"Uuwi na talaga tayo? Ang aga pa Marvin babes!" Reklamo ko habang karga pa rin niya. Alas nueve pa lang tapos ihahatid na niya ako pauwi?
"You're already drunk kahit dalawang basong beer pa lang ang iniinom mo kaya iuuwi na kita" seryoso niyang saad.
"Hindi pa ako lasing! Inaasar lang naman kita! Put me down, gusto ko pang mag enjoy!" Sambit ko habang kunot na ang noo. Nakita ko naman ang pagsilay ng inis sa kanyang mukha.
Shuta! He dropped me! Ang sakit sa pwet!
"Aray! Ba't mo naman ako biglang binaba?! Are you even thinking that you'll hurt me?!" Pasigaw kong reklamo habang pinupunasan ang braso.
"Ginusto mo yan" seryoso niyang saad at iniwan ako.
"Marvin babes! Magsorry ka kaya saken! You're rude!" Sigaw ko habang hinahabol siya. Agad ko naman siyang inabutan at niyakap mula sa likod. Hule!
"Sophie! Get off me!" Inis niyang saad na ikinatawa ko lang. HAHAHAHAHAHA.
"Ang bango mo naman Marvin babes. Anong perfume gamit mo?" Pang-aasar ko at halata namang umeepekto sa kanya.
"I said get off me! Naiirita na ako sayo Sophie!" Malakas niyang reklamo kaya bumitaw ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Mukhang naiinis na talaga siya dahil kitang kita naman ito sa ekspresyon niya ngayon.
"S-sorry. I think it's not a good joke anymore. Sorry for being this crazy. I g-guess I'll need to go hehe. Thank you for having me tonight" I smiled awkwardly at him.
"Stay." He uttered as I've tried to leave the awkward atmosphere between the two of us.
Anong stay? Nakakairita ako diba?
"No. Baka hanapin na din ako ni mommy" I answered back.
"I'll call you're Mom. Give me her number"
"Ayaw mo ng number ko? Charot wag na. Medyo lasing na din ako kaya uuwi na ako" sambit ko naman.
"Then I'll take you home"
"Hala wag. May 2 songs pang ipeperform. Kailangan ka dun!" Sagot ko naman pero naka poker face pa rin siya na parsng walang pakialam.
"Okay" matipid nitong sagot at iniwan akong disappointed at tulala.
Akala ko pa naman susuyuin ako, nakalimutan ko nga pa lang daig niya pa ang bato sa katigasan ng puso. Pangit niya kabonding.
"Di ko talaga alam ba't gusto kita eh. Grabe yung ugali hayst" bulong ko sa sarili ko at saka dahan-dahang lumabas.
"Sophie!"
Nagulat ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin at nakita kong si Charisse ito.
"Where are you going? Aalis ka na agad? May susunod pang mga kanta! Wag ka munang umuwi please" Charisse uttered while showing her puppy eyes.
"Ayoko na. Uuwi na ako. Kaya na nila yun" simangot kong saad.
"Why? Ba't ganyan yang mukha mo?" Nakataas ang kilay ni Charisse habang tinatanong ako.
"Bakit? Anong meron sa mukha ko? Mukha pa rin naman." Seryoso kong sagot at napangiwi si Charisse dahil sa sagot ko.
"Wtf? Seryoso yung tanong ko Sophie. Seryosong sagot din ang kailangan ko. Anong nangyari?" Naramdaman ko ang pagdidiin ni Charisse sa pagsasalita kung kaya't alam kong seryoso nga siya.
"Nainis ata sakin si Marvin. Ang kulit ko kase eh!"
"Buti naman alam mo. Teka, ano bang ginawa mo?" Charisse asked.
BINABASA MO ANG
Upside Down ( On-going)
Teen FictionThis is a side story of "30 Days to Love me". A story of two teens sharing a complicated Love. A Love full of hesitations and what ifs. Paano kung ang taong pinaka-ayaw mo ay siya ring hahabulin mo sa huli? Paano kung ang taong pilit mong inaabot...