Colton's POV
Tiring rest day
"Hay nako ang saya talaga kanina!" Natatawang sabi ni Brandon. Siya naman may dahil ng kaguluhan kanina eh. "Dylan sa totoo lang wala kaming surprise para sayo pero sisiguraduhin naman natin na makakapagbonding tayo sa birthday mo." Napangiti naman si Dylan. Kahit madalas ay pacute yan love naman namin yan pwe  ̄﹏ ̄ .
"Sorry ha kung parang pinipilit ko kayo na icelebrate ang birthday ko. Noong bata kasi ako hindi namin nacecelebrate ang birthday ko bilang pamilya. I treat all of you guys as family so I was hoping that kahit matanda na ako ay sana maexperience ko naman ang saya ng pageenjoy ng birthday mo kasama ang pamilya mo and in my case mga taong tinuturing kong pamilya."
Ang drama naman ni Dylan pero kahit papano ay nakarelate naman ako sakanya. Never ko rin naexperience na magbirthday na buo ang pamilya ko. "Oo na nagpapaawa ka pa eh. Oh ako na bahala sa cake mo," sabi ko sabay pisil ng pisngi ni Dylan. Kahit nakakainis to parang nakababatang kapatid ko na rin siya. "Wow! Alam kong love na love mo ako eh. Di ka lang showy! Dahil diyan bibigyan kita ng thank you kiss!" Ikikiss na dapat ako ni Dylan sa mukha pero nakailag ako. Pero etong si Brandon may ginawa nanamang kalokohan.
Tinulak ni Brandon si Alvin kay Dylan kaya naman muntikan na sila magkiss sa lips. "Brandon! Kanina ka pa! Di ka na nahiya sa interview tapos hangang ngayon patuloy ka parin sa mga kalokohan mo!" Matapos magsalita ni Alvin ay nagsimula nanaman ang kulitan nila ni Brandon. Lagi na lang nagkukulitan ang mga to. Baka naman totoo ang bromance nila? Bakla kaya sila? Hahaha joke straight mga yan >:)
Nang makauwi na kami sa condo namin, yes condo; namin we live together. Kumain na lang kami ng tirang pizza sa ref at agad ng natulog, pagod kami dahil sa puno naming schedule today. Tulog na tulog kaming lahat at nagpapahinga ng tahimik nang bigla na lamang kaming nagising dahil sa isang malakas na tunog. Crap. Early in the morning, who or what the heck was that?!
"Yes babe kung gusto mo pa di mo naman kailangang magingay ng ganyan. I'll pleasure you more if you be a good girl," seductive na sabi ni Brandon. Mukhang half asleep pa ata to. Binatukan ko siya at mukhang natauhan na rin siya. Ano kayang panaginip niya? Well dahil sa mga sinabi niya wala na akong ganang malaman pa yun. Dumiretso na si Mommy Alvin sa kusina mukhang doon nagmula ang malakas na tunog. Doon natagpuan namin ang magandang panira ng umaga.
Dylan stood there and the kitchen was a big mess. Mukhang may sumabog na ewan and there were ingredients everywhere. "Gagawa lang sana ako ng pancakes para sa atin *pout*" Pancakes?! Grr dapat ginising nalang niya si Alvin para magluto. Alam naman niyang super clumsy niya eh. =_=
-Mall-
Yes nasa mall kami. Kasi naman nagcracrave daw si Dylan ng pancakes. Since super dumi ng kitchen nagpatawag nalang kami ng taga linis. Grabe naka disguise pa kami ngayon. Fuck. Pag namukhaan kami patay talaga. Last time we went out in secret namukhaan kami ng mga fans. They chased after us, hinila at pinunit ang aming mga damit and worse hinipuan pa kami ng iba sa pwet. I don't want that to happen again. Para kaming mga bida sa horror movie na hinahabol ng zombies.
Nung kumain kami sa pancake house mukha namang walang nakakilala samin. We decided na pag nagpunta kami ng mall today tig isang activity kaming gagawin as a group. Ang kay Dylan ay breakfast at Pancakehouse. Sunod naman si Mommy Alvin sa supermarket. Si Brandon naman nagyayang magtingin-tingin sa department store.So far di pa naman kami napapansin ng mga tao kahit napakaraming nangyaring epic samin.
List of Epicness:
1. Sumakit tiyan ni Brandon dahil sa over kain sa pancakehouse. Nakailang balik kami sa cr at nakipaglandian pa si Brandon sa isang babae dun buti nagpanggap si Alvin na gay couple sila dun na turn off yung babae XD
2. Nawala si Dylan sa mall. Pinalost child announcement pa siya ni Alvin dahil wala palang dalang cellphone si Dylan. Nung nahanap namin si Dylan with matching iyak pa eh.
3. Nadulas ako sa supermarket at natapon mga pinamili namin sakin. Amoy isda tuloy ako pero pogi parin. >:)
Nung turn ko na nagyaya na ako umuwi and guess what may nakabunggo si Alvin at nalaglag wig niya. Pakshet napagkaguluhan kami. We were running as fast as we could. Hila dito hila doon. Irit dito flash ng camera naman sunod. Shet buti nagkulong kami sa isang fitting room. We called our manager at kahit papano ay nakaligtas naman kami.
"Rest day niyo ngayon pero anong ginawa niyo. Ano ba naman yan boys be more responsible," sabi ni manager nicole. "Sorry na nicole gusto lang naman namin mamasyal eh. Once in a while lang kami makalabas but next time we will be more careful," sabi ni Alvin with matching peace sign. Pumula mukha ni nicole at di na kami pinagalitan. Pshh obvious namang crush ni manager si Alvin eh. Nagkulitan si Brandon at Dylan habang kilig naman si manager na nakikipagusap kay Alvin. May fan event pa kami bukas. Di ko namalayang nakatulog na ako sa kotse matapos ng ilang minuto. Grabe what a tiring rest day.  ̄︿ ̄
BINABASA MO ANG
Breaking Free
RomanceLahat tayo ay may kinakatakutan. We all have our own fears. We can't deny the fact that there would be times because of our fears we are afraid to move forward. Dahil sa mga kinakatakutan natin we are afraid to take chances, to take steps towards so...