Pangatlo

26 1 0
                                    

HANNAH DREA CERVANTES

Pero wait lang, sino yung Josh na yun? Ano yung ibig sabihin nung pinapaforward sakin ni Gie? Daheck?! Saan niya nakilala yung lalaking yun?!

Kinuha ko uli ang phone ko.

*ringringring*

"Yam? Napatawag ka?"

"Sino yung Josh na yun? Saan mo yun nakilala? An-"

"Wait lang Yam ha? Ikaw kasi eh! Ang tagal mong hindi nagparamdam!"

"Kasi naman yung nanay ko eh!"

"Oh right, I know na. So yun nga, siya si Joshua Dominic Andaya. Nakilala ko siya sa RPW. Wait, alam mo yun?"

"Yeah. May ina-RP din kasi ako."

"Talaga?? Anong name?"

"Hoy Gie, tigilan mo nga ako diyan. Hindi ang RP ko ang pag-uusapan natin. Yung tungkol dun sa Josh ang pag-uusapan natin kaya ako tumawag."

"Oo na, oo na. Ayun nga, nagkakilala kami sa RPW. Kasi Sehun RP ako. Tapos si Josh, Luhan RP. Ang madalas kong i-fanservice ay Kai RP. Nagmessage siya sakin one time, bakit hindi daw ako mag fanservice sa mga Luhan RP. Edi ayun, simula nun araw-araw na kami nag-uusap. Hanggang sa dumating sa point na naging personal na yung napag-uusapan namin. Nakwento ko na rin yung about samin ni Ray tap-"

"Wait, wait, wait. Sino naman yung Ray?"

"Si Ray yung ex ko sa RPW. Nagtagal din kami ng one month at nagkikita kami araw-araw. Nasa iisang floor lang kasi kami ng condo kaya ayun. Pero nung kami pa niyan. So yun nga, nakwento ko na rin sa kanya yung iba ko pang nakalandian. Then niligawan niya ako pero ilang days lang yun dahil nagbalik si Ray. Pero nung naramdaman ko na si Josh na pala yung talagang mahal ko, nakipaghiwalay ako kay Ray at dun na pumasok yung pagpapatext ko sa lahat ng mga kakilala ko yung dun sa come back to me chuchu. Okay na?"

"Okay. Pero, paanong nangyari na pinapabalik mo siya sayo kung hindi naman naging kayo dati?"

"Muntikan na nga kasi maging kami nun. Pero, yun nga, bumalik si Ray. Eh ako naman si tanga na tinanggap siya, uli."

"K. Bye." huling sabi ko at in-end na ang call.

-

Seven na ng gabi. At katatapos ko lang mag-Facebook, rather, mag-RP.

Kastress talaga ang RPW.

*Tumatawag si panget two. Sagutin mo na at baka lalo pang pumanget. Lols*

"HOY! NASAAN KA?!!"

"Home. Why?"

"Good. Magpalit ka na ng damit mo. We'll go to Kuya Fire. Make it faster. Nandito kami sa labas ng bahay mo. *toot toot toot*"

Gaya nga ng sinabi niya, ginawa ko na yun. Nagpaalam ako sa mga katulong at guard namin na hindi ako uuwi ngayon at dun ako sa unit ko matutulog. Hindi na naman sila nagtanong dahil alam naman nilang natutulog lang ako dun pag kasama ko sila Clars.

Lumabas na ako sa napakalaki naming gate.

"BEB! I MISS YOUUUU! TAGAL DIN NATING HINDI NAGKITA! SIGURO MGA 2 DAYS. HEHE. Oh wait, where's your car?"

"Come on Hannah! Get it!" sabi pa ni Tom, kabarkada namin.

Pumasok na lang uli ako sa loob ng bahay namin para kuhain ang clutch bag kong may laman na limang susi ng mga kotse ko.

Pagkalabas ko ay nakaabang na sila sa Volkswagen Golf ko na si Baby. Pinindot ko na ang car alarm nito at pumasok na sila. Bago ako pumasok ay tinignan ko uli ang clutch ko, baka kasi naiwan ko sa kwarto ang student's license ko.

Pagkapasok ko kay Baby ay pinaharurot ko na ito papunta sa Bar ni Kuya Fire sa Nuvali.

Simula Pa Lang, Mali NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon