Chapter 23

302 6 1
                                    


Ilang buwan na ang lumipas simula ng manligaw sa akin si aiden. Sa panliligaw niya hindi nabawasan yung pagmamahal ko sa kanya. Habang lalo ko siyang nakikilala, lalo ko rin siyang minamahal.

Meron yung time na niloko ko siya

"Aiden!" Tawag ko rito

Nandito kami sa loob ng kwarto niya nanonood balak ko na siyang sagutin ngayon. Pero syempre lolokohin ko muna siya

May napanood kase ako sa tiktok about the confession between the girl and boy kaya gusto ko itry sa kanya

"Hmmm?" Tanong naman nito habang hindi inaalis yung yakap sa akin


"Ayaw ko na..." Wika ko rito

"Anong ayaw muna?" Tanong nito na naguguluhan

"Stop ka ng manligaw aiden...." Wika ko rito ng hindi makatingin sa kanya

"Hindi" wika nito at makikita mo yung gulat sa mata niya

"Stop kana nga manligaw!.." wika ko rito na medyo naiinis na

"Ayoko nga!" Sigaw nito sa akin

"Bakit ako titigil?" He said that while looking at my eyes

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya. Makikita mo kase sa muka niya yung lungkot na parang nagtatanong na may ginawa ba akong mali?

She sighed deeply

"Bakit kapa manliligaw kung boyfriend na kita!?" Wika ko rito ng nakangiti

Saglit naman ito napatigil bago nagsalita

"Ngayon?" Wika nito na makikita mo talaga yung saya sa mata niya

"Seryoso?" Tanong pa nito

"Ayaw mo ba?" Wika ko rito nang natatawa

"Gusto syempre" pagkasabi niya nun nagulat ako dahil bigla ako nito binuhat at inikot ikot ako naman natatawa lang sa kanya.




*****
"Itabi mo na lang diyan sa gilid aiden, lakarin na lang natin papasok sa bahay" wika ko sa kanya.


Umuwi ako sa probinsya namin with aiden. Hindi nila alam na uuwe ako ngayong araw. Hindi ko rin sinabi sa kanila dahil gusto ko silang surpresahin magugulat nga lang sila dahil may kasama akong uuwe. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila pagkakita kay aiden.


Ako nga lang dapat ang uuwe at ipapaalam ko muna yung tungkol kay aiden pero itong damuhong to nagpilit na sumama kaya wala na rin ako nagawa kung hindi isama siya.

"Nandito na tayo" excited na sabi ko sa kanya bago bumaba ng kotse. Sumunod naman si aiden pagkababa ko.

Agad kung hinawakan ang kamay ni aiden at hinilia siya papunta sa gate ng bahay namin. Simple lang bahay namin rito sa probinsya pero ang importante masaya ang nakatira. Aanhin mo pa ang maganda bahay kung wala naman itong kabuhay buhay miski ang nakatira ay wala rin.

"Ate"

Akmang bubuksan ko na ang gate pero pinigilan ako ni aiden. Kunot noo naman na tumingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko rito

"Do I look good?" Tanong nito na inayos pa ang damit at binutones lahat. Napansin ko kase kanina na iilan lang yung nakabotunes sa suot niyang polo kanina. Pero kahit naman anong suot nito gwapo pa rin ito.

"You look handsome" nakangiting tugon ko rito saka hinalikan siya sa labi.  Ngiti na lang ang naging tugon nito. Nung kagabi ang tapang tapang nitong sumama tapos ngayong narito na kami hindi mapakali


Binuksan ko na ang gate at agad na pumasok sa bahay si aiden naman nakasunod lang sa akin.

"Lolo, lola!, Nandito na kami"

Natawa ako dahil halos sabay sabay silang sumalubong sa amin.

