Mahal kita, ngunit unti-unti kong napagtantoNa sa ating dalawa, ako iyong hindi naging klaro
Maniwala ka sakin na lahat ng ito'y hindi ko plinano
Dahil intensyon ko sayo'y totoo at walang halong biro
Ayokong makipagtalo
O magbilangan ng isa, dalawa, at tatlo
At ikwento sa kanila kung sinong talo o sinong panalo
Hanggang sa mawala ako sa listahan ng kanilang mga paborito
Mahal kita, pero hindi pa pala ako handang maging buo
Natatakot na lahat ng pundasyong ginamit ay bigla nalang ulit gumuho
Mahal kita, pero hindi pa ako ganon ka-sigurado sa sarili ko
Kaya pasensya na kung ako ngayo'y hihingi muna ng espasyo
Oo nga at wala pang tayo,
Pero ayokong tahakin mo kasama ako iyong daan na sa huli ay hindi parin naman tayo magtatagpo
Pasensya na kung hanggang dito nalang muna tayo
Mahal kita, pero hindi na muna kita masasamahan hanggang sa dulo
