Maxine Pov.
Kriing Kriing !
Ano ba yon parang may tumutunog ? Kinapa ko agad ito at pinatay ang cellphone kong tumutunog, tinignan ko ang orasan na nakasabit sa may pader at pag tingin ko tanghali na pala napasarap ata ang tulog ko kagabeBumangon na ako dahil gutom na rin ako.
"Good morning" nakangiting bati sakin ni yaya.
"Good morning din po" bati ko pabalik sakanya.
"Tinanghali ka na ata ng gising ?" Tanong nito.
"Opo eh. Napasarap po yung tulog ko eh. Hehehe"
"Oh siya kumain kana iha"
Habang kumakain kame ng tahimik ni yaya ay biglang tumog ang pinto sign na may kumakatok."Ako na po mag bubukas ya" prisinta ko.
"Wag na ako na kumain ka nalang diyan" sabi na yaya sabay tumayo na.
"Good morning"
"Ayy kalabaw ! " gulat kong sabi.
"Mukha ba akong kalabaw ?" Nakasimangot na tanong nito.
"Anong ginagawa mo dito !?" Pasigaw kong tanong.
"Aray ! Ang sakit mo sa tenga ang aga aga." Panong hindi ako mag iingay eh una bulungan daw ba ako sa tenga at pangalawa ano naman kayng ginagawa ng mokong na ito dito ? Aissh sabi ko pa naman kagabe gusto ko maganda yung mangyayari ngayon. Pero eto aga aga badtrip na ako.
"Hoy ! tulog kapa ata lakas mo maka daydream!" ayy hayuf na to sigawan daw ba ako.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito ?"
"Di mo manlang ba muna ako papa upuin?" Tanong neto.
"Hindi. Kaya pwede kana umalis" hindi siya nakinig sakin umupo lang siya sa tabi ko. Haist di ko tuloy ma tuloy yung kaen ko nawalan na tuloy ako ng gana -.-
"Bakit ba ang aga aga napaka init ng ulo mo ? Meron ka ba ?" Tanong neto.
"Wala ! Eh kung ganyan ba namang pag mumukha ang makikita ko panong di iinit ang ulo ko?" Mataray kong sabi.
"Aw. Ang sakit mo namang mag salita" sabi niya sabay hawak sa puso, kunyari nasasaktan.
"Heh! Kapal talaga ng mukha mo nathan"
"Kumain ka na nga lang dyan" sabi neto.
"Ayoko nawalan na ako ng gana" sabi ko dito sabay irap.
"Tss. Ang arte ! Edi maligo kana bilis may pupuntahan tayo." Sa pag sabi niyang yun napataas ang kilay ko umabot ata ng mars.
"At saan naman tayo pupunta ?" Tanong ko na pataray dito.
"Mag gagala, kaya bilis na tumayo kana dyan at maligo kana. Bilis tumatakbo ang oras" sabi nito. Pero hindi pa rin ako natayo sa pwesto ko.
"At sa tingin mo sasama ako sayo?" Tanong ko dito na nakataas pa rin ang kilay.
"Oo?" Patanong nitong sagot.
"Pwes hindi ako sasama. Kaya paradise pwede ka nang mag gala mag isa mo!" Sabi ko dito sabay tayo. Pumunta ako ng living room pero naka sunod pa rin yung ugok.
"Cge na kase. Saturday naman eh. Sige na gala tayo. " bat ba ang kulit niya ? -.-
"Ayoko nga kase!"
"Cge na kase. Ang damot mo naman ! Date na kase tayo!"
O________o
Hanudaw ? Date ? Tama ba yung narinig ko ? Date yung diba ? As in lalabas kayong dalawa ? Akala ko ba gala ?
"Hoy ! Para kang naka kita ng multo?" Untag neto saken. Urgh ! Ugok talaga to.
"Ano nga ulet yung sabi mo ?" Tanong ko dito.
"Labas tayo ^_____^"
"Pano pag ayoko?"
"Edi kukulitin pa rin kita" sabi neto.
"Urgh! Fine ! "
---------*
BINABASA MO ANG
PAST AND PRESENT
RomanceIsang pag iibigan sa nakaraan na puno ng kasinungalingan, handa niya bang patawarin ang taong minahal niya na siya rin ang dahilan para masira ang tiwalang binigay niya? Mas gugustuhin mo bang balikan ang nakaran na puro sakit ang idinulot sayo ? o...