CHAPTER 9 (His Pain ) "AGAIN"

30 0 0
                                    

MAXINE POV.
"Anong sabi mo ?" tanong ko. bakit ba ang hilig bumulong nitong lalaking to ? -_-

"Wala sabi ko ang ganda talaga dito "

"Oo nga eh , lagi ka bang nandito ? "

" Oo lagi kaming nandito lagi ko siyang dinadala dito "

"Wag ka nang malungkot ! Im here eto balikat ko oh ? pwede kang umiyak " sabi ko at tinapik ko yung balikat ko, kahit ilang weeks palang kami nag ka kilala ang gaan ng loob ko sakanya, di ko nga alam kung bakit eh.

"Sira! Di naman ako iiyak, malungkot lang " sabi niya ng naka ngiti pero , pilit at halatang may pain.

"Kung nasasaktan ka sumigaw ka , kaibigan tayo diba ? sabihin mo sakin yung problema mo, andito ako pwede mo akong yakapin , pwede mo akong iyakan. pwede mo akong labasan ng sama ng loob , pwede mo akong ----"

nagulat ako sa ginawa niya , hindi niya na ako pinatapos Niyakap na niya ako , biglang bumilis yung abnormal kong puso . haisst. erase erase ! naramdaman ko nalang na humihikbi na siya at basa na yung balikat ko. sa nararamdaman niya ngayon halatang nasasaktan siya nang sobra.

"Bakit ganun ? bakit sobrang nasasaktan na ako ? bakit di ko siya makalimutan ? bakit ang sakit sakit na ? bakit ? "

"Kasi di mo kayang i let go ang mga bagay na kahit kailan ay hindi muling mangyayari at hindi na muling babalik pa, sobra ka nang nasasaktan , wag mong kulungin yung sarili mo sa mga bagay na hindi na muling magaganap pa matuto kang i let go ang mga bagay lalo na kung sobrang nahihirapan at sobrang nasasaktan kana "

----------*

PAST AND PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon