Chapter 5

41 3 4
                                    

Katelyn's POV

Eyes opened

Hello ako si Katelyn Enriquez. College student at nangangarap maging isang successful na architect balang araw. As of now busy ako sa pangiistalk ng crush ko. Emeged ang pogi talaga! *Q* Grabe kahit nasa may basurahan siya ang hot niya parin tingnan! Pwede na siyang magmodel ng basurahan. Kahit basurahan lumelevel up ang hotness dahil sakanya. Hihihihi mapicturan nga. Aba! May babaeng lumapit sakanya. Parang linta makadikit! Mas maganda pa ako diyan eh ( wehhh? Hahaha maganda ako walang aangal!) Nakakainis pacute pa yung babae! Sige lang! Paliitin mo pa boses mo! Pabebe pa more T^T

Biglang nagtapat ang mata namin ni crush. Emeged! Huwag mo akong tingnan ng ganyan baka malaglag na lang bigla ang panty ko dine. Hihihihi. "Aray!" Grabe naman panira ng monent! "Katelyn are you daydreaming again?", pailing-iling na sabi ni Jasmine habang nilalagay niya sa vase ang dala niyang mga bulaklak. Wow! Ganda ng dala niyang flowers today. "Jasmine nagdadaydream lang naman ako na iniistalk ko ang crush ko." Napatawa si Jasmine sa sinabi ko. Hello again I am Katelyn a perfectly normal girl. Living a normal life. Hay. Sana nga normal lang ako. Sana nga I could live a normal life just like everybody. But no,I am stuck in this hospital at siguro dito na rin ako mamatay. Wow I am so normal *insert sarcasm here*

Sorry for lying. Ako si Katelyn Enriquez and I have congenital heart disease. Sa totoo lang di lahat ng may ganitong sakit ay namamatay, pero late na nalaman na may sakit akong ganito at mukhang malala pa ang heart defect ko. I need a heart transplant and my operation is 2 months from now. Success rate 20%. Looks like masasayang lang ang pinaghirapan ni Daddy. Highchool ako nung malaman ko na may congenital heart disease ako. Pero sumila pagkabata, mahina na talaga ako. Kaya naman wala akong naging mga kaibigan, si Jasmine lang ang tanging naging kaibigan ko noon. Yun bang parang nagclick nalang kami. Parang out of the blue naging close kami nung elementary and up until now magkaibigan parin kami. Parang kapatid ko na yan.

Anyway highchool lang nang malaman namin ang sakit ko noon. Hindi pa yun ganoong kalala pero pabalik balik ako ng ospital para sa medications. Madalas ay absent pa ako sa school. Pero noong simula ng college lumala ang sakit ko I needed to stay in hospital for good. I needed an operation at napilitan si Daddy na mangibang bansa. Wala akong kamag-anak dito sa maynila at 3 years old pa lang ako nang mamatay si mommy. Pero kailangan talaga ng malaking halaga para sa operation ko. Kaya naman tanging si Jasmine lang ang bumibisita sakin at hanggang skype lang kami ni Daddy. Matapos ang operation nawala na sa panganib ang buhay ko but I needed a heart transplant kaya naman since then nandito na ako sa ospital hanggang sa maooperahan na ulit ako.

Last year umuwi na si Daddy ng Pilipinas. Sapat na ang ipong pera niya for my heart transplant pero in the end 20% lang ang success rate. Daddy is optimistic pero ako? I am loosing hope. Di ko mapigilang maungkot at magalit. Bakit sa lahat pa ng tao ako pa ang kailangang magdusa? Di naman ako masamang tao. Kung tutuosin nga mabait naman ako eh. Hayy

"Aray!" Binatukan ulit ako ni Jasmine. "Sige na nga magdaydream ka na ulit kaysa naman nag eemo ka diyan." Hay talagang isang bwisita si Jasmine >:) Pero nagpapasalamat naman ako na araw-araw niya akong binibwisita kahit busy siya. "Naiinggit lang kasi ako sa buhay ng mga babae sa wattpad. Ang exciting may iniistalk na crush, nagiging katulong ng pogi at mayaman o kaya may nakaka one night stand na hot guy."

Dahil sa sinabi ko nabatukan nanaman ako ni Jasmine. "Una sa lahat maganda ka di mo kailangang mangistalk dahil dapat ikaw hinahabol ng mga lalaki. Secondly matalino ka maaring tumigil ka sa pag-aaral dahil sa sakit mo pero wag mong pangaraping maging katulong and lastly," binatukan niya ako ng mas malakas. "ONE NIGHT STAND? ABA BAKA ISANG ARAW MABALITAAN KONG BUNTIS KA HA?! Tigil-tigilan mo na nga ang wattpad na yan. Masama ang epekto sayo!"

Breaking FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon