Colton's POV
Katelyn syndrome
She was about to shake hands with me but umiling ako at tinalikuran na siya. Suplado ako pero hindi katulad ng ganito because she is different compared to other fans, compared to other girls. Para bang a part of me ang nagsasabing layuan ko siya. A part of me is saying na kapag hindi ko siya nilayuan habang maaga pa pagsisihan ko ito sa huli. Kitang kita sa mukha niya na talagang nalungkot siya dahil sa pagiging suplado ko sakanya. Pinagmasdan ko siya habang isa-isa na kaming umupo sa sofa. Nagtapat nanaman ang mga mata namin and I swear iba ang epekto sakin ng babaeng to.
Hindi ko na siya pinansin pa. Kinakausap na nga siya nina Brandon eh. Naging close sila agad ni Dylan habang mapapansin talaga na magaan ang loob ni Alvin sakanya. Kahit si Brandon mukhang gusto rin naman siya, ako lang ang hindi pumapansin sakanya. Hindi ko na siya tiningnan pa ulit baka magtapat pa ulit ang mata namin at makaramdam ulit ako ng kakaibang, unexplainable feeling. Basta isa lang masasabi ko ayaw ko ang feeling na yun. Masaya silang nagkwekwentuhan habang ako'y tahimik na umiinom at kumakain na lamang.
"Fan na fan ka namin diba? For sure may favorite ka samin? Sino? Ako ba yan Ms. Beautiful?" Ang landi talaga ni Brandon . "Ang favorite ko? Sa totoo lang matagal ko ng crush si Colton. Hubby nga tawag ko sakanya eh." Nabilaukan ako. Ako? Halos hindi na ako makahinga. Nagbara na ata lahat ng pagkain na kinain ko sa lalamunan ko. Umubo ako ng umubo at nagmamadaling uminom ng tubig. Bakit ba ako nagpapanic? Napakarami namang babae na ako ang paborito sa band namin ah? Kalma lang Colton. Inhale. Exhale. Inhale. Inom tubig. Napatingin ako sa katabi ko. Naibuga ko lahat ng tubig sa bibig ko at nabilaukan ulit.
Pano ba naman si Katelyn na ang katabi ko. Pinapunta na pala siya ni Brandon sa tabi ko. Ubo ako ng ubo grabe di naman ako ganito kadalas bilaukan ah? Umupo ako ng ayos after ko makarecover sa nakakamatay na bilaukan sessions ko. Habang magkatabi kami ni Katelyn biglang dumaplis ang braso niya sa braso ko. The moment our skin touched para akong nakuryente. Napasigaw pa nga ako. Ano bang nangyayari sakin? Iba talaga ang epekto niya sakin. I feel really weird dahil sakanya.Therefore I name this effect as the katelyn syndrome.
"Pare okay ka lang ba? Kanina ka pa nabibilaukan tapos ngayon nasigaw ka pa?" Nagtatakang sabi ni Alvin. Alvin kung alam mo lang. HINDI AKO OKAY. Ilayo niyo ang babaeng to sakin. "Ah wala naman akong problema hehehe" Hay gusto ko ng umuwi. I can't stand another minute beside this girl. Nagpatuloy silang sa kwentuhan habang ako naman ay naglalaro na lang ng games sa iphone ko. Pero bago pa ako makagawa ng new highscore bigla kong naitapon ang iphone ko. Bigla kasi akong tinapik ni Katelyn sa balikat. Hindi naman malakas ang pagktapik niya sakin, malakas ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung nagkacontact nanaman kami.
"Colton ayos ka lang ba talaga?" Kita sa mukha ni Dylan na naweweirduhan na siya sakin. Dylan hindi ka nagiisa. Maging ako sobrang naweweirduan na sa mga nangyayari sakin. Please. Maawa kayo. Ilayo niyo na ang babaeng to sakin bago pa ako mabaliw. "Sorry Hubby este Colton pala yayain lang sana kitang tikman tong kinakain namin." When I heard her say hubby bigla akong nalaglag sa sofa. Nagmamakaawa ako the longer I stay with this girl mas lalo akong nababaliw. Pinagtawanan ako ni Brandon. Si Alvin nagaalala at si Dylan naman ay talagang nagtataka na. Noong patayo na ako inalalayan ako ni Katelyn na dahilan ng pagkalaglag ko ulit.
Nang makaupo na ulit ako, pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Unang pagkakataon pa lang na mangyari to sakin. Ang problema hindi ko gets kung bakit ako nagkakaganito. Tinuon ko na lang ang attensyon ko sa pagkain. Ininterview na ng host si Katelyn. May sakit daw siya sa puso at ilang buwan na lang ay ooperahan na siya. Matagal na raw siyang fan at baliw na baliw raw siya sakin. Muntikan na ulit akong mabilaukan. Colton kumalma ka. Tinanong na ng host kung ano raw ang wish niya at nung malaman na namin ang wish niya tuluyan na akong nabilaukan ulit.
"Ang wish ko lang po ay makasama ang buong breakfree mamasyal for one day." Nakangiti siya at mukhang excited habang ako naman ay parang mamatay na. Pang ilang beses na ba akong nabilaukan? Anyway for one day?! Seriously?! Makatabi nga lang siya for a few minutes parang mababaliw na ako lalo na pag buong araw ko siyang makakasama. Tiningnan ko ang bandmates ko at mukhang approve naman sila. No way. RIP COLTON. No way out na ba talaga? Parang hindi ko ata kakayanin.
