Wayen's POV
After playing the cupid between Hina and Takemichi, in just one day naging instant couple na silang dalawa.
Lunch break kaya naman nasa loob ng classroom namin si Hina. Dinalhan ng bento box si Takemichi. Girlfriend duties na agad on the first day. Just wow.
As usual dito ako sa upuan ko at kumakain ng yakisoba bread at juice drink.
Yung iba kong kaklase, sa rooftop kumakain ng lunch, diretso na kasi sila ng paninigarilyo at tulog doon, kaya madalas laging late sa afternoon classes. Lalo na yung trio nina Kazutora, Chifuyu at Baji. Pati na rin sina Hanma, Kisaki at Osanai.
Sina Kawata at Souya naman dun sa canteen, habang si Rindou ay dun nakikipag-hangout sa mga third year na tropa naman ng kuya niyang si Ran.
Sina Mitsuya, Hakkai, Ryohei at Haruki naman dun sa H.E. Room tumatambay.
Si Mikey naman andun nakiki-third wheel sa kanila Takemichi at Hina. Di ko naman matagpuan sa paligid yung personal assistant niyang si Dora-ken. Sa pagkakaalam ko, pinuntahan daw yung kapatid na babae ni Mikey. Emma daw ang pangalan.
"Haruchiyo!"
Napalingon naman ako sa pinto at nakita ko naman yung kapatid ni Haruchiyo na si Senju. Di ko rin maintindihan kung bakit lagi rin siyang sumasabay sa kuya niyang kumain ng lunch. Di naman kasi kami ganun ni Masataka. Isa pa, mukhang di naman sila gaanong close kasi di naman sila nag-uusap na magkapatid. Ang weird lang.
Dahil wala akong magawa sa buhay ay sinundan ko ng tingin ang bawat galaw ni Senju. Most of the time ay nakatuon ang paningin niya sa direksyon nila Takemichi.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa na-realize ko. Mula pa nung first week ng klase ay napapansin ko nang madalas siyang nakatingin kay Mikey.
Napangisi tuloy ako sa naisip. Hindi malabong wala siyang gusto kay Mikey. At iyon ang nakikita kong rason kung bakit trip ni Senju na kumain ng lunch sa classroom namin.
Pagkalabas ng classroom ay agad na sinundan ko si Senju.
"Senju!" Nakangiting tawag ko sa kanya.
"Ate Wayen, bakit?"
"May itatanong sana ako. Didiretsuhin na kita, ha. May gusto ka ba kay Mikey?"
Bigla na lang namula si Senju sa tanong ko. Napangisi naman ako. Gotcha!
"Ate... Masyado ba kong halata?" Nag-aalalang tanong niya.
"Di naman masyado. Pero kung gusto mo, pwede kitang tulungan para mas mapalapit pa kay Mikey."
Tila naging interesado naman si Senju sa sinabi ko.
"Ate Wayen, paano ba ako mapapalapit kay Mikey? Kasi hanggang ngayon di pa rin niya kami kinakausap ni Haruchiyo."
Nagulat naman ako sa nalaman ko. Isa rin ba iyon sa rason kung bakit lumipat ng upuan si Mikey?
"Hala, bakit naman?"
"Basta, Ate Wayen, mahabang kwento. Actually elementary pa lang kami, di na kami magkabati." Medyo lumamlam ang mga mata ni Senju na parang maiiyak na.
"Sinubukan mo na bang kausapin ulit si Mikey? I'm sorry, wala kasi akong alam sa nangyari sa childhood ninyo. Pero ok lang kung ayaw mong magkwento. Naiintindihan ko naman."
"Kasi Ate Wayen, bago pa kami magkasamaan ng loob, nag-promise si Mikey sa akin na papakasalan niya ako."
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling mapabunghalit ng tawa.
Silly Senju, ilang taon din niyang pinanghahawakan yung childhood promise nilang dalawa ni Mikey.
"Pero Senju... Alam mo namang maraming may gusto kay Mikey dito sa Toman High... At malala pa, may rumor kasi akong nasagap tungkol kay Mikey."
"Yun nga rin po ang concern ko, ang dami ng nagkakagusto sa kanya. At gusto ko na rin talagang mag-confess na rin kay Mikey, kaso lagi akong inuunahan ng takot. What if galit pa rin siya sa akin at di niya ako pansinin?"
"Alam mo Senju, di naman mga babae yung dapat na problemahin mo. I just heard that Mikey... is gay... At type niya si Takemichi."
BINABASA MO ANG
Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU)
FanfictionYN x Hanma x TR fanons x Crossovers