Ang bigat ng pakiramdam ni faith habang nag iimpake ng kanya mga dadalhing gamit paluwas ng manila. Inilibot niya ang paningin sa huling pagkakataon ang kinalakihang bahay. Ang simple buhay sa probinsya pero masaya. Masakit man para sa kanya na iwan ang lola at lolo neto pero kailangan para rin sa kanyang lola.
Hindi niya maiwasan isipin ang mga masayang alaala kasama ang kanyang lola at lolo noong bata pa siya, yung walang pinoproblema
Gusto gusto man niyang wag na lang tumuloy ay hindi maaari dahil kailangan niya ng pera pang pa opera sa kanyang lola
Paglabas niya ng kwarto nakita niya ang lolo at lola niya na nasa sala
He smiled but did not reach his eyes
Ni minsan hindi niya naisip na malalayo siya, halos hindi niya maihakbang ang kanyang paa paalis.
"Mag iingat ka roon apo" wika ng kanyang lola at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap
Faith holds back her tears to stop herself from crying
"Opo lola, kayo rin po mag iingat, wag niyo pong masyadong pagudin sarili niyo, uminom po lagi kayo ng gamot." Paalala niya sa kanyang lola na pinipigilan ang pag iyak
Ibinaling naman niya sa kanyang naka- babatang kapatid ang kanyang tingin
"Ikaw din shai, tumawag ka sa akin pag may problema ha! Kung kailangan niyo ng pera sabihin mo lang sa akin at magpapadala ako kaagad."
"Tumawag ka paminsan minsan dito kung wala kang ginagawa apo,sige na mag byahe kana baka wala ka pang masakyan sa dami ng tao bumabyahe"
Halata sa boses nito ang lungkot. Kahit na nasabi niya na rito noong nakaraan ang pag alis niya
"Babalik rin po ako rito, wag niyo po akong masyadong alalahanin, wonder woman kayang tong apo niyo" sabay taas ng kamay na akala mo lilipad
Natawa naman sila sa ginawa niya
"Ikaw talaga bata ka, o siya bumyahe kana at baka muhuli ka pa"
"Bye lolo, lola shai, mag iingat kayo parati" sabay kaway at talikod na sa kanila, hindi ko namalayang may tumulo na pa lang luha sa mata ko, agad ko naman pinunasan, sumulyap pa ako sa kanila saglit bago umalis.
Halos apat oras at kalahati bago siya nakarating sa manila. Inilibot ni faith ang tingin sa loob ng airport.
Ngayon lamang siya nakaluwas pa manila
Kung dati hanggang likod bahay lang siya nakakalabas ngayon sa malayong lugar na
"Miss faith" napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Hindi niya maiwasan na mamangha sa isang lalaki dahil sa mukang nitong may itsura. " I'm jeremie, ako ang pinadala ni sir upang sumundo sayo" wika neto
Nagdadalawang isip pa siya nung una, pero tingin niya naman walang masamang gagawin ito at kung mayroon may dala naman siya maaring makatulong kung may gawin man itong masama sa kanya
Kinuha ng lalaki ang bagahe nito, sumunod naman siya rito.
Pinagmamasdan niya ang likod ni jeremie habang palabas sila, matangkad, malaki ang mga braso pormal rin ang suot nitong damit
"Jeremie may aatedan kabang party! I mean look at you suit, ganyan kase yung suot nila sa mga party gathering
Napakamot na lang ito ng ulo.
" Hindi, miss faith, ganito lang talaga ako manamit, para presentable"
"Jeremie, pwede bang wag mo na akong tawaging miss faith, kahit faith na lang di kase ako sanay. Saka hindi kaba naiinitan sa suot mo? "
Iling lang ang sagot nito bago buksan ang kotse sa likod para makasakay siya, pumasok muna siya bago nito pinaandar yung kotse
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya, dahil siguro sa pagod
Nagising na lang ng kalabitin siya, pag mulat niya bahay agad ang tumambad sa kanya hindi lang simple bahay kundi napakalaking bahay. Literal na nanglaki ang mata niya dahil sa laki ng bahay,
Labas pa lang yan, paano pa kaya sa loob
Pinagbuksan siya ni jeremie ng pinto bago iginaya papasok ng bahay. Ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. Pagbukas ng pinto bumungad sa kanya ang napakalaking chandelier at napakahabang hagdanan.
"Finally, you're here" tinig ng isang lalaki na kanyang nilingon
"Have a seat" maawtoridad nitong wika sa tingin niya nasa edad fifty ang lalaki
Wala namang nagawa si faith kung hindi ang sumunod rito. Nakaupo katapat ng lalaki na katabi ang kanyang asawa
"Magandang gabi po", bati niya sa mga ito.
"Good evening too, alam mo may hawig talaga kayo ng anak ko, you look the same" wika ng ginang na makikita ang paghanga sa kanyang muka.
Totoo ang sabi ng ginang, nung pinakita kase ng mag asawa ang picture ng anak nila may pagkakahawig nga sila
Ang kaharap niya ngayon ay ang mag asawang dela cruz
May kaya ang mga ito, base pa lang sa pananamit nila
"Nakilala muna siguro si jeremie, yung sumundo sayo, siya yung maghahatid sayo sa asawa ng anak ko" wika ng matandang lalaki tumango lang siya rito
"This is the folder with information about his husband, you can read it to know more about his husband, you have one more day to prepare yourself faith or should I call you farrah" nakangising wika ng ginang
Tumango siya sa dalawang mag asawa
"Wag po kayong mag alala gagawin ko po ng maayos ang aking trabaho, hindi ko po kayo bibiguin "
Nagkatinginan muna and dalawa bago tumango
She will be farrah Dela Cruz, Not faith dizon
The pretend wife.....
BINABASA MO ANG
Pretend Wife
RomanceFaith has a happy and simple life in the province. Sanggol pa lang siya ay lumaki na siya sa probinsya kasama ang lola at lolo nito Masaya ang buhay nila sa probinsya ngunit may hindi inaasahang pangyayari ang dumating sa kanilang buhay ang lola ni...