen. Bakit late ka?" Bati ni Hanma na nakasandal sa gilid ng pinto.
As usual may nakapasak na namang sigarilyo sa bunganga niya kaya naman malakas na tinulak ko siya palayo sa akin.
"Ano ba, Hanma. Huwag ka ngang humarang sa pinto. Dun ka sa rooftop mag-smoke. Tsk."
"Ang aga-aga mo namang badtrip, Wayen." Komento niya saka lumabas ng classroom.
Dumiretso naman ako sa upuan ko. Napatingin ako sa seatmate kong si Mitsuya na busy sa pag-soundtrip. Saglit na inalis ko naman yung headset niya para kausapin. Sa lahat kasi ng mga kaklase ko, siya lang talaga ang pinakamatino. Yung iba, kung wala sa mga sariling mundo nila, puro naman kalokohan ang pinaggagawa.
"Mitsuya, bakit wala pa rin si Teacher Shin? Andito naman si Mikey ah."
Saglit na pinagmasdan ko si Mikey habang sinusubuan siya ng dorayaki ni Dora-ken.
"Nag-check na nga pala siya ng attendance kanina. Absent ka na daw, Wayen. Pinatawag kasi siya ng principal kaya umalis saglit." Sagot naman niya saka kinuha yung earplugs niya at muling ipinasak sa mga tenga niya.
Napadukdok naman ako sa desk. Kahit kailan kaasar talaga si kuya, ayoko na talaga maging classmates itong mga kumag na 'to. Kaya naman pinag-iigihan ko ang pag-aaral para tumaas ang section ko next school year.
Sa totoo lang kasi, napunta lang naman ako sa delinquents' section dahil kay Masataka.
Mula sa bintana ay napasulyap naman ako sa kabilang building. Lihim na umaasa na sana ay masilayan ko ang mukha niya ngayong umagang ito...
BINABASA MO ANG
Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU)
FanfictionYN x Hanma x TR fanons x Crossovers