Chapter 7

17 1 0
                                    

Colton's POV

Unexpected fun

I was busy reading an online book on my phone nang tawagin ako ni Katelyn. Nung lumingon ako.Naitapon ko nanaman iphone ko. Shit. Pano ba naman bubuksan ko pa lang bibig ko para magsalita pero sinubuan niya agad ako ng strawberry. In the process her fingers touched my lips. Dahil dun biglang naginit ang mukha ko, sinilip ko ang hitsura ko sa side mirror at nakita kong pulang pula na ako. Agad kong itinago ang mukha ko at di na nilingon pa si Katelyn. "Okay ka lang Colton? Masarap kasi yung strawberies baka kasi gusto mong tikman"

Kately mabuti pa layuan mo na lang ako. Mas magiging okay ako. Bigla akong nilapitan ni Brandon. "Colton huwag kang masyadong kiligin. Pati ako kinikilig na rin dahil sayo eh hihihihi" Ako? Kinilig? Hindi ah! Marahas akong umiling. "Hindi? Wehh sabihin mo yan sa mukha mong pulang pula na sa kilig." After he whispered those words to me tawa lang siya ng tawa with matching hampas pa sa manubela. Hindi. Ako. Kinikilig. Hindi ko na lang pinansin si Brandon at nakinig na lang ako ng music. Pero imbis na marinig ko ang music mga nakakainis na tawa ang naririnig ko. Kasi naman tawa ng tawa si Katelyn sa mga corny, I repeat CORNY jokes ni Dylan.

Grabe hindi naman nakakatawa jokes ni Dylan eh. Mas nakakatawa pa jokes ko diyan. Nilingon ko sila at napasimangot ako grabe ha tawa with matching hampas pa si Katelyn kay Dylan. Hindi ko na lang sila pinansin pa. "Inggit much?" Natatawang bulong sakin ni Brandon. Imbis na sagutin siya tiningnan ko na lang siya ng masama. "Chill. Masyado ka kasing pahalata eh. Simangot pa more." Tumawa na ulit ng tumawa si Brandon tumigil lang siya nung hinampas ko na siya ng malakas. Naiinis na nga ako sa maiingay na love birds sa likod sasabay pa tong bwisit na to.

Nilaksan ko ang volume ng music ko at nag emo mode na lang ako. Nakafocus lang ako sa pagtingin ko sa bintana pero bigla ko na lang narinig na may tumatawag sakin. Huwag mo ng pansinin Colton. Patuloy parin akong tinatawag. Istorbo lang yan. Hinahampas na ako ng bwisit na epal. Hindi na ako nakapagpigil kaya nilingon ko na ang bwisit na to. Ano bang kailangan ni Dylan?! Lagi nalang nangungulit. Nako bahala siya. Pag hindi naman mahalaga sasabihin niya babatukan ko talaga siya!

Nang lumingon ako napanganga na lang ako. Face to face na kami ni Katelyn. Hindi pala si Dylan ang tumatawag sakin. "Ano pinapakinggan mo Colton? Gusto ka lang namin tanungin kung saan mo gusto pumunta pag dating natin ng EK. Nililista na kasi namin mga pupuntahan para pagdating natin dun masulit ang oras natin dahil alam na ang mga pupuntahan nating rides." Grabe tumigil ang paghinga ko. Sobrang lapit na ng mukha namin. Inhale. Exhale. "Kahit saan na lang anyway ikaw naman ang dapat ang magenjoy today," nauutal kong sabi. Agad ko ng nilayo ang mukha ko sakanya. Kinkalma ko ang sarili ko. Sinubukan ko na lang ituon ang pansin ko sa pakikinig ulit ng music. "Kilig much ba Colton?"

Nakakainis na talaga si Brandon. Kanina pa siya eh. Bakit naman ako kikiligin? Napabuntong hininga na lang ako. Naghahanap na kami ng parking space at excited nang nagaayos ng gamit sina Dylan. Hay pakiramdam ko magiging epic talaga ang araw na to. Tinatamad akong bumaba ng kotse at kinuha na ang backpack ko. Nang makapasok na kami sa loob todo picture na sina Alvin, Dylan at Katelyn. Pinapanood ko na lang sila. Nakita kong nagseselfie na sina Dylan at Katelyn at mukhang enjoy na enjoy pa sila. Napasimangot nanaman ako. Gaano ka tagal ba silang magpipictorial? Tsk.

"Oi hahaha sige lang simangot ka pa. Hindi ka naman seloso dati ah? Anyare?" Tiningnan ko na lang ulit ng masama si Brandon. Hindi po ako nagseselos. Naiinis lang ako. Bigla na kaming tinawag ni Alvin para makasama sa pictures. Pinilit ko na lang ngumiti at sa wakas ay natapos na sila sa pictorial sessions nila. Una naming pinuntahan ang carousel. Agad na sumakay si Dylan, napailing ako na lang ako. Napaka isip bata talaga niya. Nakita kong hirap naman si Katelyn sa pagsakay niya sa carousel. Bago pa siya maaksidente tinulungan ko na siya. Nang makasakay na siya ng ayos ay nakita ko na pulang pula ang mukha niya.