"Buong breakfree baka naman makadate si Colton naman ang tunay mong wish?" Brandon teased Katelyn at namula naman ang virus na yun. Dahil sa kakaibang epekto ni katelyn sakin virus na tawag ko sakanya. Dahil sa sinabi ni Brandon muntikan nanaman akong malaglag sa sofa. Imagine a day with her? It's either maaksidente ako at mamatay or pagkauwi ko baliw na ako. Maawa naman kayo sakin. Buti na lang at ang makasama ang buong breakfree for one day ang tunay niyang wish. Nakaligtas naman ako kahit papano. Sisiguraduhin ko na lang na lalayuan ko siya on that day for my safety.
"Saan mo ba gustong pumunta? Yehey makakapasyal pa tayo! Ano out of the country ba gusto mong puntahan?" Masyado namang excited si Dylan if I know baka crush lang niya tong virus na to. Eww sino bang magkakagusto sa babaeng to. Dahil sa napatingin ako kay virus nagtapat nanaman mata namin at the katelyn syndrome strikes again. Tumama ang paa ko sa mesa. Ouch. Masakit. Shit. Kakainis na. Nagpatuloy ang usapan and finally nakapagdecide na sila. Sa enchanted kingdom kami pupunta bukas. Yes bukas na. Whole day. Ipagdasal niyo naman ako feeling ko mapapahamak ako bukas dahil sa nakakainis na katelyn syndrome na ito.
"Yehey masaya sa Enchanted Kingdom daming rides dun. Mageenjoy talaga tayo!" Nakipag high five pa si Dylan kay virus yuck crush nga ata niya. "Bakit mo nga pala napili ang Enchanted Kingdom?" Mukhang curious si Alvin sabagay sa dinami daming pwedeng puntahan yun pa ang napili niya. Pwede namang sa ibang bansa na lang diba? Kung hihiling ka dapat yung bongga na. "Noon kasi pumunta ang klase namin sa Enchanted Kingdom bilang field trip. Ako lang hindi nakasama dahil sa sakit ko. Super akong nalungkot dahil sa sakit ko nahadlangan nanaman ako sa pageenjoy ng buhay ko. Kaya nagpromise ako sa sarili ko balang araw pupunta ako dun at mageenjoy talaga ako."
Medyo naawa naman ako kay virus. Sige na nga for one day lang naman pagbibigyan ko na wish niya. Makikisama na ako. Inayos na ang meeting place at oras ng departure namin. After discussing the details para bukas ay umuwi na kami. Hinug pa ni virus si Dylan at Alvin bago siya umalis. Tsk. Sinipa ko tuloy ang pader dahil sa inis. Ouch. Sakit ng paa ko. Teka bakit ba ako nagagalit? Hay naabno na ata ako. Sumakay na ako ng kotse at nagintay na lang ako dun.
"Bakit hindi ka nagpaalam kay Katelyn? Sad tuloy siya" ewan ko sayo Dylan mukhang happy naman siya eh hinug ka pa nga. "Huwag mo akong kausapin. Pagod ako." Nakakainis talaga tong si Dylan. "Sungit mo *pout* tapos kanina ang weird mo." Alam ko namang weird ako kanina at dahil yun kay virus girl. "Oo nga Colton parang kakaiba ka kanina. Okay ka lang ba?" Okay lang ako. Alvin mabuti pa magdaydream ka na lang tungkol sa hug monents niyo ni Katelyn kanina. "Okay lang ako pagod lang to." After ko sabihin yun ay natulog na lang ako buong byahe.
Matapos kong kumain ng dinner ay diretso kwarto na ako pero hindi ako makatulog. Ang malala pa inaatake ulit ako ng katelyn syndrome. Tuwing pipikit ako yung mukha niya ang makikita ko. Grabe hanggang sa pagtulog iniistorbo parin ako ng babaeng yun. Kung sabagay maganda naman pala siya. I mentally slapped myself. Mas marami na akong nakilalang mas maganda sakanya. Mase sexy pa. I tried sleeping pero hindi talaga ako makatulog. Time check 1 am. Hay. Matapos ang ilang minuto dinalaw na rin ako ng antok. "Hubby say ahhh. Masarap ba luto ko?" Fuck. I woke up sa tunog ng alarm clock. Seriously?! Kahit sa panaginip iistorbohin mo rin ako katelyn?!
Sumakay na kami ng kotse. Si Brandon ang magdridrive at ako ang nasa tabi ng driver's seat. Nasa gitna naman ni Dylan at Alvin si Katelyn sa back seats. Tama dapat layuan ko si virus. Dapat akong magingat mamaya mabilaukan pa ako ulit or baka mas malala pa. Kasisimula pa lang ng byahe pero kumain na agad sina katelyn at Dylan. I was busy reading an online book on my phone nang tawagin ako ni Katelyn. Nung lumingon ako.Naitapon ko nanaman iphone ko. Shit. Vhhfdeubkguhget O__O
BINABASA MO ANG
Breaking Free
RomanceLahat tayo ay may kinakatakutan. We all have our own fears. We can't deny the fact that there would be times because of our fears we are afraid to move forward. Dahil sa mga kinakatakutan natin we are afraid to take chances, to take steps towards so...