Colton's POV
Alone with her
Nasaan si Katelyn? Shet. Saan ba nagpunta ang babaeng yun? Kanina nasa likod ko lang siya. Ang bading ko kasi eh. Hawakan lang ang kamay niya di ko pa magawa. Paano kung may kumidnap sakanya? Paano kung biglang may pervert na lumapit sakanya? Shet subukan lang nilang manyakin si Katelyn malalagot sila sakin. Saan kaya siya pwedeng pumunta? Tiningnan ko ang malalapit na sweet shops. Tindahan ng shake, cotton candy stand, tindahan ng doughnut, wala siya. Kinakabahan na ako. Sinubukan kong bumalik sa bench kung saan natagpuan ko siya kanina pero wala rin siya doon. Aalis na dapat ako ng may marinig akong irit. Boses pa lang niya alam ko na kung sino yun.
Agad kong nilapitan ang lugar kung saan nagmula ang irit ni Katelyn. Doon natagpuan ko ang dalawang lalaki na kinakaladkad siya. Pakiramdam ko sinasaniban ako ng demonyo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit. Marahas kong tinulak ang kumakaladkad kay Katelyn at sinuntok ang mukha niya. "Take. your. filthy. hands. off. MY GIRL!" Babawian dapat ako ng isang kasama niya pero nailag ko ang suntok niya. Sinuntok ko ang mukhang baboy na yun sa mukha. Natakot silang dalawa at tumakbo na paalis kung hindi lang ako inawat ni Katelyn sinundan ko pa dapat ang mga pangit na yun.
Nakita kong umiiyak siya. Shit. Ako ang may dahil nito. Kung hindi ko siya hinayaang mawala hindi siya magtritripan ng mga asungot na yun. Pinunasan ko ang mga luha niya at niyakap ko siya. Mukhang natakot talaga siya. "Anong ginawa nila sayo? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo? Saan ka nila hinawakan? Shit. Hinawakan ka ba nila sa.." pakiramdam ko gusto ko pang hanapin ang dalawang yun at pagsusuntukin ulit. "Okay lang ako. Tamang-tama lang ang dating mo. Natakot lang talaga ako." Makalipas ang ilang minuto kumalma na siya. Naglakad na kami paalis and this time hawak ko na ang kamay niya. Hindi ko na hahayaan na mawala pa siya ulit.
Saan ba kasi nagpunta ang mga band mates ko. Bakit hinayaan lang nilang mag-isa si Katelyn? Sinusubukan kong hanapin sina Alvin ng bigla akong tawagin ni Katelyn. "Tara sa Haunted House! *0*" Excited niyang sabi pero agad akong umiling at pinagpatuloy ang paghahanap ko. "Please dali na Colton. Masaya dun. Wag ka ng kj." Ako pa ang kj? "Bawal sayo ang Haunted House. Diba may sakit ka sa puso?" Kahit umayaw na ako ay pilit niya parin akong hinihila papunta sa Haunted House.
"Bawal nga sayo ang pumunta doon!" Naiinis na ako dahil patuloy parin siya sa paghila sa akin. "Okay lang ako. Hindi nga ako natatakot sa horror movies eh." Kulit =__= "Baka atakihin ka pa sa puso kaya wag na." Pero imbis na makinig lalo lang siyang nagmatigas. "Takot ka lang ata eh. *pout* Ginagawa mo lang na dahilan ang sakit ko." Ako? Takot? "Hindi ako takot inaalala ko lang ang sakit mo." Kahit anong sabihin ko hindi parin siya nakikinig. Tinatakpan lang niya ang tainga niya at "Lalalala bading si Colton. Bading bading bading!"
Matapos ang ilang minuto napilit na rin niya akong pumunta sa Haunted House habang nasa pila pa lang kami halatang halata na excited na siya. I guess I have to be alone with her for now. Pumasok na kami sa Haunted House at ang dilim medyo kinabahan tuloy ako. Naka ilang hakbang palang kami at bigla akong nagulat nang hilahin ako ni Katelyn pabalik ng entrance. Nasa labas na ulit kami at napagalitan kami ng isang empleyado. "Katelyn bakit ba tayo bumalik dito?" Nagkamot siya ng ulo at natatawang sumagot. "Aayusin ko lang dapat ang shoe lace ko baka madapa ako eh ang dilim pa naman."
Seryoso?
Ako: (~_~メ)
Siya: (^__^)v
Alam niyo ba kung bakit? Naka doll shoes siya meaning WALA siyang shoe laces. "Hehehe joke lang *pout*" Pumasok na ulit kami ng haunted house pero after a few steps hinila ulit ako ni Katelyn pabalik ng entrance. Nakasimangot na sa amin ang isang empleyado na in charge sa entrance. "Bakit nanaman tayo bumalik dito?!" Nakita kong kabado siyang tumawa at kinuha ang iphone ko sa bulsa. "Selfie muna para may remembrance hehehe"
BINABASA MO ANG
Breaking Free
RomanceLahat tayo ay may kinakatakutan. We all have our own fears. We can't deny the fact that there would be times because of our fears we are afraid to move forward. Dahil sa mga kinakatakutan natin we are afraid to take chances, to take steps towards so...