Ang cute niya magblush este ang cute pala ng mga horses ng carousel na ito. "Thank you Colton," nahihiya niyang sabi. Nung sumakay na rin ako hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Brandon. "Naks pumapag-ibig ka na ha? Tsaka napaka gentleman mo pala," natatawang sabi niya with matching kindat pa. "Hindi ako pumapag-ibig tinulungan lang love agad? Di ba pwedeng ayaw ko lang siyang maaksidente dahil ayaw kong masisi tayo ng daddy niya?" Lalo lang natawa si Brandon. "Okay sabi mo eh," kumindat pa ulit ang bwisit na to.

Nag-enjoy namin kami sa carousel at sunod naman naming pinuntahan ang bump cars. Nakapila kami at masayang nagkwekwentuhan sina Dylan at Katelyn. Nakatingin lang ako sakanila pero nagulat ako ng biglang magsalita si Brandon. "Uy share sa isang car si Katelyn at Colton!" Mukhang payag naman silang lahat. Teka. Ano raw? Share kami?! Napatingin ako kay Brandon at nag thumbs up lang siya sakin. Tinalikuran na niya ako at sumakay na sa isang bump car. Shit. Patay sakin si Brandon mamaya. Inalalayan ko na lang si Katelyn sa pagsakay at inayos na ang seatbelt niya.

Hindi ako nagpapakasweet ha? Nagsisigurado lang baka masaktan pa to at ako pa ang masisi. Nagbell na at nagsimula nang magbungguan ang mga bump cars. "Colton dali bungguin natin car ni Dylan!" She was shouting at mukhang nag-eenjoy talaga siya. I showed her my amazing driving skills. Tawa lang siya ng tawa. Her laughter was music to my ears. Makita at marinig lang siyang natawa ay napapangiti na ako. Nakangiti lang siya the whole time at talagang lalo siyang gumaganda pag nakangiti. I mentally slapped myself. This girl is really turning me into a weirdo.

After namin sa bump cars nagyaya namang mag ice cream si Dylan. Papunta pa lang kami ng tindahan nang biglang umulan. Nagmamadali kong kinuha ang jacket ko sa bag. Hinawakan ko ang jacket ko sa taas ni Katelyn para hindi siya mabasa. Swerte naman kami at nakahanap kami agad ng masisilungan. "Ano ba yan nabasa tuloy tayo *pout*" Pinunasan na ni Alvin ng towel ang basang ulo ni Dylan sakitin yan kaya naging maagap na si mommy Alvin. Kinuha ko na ang isang towel ko sa bag para punasan ang basa kong katawan pero bago ko pa matuyo ang sarili ko sinimulan na akong punasan ni Katelyn gamit ang panyo niya.

"Dapat ikaw na gumamit ng jacket mo. Yan basang basa ka tuloy," mukhang nakokonsensya ata si Katelyn. Gaya nga dati para parin akong nakukuryente every time our skin would touch. Tahimik lang kaming dalawa. "Naks ang sweet niyo naman. Kenekeleg eke." Binatukan ko na lang si Brandon. Kumindat na lang ang bwisit na yun bago siya lumayo samin habang tawa ng tawa. Makalipas ang ilang minuto tumila na rin ang ulan. "Thank you nga pala Colton," pinasalamatan niya ako with a beautiful smile and it took alot of effort not to stare at her.

Dahil sa biglang pag-ulan hindi na ice cream ang gusto namin kaya kumain na lang kami. Nakaupo lang kami sa table habang iniintay ang order namin. "Grabe ang sweet mo naman pala fafa Colton," nang-aasar na sabi ni Brandon. Kailan ba ako titigilan nito? Sinamaan ko na lang siya ng tingin at kinain na lang ang pagkain ko na kakarating pa lamang. Masarap naman ang food na inorder namin. Sinimulan na namin ang pagpunta sa next ride pero naiihi na ako kaya pumunta muna ako ng banyo habang nagiintay sila sakin sa labas.

Ang haba ng pila. Habang nagiintay ako doon ka napagtanto na kahit papano this day was unexpectedly fun. Naging masaya naman pala ang inaakala kong nightmare ko. Nang makatapos na ako sa pag ihi lumabas na ako pero hindi ko sila nakita. Nasaan na kaya ang mga yun? Nagpunta na kaya sila sa next ride? Hay nako. Sinubukan ko silang tawagan pero hindi nila sinasagot mga phone calls ko. Nagdecide akong umupo na lang sa malapit na bench. Uupo na sana ako pero nagulat ko nang makita kong nakaupo na doon si Katelyn at umiiyak siya.

"Uy bat ka umiiyak tsaka nasaan na sila?" Nang makita niya ako lalong lumakas ang pag-iyak niya. "Huhuhuhu. Akala ko hindi na kita makikita eh. Huhuhu bigla na lang kasing sumama si Brandon sa isang babae kanina tapos biglang nawala na lang sina Alvin at Colton huhuhu." Pinunasan ko na luha niya at niyaya na siyang puntahan ang next ride dahil baka nandoon lang sina Alvin. Madaming tao at siksikan. Nahihiya akong hawakan ang kamay niya pero baka kasi magkahiwalay kami. Colton be a man hahawakan mo lang naman kamay niya eh. Colton huwag ka ng mahiya sige ka baka mawala pa siya mas malaking problema yun. After a few minutes of hesitation inabot ko na ang kamay ni Katelyn. Teka. Hindi pwede. Tumingin ako sa likod ko. Shit. Nasaan si Katelyn?!

Breaking FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon