Wayen's POV
"Wha-" Naputol yung sasabihin ko nang bigla na lang tumakbo paalis si Hina.
Tatlong segundo din akong natigilan habang nag-iisip ng mabuting gawin.
Bago pa mapalingon sa direksyon ko sina Mikey at Takemichi ay mabilis na hinabol ko naman si Hina.
Umiiyak siya. Alam kong sobrang nasaktan siya sa nasaksihan naming dalawa dun sa Student Council Office.
"Hina, wait. Di ba kakausapin mo pa si Takemichi. Bakit bigla kang nag-walkout?" Tawag ko naman sa kanya habang pilit na hinahabol pa rin siya. Sige pa rin kasi siya sa pag-iyak at pagtakbo.
Napalingon naman si Hina sa akin at sa wakas ay huminto na rin siya sa pagtakbo. Sa pagkakataong iyon ay kinakalma na niya ang sarili.
"I'm sorry, Wayen. Medyo na-shock lang talaga kasi ako. Di ko kasi ini-expect na bakla talaga si Mikey. I mean, di ba siga siya dito sa Toman High, tapos..." Di na niya tinapos yung sinasabi niyang mariing ipinikit niya ang mga mata habang marahas na umiiling.
It was meant to be a joke. Kahit ako ay gusto ko ring maiwaksi sa isip ko yung nakita namin. Di ko rin kasi talaga kayang tanggapin.
"Di naman talaga sila totally nag-kiss, di ba?" Katwiran ko naman. "Kung magko-confess ka ngayon kay Takemichi, may chance ka pa rin naman sa kanya, Hina." Pangungumbinsi ko pa.
Medyo nakonsensya rin kasi ako. Sa sobrang inis ko kay Mikey, sinulsulan ko pa tuloy si Hina, at the expense of her feelings for Takemichi. Pakiramdam ko tuloy ang sama kong kaibigan.
"Natatakot kasi ako kay Mikey. What if... saktan niya tayo? Eh di ba gangster yun."
"Don't worry, madalas mang makipagbasag-ulo si Mikey, never siyang nanakit ng babae. Trust me." Inabot ko ang kamay niya para bumalik dun sa Student Council Office.
Pagkarating namin dun ay wala na si Mikey.
"Takemichi, may sasabihin nga pala si Hina sa'yo." Sabi ko sabay tulak kay Hina palapit kay Takemichi.
Napalakas yata yung tulak ko kaya napasubsob tuloy si Hina sa dibdib ni Takemichi.
Napabuga na lang ako ng hangin habang nakatingin sa kanilang dalawa. Di ko maintindihan pero may nalasahan akong mapait sa bibig ko. Tsk. Ilang saglit lang silang nagkatitigan na dalawa to the point na nakalimutan yata nilang may iba pang tao sa paligid nila.
"Hina, kailangan pa ba ako rito? Pwede na ba akong umuwi?"
Tiningnan naman ako ng masama ni Hina pero di ako sinagot.
"Oy Takemichi, ikaw na bahala diyan kay Hina ah. Kapag nagsumbong sa akin 'yan. Papabugbog kita ulit kay Masataka." Bilin ko na lang kay Takemichi at naglakad na palayo.
*******
Takemichi' s POV
Paalis na sana ako ng Student Council Office nang tawagin ako ni Wayen. Medyo kinabahan ako nang makitang kasama niya si Hina.
Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako pinuntahan at kung ano ang kailangan nila sa akin.
Kinausap din kasi ako ng masinsinan ni Mikey at mukhang may kinalaman sina Wayen at Hina sa babaeng tinutukoy ni Mikey.
"Basta kapag may babaeng nag-confess sa'yo, kailangang tanggihan mo siya, Takemichi."
Iyon ang huling sinabi ni Mikey sa akin bago siya umalis kani-kanina lang.
Dahil aalis naman si Wayen, ibig sabihin ba nun, si Hina ang magko-confess sa akin?
Schoolmates kami ni Hina dati at kilala ko naman siya kahit papaano. Hindi ko rin makalimutan kung paano siya umiyak habang binubugbog ako ni Kiyomasa kaninang umaga. At nung pinupunasan niya ang mga sugat ko sa mukha, dun ko rin na-realize na napakaganda pala talaga niya.
At ngayong halos magkayakap na kaming dalawa ni Hina ay hindi ko rin mapigil ang malakas ng pagkabog sa dibdib ko.
Parang gusto ko siyang yakapin.
"Takemichi..." Ayoko mang aminin, pero nakaramdam ako ng kilig sa paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko.
"Hina..." Sambit ko naman habang nakatitig sa mga mata niya.
"G-gusto kita... Takemichi... Pwede ba kong maging girlfriend mo?"
Pakiramdam ko tuloy tumigil yung mundo ko. Nanigas ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw at makapagsalita man lang.
Ilang segundo rin akong napakurap-kurap at ibinuka ko ang bibig para magsalita pero di ko matagpuan ang boses ko.
Napalunok naman ako nang matuon ang paningin ni Hina sa mga labi ko. Di na ko nakapalag pa ng bigla na lang niya akong kinabig at hinalikan.
Ganito pala ang feeling ng mahalikan. Ang sarap sa pakiramdam.
Hinata Tachibana... is my first kiss.
BINABASA MO ANG
Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU)
FanfictionYN x Hanma x TR fanons x Crossovers