Nagising ako sa sinag ng araw nag unat unat muna ako ng may biglang pumasok ng kwarto ko.
"Tanghali ka nanaman nako ikaw talagang bata ka" sermon sakin ni yaya.
"Bumaba kana duon at mag almusal kana late ka nanaman sa school"
"Yaya remember ? It's saturday walang pasok ngayon" sabi ko.
"Ayy oo nga no ? Ayy pasensya na matanda na talaga ako" natatawa niyang sabi.
"hahaha ano ka ba yaya dalaga ka pa kaya" biro ko dito.
"Hay nako kang bata ka bumaba kana dun at aayusin ko pa itong kwarto mo."
Tumayo na ako at nag paalam ng pababa na ako O___________o
"Anong ginagawa mo dito !?" Pasigaw kong tanong.
"Ah eh------"
"YAYAÀAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Maka basag eardrum kong sigaw.
"Oh bakit bata ka !? Anong nangyari !? Napano ka !? Bakit !? " natatarantang tanong ni yaya.
"Bakit nakapasok yung hayop dito. Di ba no pets allowed ?" Tanong ko kay yaya sabay turo sa taong nasa harap ko.
"Ayyy oo nga pala maxine, nakalimutan kong sabihin na may bisita ka pala hehe" natatawang sabi ni yaya.
"Ya. Ano kaba di bisita yan BWISITa yan " sabi ko sabay tingin kay nathan at sabay irap.
"Anong ginagawa mo dito ?" Mataray kong tanong.
"Ha ? Ah. Eh! Ano ? Kase" utal niyang sabi.
"Ano wala ka nang dila ? Wala ka bang magandang sasabihin ? Kung wala pwede kanang lumabas ng pinto" mataray kong sabi.
"Ah hindi . Kase gusto ko lang sanang ano"
"Ano!?" Pasigaw kong sabi medyo nagulat naman siya. Nakakabwiset kase -.-
"Mag sorry" sabi niya sabay kamot sa batok.
"For what ?" Tanong ko dito.
"Sa nangyari kahapon?" Patanong niyang sagot.
"Okey" cold kong sagot.
"Galit ka pa rin ba ?" Tanong niya.
"May sasabihin ka pa bang iba ? May gagawin pa kase ako eh" pag iiba ko ng topic.
"Sorry naka abala ba ako ? Wala na akong sasabihin dumaan lang ako para mag sorry sa nangyari kahapon. Sorry max. Ah ? Sige alis na ako" sabi nito sabay talikod.
"Wait !" Tawag ko dito.
"Bakit ?" Takang tanong niya.
"Di ko naman kailangan ng sorry mo eh. " sabi ko dito.
"Bakit ?" Kunot noo niyang tanong.
"Kase una sa lahat ako naman talaga ang may kasalanan " sabi ko dito.
Bumuntong hininga to "hay ! Ako man o ikaw ang may kasalanan hayaan mo na. Basta sorry maxine" sabi nito . Sabay gulo ng buhok ko na parang bata.
"Ano ba ?" Tabig ko sa kamay niya. At ang ugok tumawa lang.
"Ang cute mo" sabi nito habang nakangiti.
"Ano ako aso ?" Mataray kong tanong dito.
"Di naman, oo nga pala dragon ka pala" sabi nito na ikinataas ng kilay ko.
" umalis kana nga. ! Shoo ! Shooo !" Taboy ko dito.
"Ayoko nga. Di mo manlang ako aalukin ng inumin ? O kaya pagkain ? Breakfast?" Sunod sunod nitong tanong.
" at bakit kita aalukin ?" Tanong ko dito
"Bisita kase ako dito ?" Patanong niyang sagot.
"ayyy ang kapal rin naman pala ng mukha mo eh no ? Di ka bisita dito no. BWISITa ka dito. Sige na uwi na shooo !" Tinulak ko ito palabas ng pinto kaso ang lakas niya Urgh !
"Oo na! Oo na! Aalis na, kitakits nalang tayo sa school babyee maxineeee !" Sabi nito habang kumakaway.
"Oo na! Sige na alis. Mukha kang pusa ng chinese jan na kumakaway " sabi ko dito habang natatawa.
"Ang gwapo ko namang pusa" pagmamalaki niya.
"Ang gwapo nga ang kapal naman ng mukha" sabi ko dito.
"Oh diba ? Sayo na rin nang galing na gwapo ako" sabi nito habang naka smirk.
"Heh ! Umuwi kana nga bwiset na pusa to !" Sabi ko dito .
"Sige babye na" sumakay na siya ng kotse niya. At ako naka tayo pa rin sa pinto. Nang may marealized ako na isang bagay .
.
.
.
.
.
.
.
.
WHAT THE HELL !? BAKIT ALAM NIYA YUNG BAHAY KO !? O___________o-----*
BINABASA MO ANG
PAST AND PRESENT
RomanceIsang pag iibigan sa nakaraan na puno ng kasinungalingan, handa niya bang patawarin ang taong minahal niya na siya rin ang dahilan para masira ang tiwalang binigay niya? Mas gugustuhin mo bang balikan ang nakaran na puro sakit ang idinulot sayo ? o...