CHAPTER 15

0 0 0
                                    

Sophie's POV

It's just 4 am in the morning. Sobrang lamig pa dito sa US. Hindi naman ganito kahapon.

I was wearing a hoodie and sweatpants. Naka medyas din ako dahil sobrang lamig na ng mga paa ko. I woke up early to pack lunch para sa akin, and the Winks.

Dapat si Will at Marvin babes lang pero baka magtampo ang tatlo kaya lahat ko na lang sila bibigyan.

I cooked Chicken and pork adobo, omelette and rice. Gumawa din ako ng Calamansi juice dahil namimiss ko na rin ito. Hirap kaseng maghanap ng Calamansi didto kaya tinanong ko pa si mama kung saan pwedeng makakuha.

Buti na lang at maraming disposable tupperwares dito sa bahay kaya may maayos akong lalagyan ng lunch. Sinabay ko na rin si Charisse tutal madami naman ang nailuto ko. I packed 7 lunch, and it's already 6:30 in the morning.

Naligo ako pakatapos kong ayusin ang kalat sa kusina. 7:30 am na ako nang matapos. 8:00 am ang start ng klase kaya nagmamadali akong bumaba.

"Ma! I have to go, labyu!" Sigaw ko dahil nasa kusina si mama.

"Hindi ka na magbe-breakfast?" Tanong niya.

"Hindi na po! Sa canteen na lang. Bye!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa ni mama dahil bumaba na ako papuntang garahe dahil nandoon ang kotse. Pinayagan akong gamitin ito ngayon dahil marami ang dala ko. Sabi ni mama ngayon lang daw, sayang nga gusto ko araw-araw hahaha.

~~~~~~~~~~

"Charisse!" Tawag ko sa kaibigan ko na naghihintay sa waiting shed.

"Sophie---shit! Bakit ang daming dala mo! Magpapakain ka ba sa buong school?!" Gulat na bungad ni Charisse sa akin.

"Gaga, hindi. I prepared lunch for The Winks at sayo" I smiled.

"Aww, ang sweet naman ng beshiwaps ko!"

"Beshiwaps ka diyan! Hahahaha"

~~~~~~~~~

*Kringggg*

Lunch time!

I immediately rushed to the canteen dala-dala ang mga foods. Katulong ko si Charisse sa pagdala ay pinagtitinginan na kami pero wala akong pake.

"Hey, dun tayo sa bakante oh" turo ni Charisse sa bakanteng table. I nodded at sumunod na sa kanya.

"Hintayin muna natin ang Winks. I texted Marvin kaso hindi pa nagrereply" I said as I prepare the foods.

"Ako rin. Tinext ko na si Jackson kaso hindi rin nagrereply" Charisse pouted.

"Ano kayang ginagawa nila? Baka may klase pa. Hintayin na lang natin" agad ko namang saad. Tumango lang siya at uminom muna ng sala niyang juice sa tumbler.

I felt my phone vibrated. Nasa pocket ko ito kaya naramdaman ko ang pag-vibrate. I immediately took it from my pocket and checked my inbox.

From: Marvin babes

Coming.

I smiled. One word, yet it still made me smile. Grabe talaga ang tama ko, hays.

"Hulaan ko, nagreply na si Marvin ano? Ngiting-ngiti ka eh" usal ni Charisse habang patuloy pa rin sa pag-inom ng juice niya.

"He said he's coming. Kasama na ata niya ang Winks" agad kong usal habang pinipilit na itago ang ngiti ko.

"Wag mo nang itago, nahiya ka pa. Labas mo na yang smile" ngisi ni Charisse.

"Oo na kinikilig na ako! Oh, happy?" Asik ko na ikinatawa lang ni Charisse.

"Are you that much attracted to me, Ms. Eastherlin? A simple message yet you're too overwhelmed" halos manigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko kung sino ang nagsalita.

Upside Down ( On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon