Wayen's POV
"Hi class, I'm back!"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Teacher Shin.
Agad namang nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang kasama niya si Takemichi.
Anong ginagawa ng lampagak na yun dito?
"Teacher Shin. Sino yang kasama mo?" Tanong naman ni Chifuyu.
Napatingin ako kay Chifuyu at nagtaka naman ako nang mapansing may eyepatch yung kanang mata niya.
"Hakkai, ano'ng nangyari kay Chifuyu?"
"Sinuntok ni Baji." Walang-anumang sagot naman niya.
"Huh? Bakit naman sinuntok siya, nag-away ba sila?"
"Di naman. Minsan kasi kaming mga lalaki, may mga bro codes na ganyan. Parang loyalty test." Paliwanag naman ni Hakkai.
Lalo tuloy akong naguluhan sa sinabi niya kaya ibinalik ko na lang ang atensyon sa harapan.
"Ok class. Ito nga pala si Hanagaki Takemichi. Transferee siya mula sa Mizo High School at siya na ang papalit kay Kageyama bilang bagong class representative ninyo."
Naghiyawan naman ang mga loko-loko sa sinabi ni Teacher Shin, maliban nga lang kay Kisaki. Ang sama kasi ng tingin niya kay Takemichi.
Si Kageyama nga pala yung classmate naming nerd na naging tampulan ng tukso ng mga mokong na kaklase ko.
First day noon ng klase at nagbobotohan kami ng class representatives, at dahil ako lang ang nag-iisang babae sa klase, ako na ang naging default female representative. Sa mga boys naman, walang gustong mag-volunteer kaya naman pinilit nila si Kageyama na maging male representative. Kinabukasan ay hindi pumasok ng klase si Kageyama at nabalitaan na lang naming lumipat na pala siya ng school. At ang dahilan niya kung bakit? Bullying daw.
"Hi everyone, tawagin n'yo na lang akong si Takemichi. By the way, sino ba sa inyo dito si Mikey?"
Agad namang tumayo si Mikey sa upuan niya. Di pa rin siya tapos kumain ng dorayaki.
"Ako si Mikey, bakit? Kakasa ka?" Seryosong sagot naman ni Mikey kay Takemichi.
Pakiramdam ko tuloy biglang bumigat yung hangin sa paligid at parang may imaginary dark shadow na pumapalibot kay Mikey nang mga sandaling iyon. Kinabahan tuloy ako para kay Takemichi.
Naku, lagot ka talaga Takemichi kapag napag-initan ka ni Mikey.
Napatikhim naman si Teacher Shin para basagin yung katahimikan.
"Sige Takemichi, maupo ka na dun sa tabi ni Wayen. Siya ang female class representative ninyo."
Agad namang napangiti si Takemichi pagkakita sa akin. Ang tagal niyang tumayo sa harapan pero parang ngayon lang ako napansin. Tsk.
"Kuya Shin, dito mo patabihin si Takemichi sa akin. Gusto ko siya as a friend." Reklamo naman ni Mikey. Nag-pout pa siya at umaakto na namang parang bata.
Uupo na sana si Takemichi sa tabi ko pero parang kidlat na nakarating agad sa pwesto namin si Mikey at pinigilan siya.
"Wayen. Dun ka sa tabi nila Ken-chin. Dito na ko uupo sa tabi ni Takemichi." Nakangiting utos naman sa akin ni Mikey.
"Luh, ano ka, gold? Di ako lilipat ng pwesto. Kung gusto mo, dalhin mo si Takemichi dun sa kabila tapos si Dora-ken ang lilipat sa tabi ko."
"Ayoko nga. Parang mas gusto ko dito sa pwesto mo, katabi ng bintana."
"Teacher Shin, si Mikey oh!" Sigaw ko naman sa kuya nitong si kutong-lupa, pero wala na pala siya sa loob ng classroom.
Saan kaya pumunta yun?
"Umalis na si Teacher Shin, nandun na sa rooftop. Nag-i-smoke kasama si Hanma." Imporma naman ni Kisaki.
"Bakit ayaw mo lumipat ng pwesto, Wayen? May crush ka ba dun sa kabilang building?" Nang-aasar na ngumiti pa si Mikey sa akin.
"Ano, si Wayen, may crush sa kabilang building?" Sigaw pa ni Kazutora, kaya naman nagsitinginan na lahat ng mga kaklase ko sa akin.
"Why naman, Wayen. Nandito na lahat ng pogi sa klase natin, tapos taga-kabilang building lang magiging crush mo?" Sabad naman ni Baji.
"WALA AKONG CRUSH!!!" Napipikang sigaw ko naman.
Dahil sa sobrang inis ay tumayo na lang ako sa kinauupuan at nagdadabog na lumipat sa tabi ni Dora-ken.
"Sorry, Wayen. Pagpasensyahan mo na si Mikey. Don't worry, mabait akong seatmate." Ngumiti naman si Dora-ken sa akin.
Well, mabait naman talaga si Dora-ken, yun nga lang lagi kasi niyang kasama si Mikey kaya minsan nadadamay siya sa inis ko sa kutong-lupa na yun.
"De, ok lang yun, Dora-ken. Alam ko namang di ka nagkulang ng pagpapaalala dun sa kaibigan mong yun."
Muli kong sinulyapan yung dati kong pwesto. Pakiramdam ko tuloy parang maiiyak ako. Dun ko na nga lang siya nasisilayan mula sa bintanang iyon, kaso wala na...
Kasalanan mo talaga to, Mikey.
Throwback muna tayo ng song habang nag-eemote si Wayen.
BINABASA MO ANG
Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU)
FanfictionYN x Hanma x TR fanons x Crossovers