"Ikaw pala yan apo, hindi ka man lang nag sabi na uuwe ka pala" wika ni lola sa akin

"Surprised lola" wika ko rito sabay niyakap ko sila ng mahigpit. Namiss ko talaga sila

"Sino yang kasama mo apo?" Tanong naman ni lolo na tinuro pa mismo si aiden



"Boyfriend ko po siya lo,". Wika ko sa kanila at hinawakan ang kamay ni aiden sa harap nila

"Aiden, meet my lola, lolo at kapatid ko" pakilala ko kay aiden sa kanila

"Good afternoon po, Its nice to see you po" pagbati nito sabay mano sa kanila.

"Ayy, ka gwapo bata naman ito" wika ni lola

Tawa na lang ang naging tugon ni aiden sa kanila.

"O siya sakto at naghanda na kami ng makakain, sabay na kayo sa amin."

Pumunta naman agad kami sa kusina para sabay sabay na kumain.

After namin kumain umakyat na rin kami para makapag pahinga.



HABANG nag aalmusal ako rito sa labas ng bahay pinagmamasdan ko si aiden na nagsisibak ng kahoy.

Kahit umaga pa lang rito mainit na ng panahon dumagdag pa sa init ng panahon ang matipunong katawan ni aiden. Simple short lang ang pang ibaba nito. Wala siyang damit na pantaas makikita mo rin ang pawisan nitong katawan na unti unting tumutulo pababa sa kanyang dibdib. Para gusto ko tuloy na solohin na lang siya sa kwarto.

"Hoy! Apo, Wag muna ipahalata na mahal na mahal mo niyang boyfriend mo. Mag feeling maria clara ka naman diyan apo. Pakipot ba ganun apo" wika ni lola sa akin

"Lola talaga," patawang wika ko rito

"Napakasipag naman pala ng nobyo mo apo. Aba nag presinta ba naman na siya na lang magsisibak ng kahoy pag kagising nito kanina. Hindi ko pa nga sana siya papayagan kaso mapilit eh" wika ni lolo na may pa kamot pa sa ulo nito.


"Hayaan niyo siya lo, nang ma experience naman niya ang buhay probinsya" wika ko rito ng natatawa


Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Sana talaga hindi mamaga kamay nito sa pagsisibak.



Napasimangot ako dahil ang dami ng nakatingin sa pag mamay-ari ko. Naglabasan ba naman mga matatanda, dalagita sa kanilang mga bahay. Kulang na lang pumunta na sila sa kung saan si aiden. Hindi na ako nakatiis at tinawag ko na ito.

"Aiden, Halika na rito okay na yan" sigaw na pagtawag  ko rito


"Patapos na rin to" sagot nito sabay sibak ulit ng kahoy. Mukang patapos na nga siya.


Ilang minuto pa bago ito natapos. Pawis na pawis na ito at hindi ko alam kung bakit todo pa rin mga tinginan ng kababaihan sa kanya.


"Pupunasan kita" sabi ko na lang at pinunasan na ang pawis nito sa katawan.


Sinadya kung ipalandas ang kamay ko sa abs nito. Saka tumingin sa mga kababaihan at ngumiti pa ng pang asar sa mga ito.


Mainggit kayo sa tingin.


"Hey! What are you doing?" Natatawang tanong ni aiden saka hinawakan ang kamay ko. Napasimagot naman ako rito.



"Anong pakulo mo? At naghubad ka pa talaga ng damit ha!?" Nakasimangot na wika ko rito. Napangiti ako ng dampian niya ng halik ang labi ko.


"I love you!"  Wika nito saka ngumiti sa akin. Napangiti na lang din ako at yumakap sa batok niya.











Author/Note: Sorry sa super late na update guys, btw enjoy reading. Thank you sa support niyo sa story ko. Malapit na rin matapos ang Pretend wife. Mga ilang chapter na lang rin po at mamatapos na ito. I hope na nag enjoy kayong basahin ang story ko. First time lang kase sa pag susulat, pasensya na rin sa typo error. Thank you ulit🥰❣️

Pretend WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon