9 - Trouble

60 5 0
                                    

Wayen's POV

"Oy Wayen, ikaw, napaghahalataan na talaga kita ha."

Napatingin naman ako sa katabi kong si Dora-ken. Nakapangalumbaba siya sa desk habang seryosong nakatingin sa akin.

"Bakit, may problema ka ba sa akin?"

"Wala naman. Pero pansin kong one week mo nang nililibre ng taiyaki si Mikey."

"Eh ano naman ngayon?" Napadukdok ako sa desk sabay tingin sa likod ni Haruchiyo.

"May gusto ka ba kay Mikey?"

Biglang tanong naman Dora-ken na siya namang ikinalingon ni Haruchiyo kaya nagtagpo tuloy ang paningin naming dalawa.

Pero agad din siyang nag-iwas ng tingin kaya itinuon ko na lang ang pansin kay Dora-ken.

"Never akong magkakagusto kay Mikey 'no!"

"Kasi si Hina, ganyan kay Takemichi. Lagi niyang dinadalhan ng bento yung boyfriend niya."


"Bakit, inggit ka? Kung ako sa' yo ligawan mo na yung kapatid ni Mikey para naman di ka laging sunod ng sunod dun sa kutong-lupa na yun."


"MIKEY, KUTONG-LUPA KA DAW SABI NI WAYEN!"

Malakas na sabi naman ni Kazutora na nakiki-tolits pala sa usapan namin ni Draken. Narinig iyon ni Mikey kaya tuloy nakasimangot na lumapit yung kutong-lupa sa amin.

"Ano, Wayen? Sinong kutong-lupa? Ako ba? Yung totoo? Pina-plastik mo lang ba ako?"


Sunod-sunod na tanong niya habang nakipag-direct eye contact pa sa akin. Naramdaman ko naman yung dark aura na nagmumula sa kanya kaya medyo natakot tuloy ako.

"H-hah? D-di ba nga f-friends na tayo?" Nagkakandautal na sabi ko sa kanya. "Oy, Kazutora, wala akong sinabing kutong-lupa si Mikey, ha."

"Sinungaling yan si Wayen, ako kausap niya kanina. Sabi niya talaga kutong-lupa ka daw, Mikey." Sulsol pa ni Dora-ken.

Tiningnan ko naman si Dora-ken ng masama. Sabi niya mabait siyang seatmate pero aawayin rin pala niya ako.

Nagkumpulan na tuloy yung mga kaklase namin.



"Yikes, Wayen sinungaling!" Nagkumpulan na silang lahat sa paligid ko. Mukhang pagtutulungan na naman akong i-bully ng mga hinayupak.


Bago pa ko maiyak sa inis ay bigla na lang tumayo si Haruchiyo at sinigawan silang lahat.

"Totoo namang kutong-lupa si Mikey eh!"

Lahat kami ay natigilan at di-makapaniwalang napatingin kay Haruchiyo.

"Ano'ng sabi mo? Kutong-lupa ako?" Pinalagutok ni Mikey yung mga daliri ng kamao niya.



"Oo bakit, ano, suntukan na lang tayo!" Hamon naman ni Haruchiyo.


"Sige ba, kung gusto mo, edi ngayon na!"





"Sige ba." Kinuwelyuhan naman ni Haruchiyo si Mikey at lumabas silang dalawa ng classroom.





"WOOOOOH!" BLENTUNGAN NA!!!" Sigaw naman nina Baji at Kazutora na nagtatakbo dun sa hallway para panoorin magbasagan ng mukha sina Haruchiyo at Mikey.




Nagsunuran naman ang mga kaklase ko, as usual di rin ako pahuhuli sa ganap. Bukod sa section namin ay may mangilan-ngilang estudyanteng nakatambay din sa hallway.





"O, pustahan na. Sino una makakatama sa mukha." Inisa-isa nina Hanma at Osanai yung mga abnormal.


"Siyempre, Mikey ako. Eto isang libo." Agad namang iniabot ni Pah-chin yung pera niya sa dalawa.

"Peh-yan, ikaw? Magkano pusta mo?"



"Dalawa na kami ni Pah diyan."



Sunod naman nilang nilapitan yung kambal. Sina Nahoya at Souya.




"O kayo, Smiley at Angry? Kanino pusta n'yo?"




"Siyempre, Mikey! Hehehe." —Smiley







"Ungas, tinatanong pa ba 'yan?" — Angry



Inabot naman ni Angry yung pera kay Osanai.





"Oy Takemichi, asan pusta mo?"





"E-eh wala akong pampusta eh..."



"Di pwede' yan. Maglabas ka ng pera. Bawal killjoy dito."




Napilitan naman maglabas ng pera si Takemichi.



Napailing na lang na ako. Kahit kailan talaga napaka-pushover. Kailan kaya lalakas ang isang ito?







Nakipagpustahan din sina Baji, Chifuyu at Kazutora. Pero nagulat ako kasi pati si Mitsuya pumusta din. Siyempre dahil may pusta si Mitsuya, ganun din si Hakkai. Si Kisaki at Rindou naman, kay Haruchiyo tumaya.




"Wayen!" Nakangising bati naman ni Hanma nang makita niyang nakatingin ako sa kanila.



Agad naman akong nag-iwas ng tingin at itinuon ang pansin kina Mikey at Haruchiyo na nagpapakiramdaman pa.





"Pusta mo?"






"Luh, ayoko nga."








"Kung ayaw mong pumusta, dare na lang gagawin mo."






"Hoy gago kang Hanma ka. Ayoko nga sabi."






Pero masyadong makulit si Hanma. Isa rin siya sa pinakanatutuwa kapag inaasar ako.



Isinalya niya ako sa pader at kinorner gamit yung mga kamay niya.








"Maglalabas ka ng pera, o gagawan kita ng hindi maganda?" Inilapit niya pa yung mukha niya sa akin. Naamoy ko tuloy yung hininga niyang mabaho. Yuck, amoy-sigarilyo talaga.





"Hoy, madapaker! Akala mo siguro basta-basta lang ako 'no?" Tinuhod ko bayag niya kaya naman iika-ika siyang lumayo sa akin.






Bwakanang shit, baka nahalikan na ko nito kung di ko ginawa iyon.








"Hoy Wayen. Kay Haruchiyo taya mo ha, kapag natalo siya... Gagawin mo yung dare, sa ayaw mo o gusto." Hawak niya pa rin yung masakit na bayag niya.



"Ows, ediwow fuck you." Nag-dirty finger na lang ako sa kanya.





So hayun, nagsuntukan sina Haruchiyo at Mikey, at siyempre, talo si Haruchiyo.

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon