"Sophie?" Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Charisse pero mas naaagaw ang atensyon ko ng bandang patuloy pa rin sa pagtugtog.
"Sophie Claire!" Halos mabingi ako sa lakas mg boses ni Charisse. Damn.
"What the hell?!" Hindi ko na naiwasang mapasigaw rin dahil sa gulat. Natawa naman ng bahagya si Charisse kaya napairap ako.
"Masyado ka namang inlove kay Marvin kaya halos siya na lang ang tinitignan mo" agad ko naman siyang nilingon ay sinamaan ng tingin.
"H-hindi kaya! Ano kase...basta wag ka na kaseng maingay! Kitang nakikinig ako eh"
"Sige nga kung nakikinig ka talaga sa music, anong kinanta nila kanina pagkatapos ng 'Painkiller'?" Agad naman akong napaisip dahil sa sinabi niya. Ano nga ba ulit?
"A-ano, hindi ko alam ang title nun hehe" pagdadahilan ko. Hindi ko lang talaga matandaan hehez.
"Myghad kinakanta na nila ngayon! Jusko Sophie, sa kakatitig mo kay Marvin hindi mo na alam kung pang-ilan na yang music nila. Jusko po hulog na hulog" napakamot naman ako sa batok. Sorry na.
"Ok, I'm s-sorry. Ikaw rin naman nakatitig kay Jackson eh" this time, ako naman ang ngumisi.
"H-hindi ah! Nakikinig at nanunuod lang ako, wag kang malisyosa diyan" namumula niyang sambit. Hindi ko maiwasang mapangisi. Sinong hulog na hulog?
Muli kong binaling ang paningin ko sa Winks at pababa na sila sa mini stage. Muling umalingawngaw ang isang disco music at nagsimula nang magsitayuan ang mga tao sa loob ng bar. Should I dance? Kidding.
Nakita kong papalapit sa amin ang Winks. Bakit sila lalapit sa amin? Omg!
"Sophie! Papalapit sila!" Halos mapatili na si Charisse. Hindi ko maiwasang kabahan. The Winks are smiling widely while looking at me and Charisse! Syempre pwera na lang kay Marvin at Jackson na mukhang hindi alam ang salitang 'ngiti'.
"Hi girls! Kayo lang?" Tanong ni Will, that guy with black shiny hair.
"Hello. Kami lang. I don't have that much friends, bago lang ako sa Vendez High" sambit ko habang pinipilit na huwag mautal. Ghad, I need air.
"By the way, this is Charisse Clinton, my newest friend" I said as I pointed my hand to Charisse. Napakalaki naman ng ngiti ng gaga habang nakatingin sa lima.
"Hi, I'm Will"
"I'm James and this is my twin, John"
"Nice meeting you girls" nakangiting sambit ni John.
Seryoso lamang ang mukha ni Marvin at Jackson. Agad namang siniko ni Will ang dalawa.
"Marvin Drake" bored na sagot niya.
"I'm Jackson, Hi" mabuti pa 'ton si Jackson, hindi nagtitipid sa words. Hay ewan...
"Hi! I'm Charisse! Oh, I'm sorry, napakilala na pala ako hehe" hindi ko maiwasang matawa dahil sa inasta at naging tugon ni Charisse. Halatang kinakabahan.
Nakita ko naman ang bahagyang pagtawang apat, kasama si Jackson at pwera na lang kay Marvin na ewan ko ba kung bakit kanina pang seryoso.
"I'm Sophie Claire, by the way" nakangiti kong sambit.
"Can we join the two of you?" Tanong ni Will.
"Oh sure!" Halos sabay naming sagot ni Charisse.
Tumabi sa akin si Charisse at nasa kabilang parte naman ng table ang lima. Medyo naging awkward ang atmosphere matapos maupo sa table namin ang Winks.
BINABASA MO ANG
Upside Down ( On-going)
Fiksi RemajaThis is a side story of "30 Days to Love me". A story of two teens sharing a complicated Love. A Love full of hesitations and what ifs. Paano kung ang taong pinaka-ayaw mo ay siya ring hahabulin mo sa huli? Paano kung ang taong pilit mong inaabot...