Chapter 18

268 1 0
                                    


Hindi nga nagkamali ang mag asawang dela cruz. Kamuka nga niya ang anak nila

Nakatitig lang siya rito hindi alam kung ano ang magiging reaction niya sa pagbabalik nito. Masaya ako dahil tapos na rin ang trabaho niya. Ang gampanin niya bilang asawa ni aiden. Masaya nga ba talaga siya? Masaya nga ba siyang iiwan si aiden?



NANG magmulat ng mata si aiden unang tumambad sa kanya ang puting kisame ng hospital. Agad niyang hinanap ang asawa napangiti naman siya ng makita ito nanonood ng tv. Hindi niya muna pinaalam rito na gising na siya pinagmamasdan niya ang asawa habang tutuk ito sa panonood

Sinubukan niyang umupo pero agad rin ito natumba doon na siya napansin ng asawa at agad naman siyang dinaluhan nito para tulungan


He smiled when their eyes meet


"Gising ka na pala" wika nito na malamig pa sa yelo ang boses

May nangyari ba sa asawa habang tulog siya? Nagtataka siya sa mga kinikilos nito

"Wife! Come here" wika nito habang tinatapik ang kama para tumabi sa kanya

Pagkatapos kase siya nito tulungan umupo bumalik rin ito sa panonood. Kaya tinawag niya ito

Lumingon ito habang nakataas ang kilay sa kanya "Wife?" Patanong nito saka tumango tango. Ano ba ang problema ng asawa? Parang may nag iba rito?

"Come here"pagtawag niya ulit rito at tinuro niya pa ang kama para doon pumunta ang asawa he missed his wife

Parang bagot na bagot itong tumayo saka pumunta sa kanya

"Why?" Walang ganang tanong nito

"I missed you" malambing na wika niya rito pero agad siyang nagtaka ng bihis na bihis ang asawa at hindi lang yun naka make up rin ito na animo may lakad.


Hindi niya na lang ito tinanong

Agad naman niya hinila ang asawa at pinaupo ito sa kandungan niya. Nang akmang hahalikan niya na ang asawa agad itong umiwas at tumayo

"Magpahinga kana" malamig nitong wika bago dumeretso sa pinto

" Saan ang punta mo?" Hindi na niya mapigilan tanungin ito

Agad naman siya nitong nilingon
"I will just call someone!" Wika nito bago umalis

He looked at the close door, hindi niya alam kung bakit parang bumalik ang asawa sa dati nitong ugali. Ayus pa naman nung nasa party sila. Lubos pa ang pag aaalala  nito nang mabaril siya. Wala naman silang pinag awayan

Ang akala nito ng magising siya.  Magiging masaya ito. May nagawa ba siya? Galit ba ang asawa nito sa kanya? Hindi niya alam kung ano pa ang iisipin, kase hindi niya rin alam. Kung bakit nag ka ganun ang asawa


Ilang sandali pa bumukas ang pinto. Pumasok ang asawa nito. Is she done calling someone?

Who's that someone? Is she cheating again?

Pinakatitigan niya ang asawa, parang nag iba ito. Bumalik na rin ang dati nitong mga sinusuot. Nag mamakeup na rin ito. Is this the woman she know? Para iba ito sa dating niyang nakasama


" Nag susuot ka na pala ulit ng mga ganyang damit?" Hindi niya maiwasan na itanong rito

"Why!? May problema ba sa sinusuot ko? Eh dati naman na ako manamit ng ganito ahh!" Wika nito na pasigaw

"Mas gusto ko kase yung dati mung pananamit yung simple lang ba". Mahinahong wika niya rito


"Pwes hindi ako yung sinasabi mo" wika nito

Hindi ko na narinig ang huling sinabi nito ng may kumatok sa pinto. Agad naman pumasok ang driver ng asawa niya na si jeremie kasama ang doctor.

" Ma'am pwede na po umuwe ang asawa niyo. Medyo maayos na rin po ang lagay niya kailangan niya lang po ng pahinga." Wika nito sa asawa.

Nagtataka siya kung bakit uuwe na siya eh kagigising lang niya. Syaka hindi ba dapat obserbahan na muna siya ng kahit isang araw.

Tango lang ang naging sagot ng asawa bago  kinuha ang bag nito  "Jeremie sunod na lang kayo sa kotse at pakitulungan si aiden" ani nito na hindi man lang tumitingin sa kanya bago lumabas.

May nagawa ba siya rito? Habang tulog siya? Gusto niya itong kausapin kung bakit ganito ang inaasal nito at tanungin kung anong problema ng asawa


Kung noon ganito ang ugali ng asawa pinabayaan niya lang pero iba na ngayon. Nangako sila na aayusin nila ang gusot  sa pagitan nilang mag asawa. Pero nang makita na ganito ang kinikilos ng asawa nasasaktan siya. Bumabalik na naman ito sa dati niyang ugali.

Ni hindi man lang siya tinulungan. Hinayaan niya na lang si jeremie na ayusin ang kanyang mga gamit. Nagpalit na rin ito ng damit

"Jeremie right?" Tanong niya rito

"Yes po sir!" Wika nito

"Ilang araw ako namalagi rito sa hospital?"

"Three days po sir!" Nagulat siya three days? Ganoon na pala siya katagal nakatulog

" Jeremie, do you know what happened to my wife, why he acting like that?" Hindi niya mapigilan tanungin ito, iba kase talaga ang asawa niya ngayon.

"Just wait sir, she will be back" wika nito hindi ko maintindihan kung may pinapahiwatig ba sa mga salita nito. Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin

Habang palabas sila ng hospital nakaalalay sa kanya si jeremie saka lang siya binitawan  nung nakasakay na siya sa kotse



I miss her and I miss kissing her.




Pretend WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon