Panglima

33 2 0
                                    

HANNAH DREA CERVANTES

*Langya Hannah! Yung Kuya mong gwapo tumatawag! Hindi mo ba talaga sasagutin?!*

*Langya Hannah! Yung Kuya mong gwapo tumatawag! Hindi mo ba talaga sasagutin?!*

*Langya Hannah! Yung Kuya mong gwapo tum-*

"HANNAH DREA CERVANTES! BAKIT BA ANG TAGAL MONG SAGUTIN YUNG TAWAG KO?!" si kuya talaga oh. Mahal na mahal ako. Tss.

"Kakagising ko lang kuya. Kasi gal-"

"Galing kayo sa Firing Midnight."

"Yeah."

"Yung sinasabi ko sa-"

"Yes Kuya. I know, I know."

"Kaya nga pala ako tumawag ay para asikasuhin mo na yung mga gagamitin mo sa school. Bilhin mo na yung mga dapat bilhin. Gawin mo yan, ngayon."

"Opo, opo. Gagawin ko na po. Maliligo lang ako, kakain, then punta na akong school. Alright? Bye Kuya! Lavya!" at pindot sa end call.

Tinignan ko ang oras at one na pala ng hapon.

-

Kasama ko ngayon si Clars. On the way na sa school. Si Tom iniwan namin sa unit ko. Aalis din naman agad yun paggising niya.

Yung naghatid samin kanina? Si Andy. Siya na rin ang nag-asikaso saming tatlo sa unit. Paano ba naman kasi, nakatulog na ako nung tinanong niya ako sa Firing Midnight.

Umalis din siya agad nung tapos niya na kaming asikasuhin.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa school. Pinark ko si Baby sa parking area ng front gate, dun kasi malapit ang book store ng school.

Pagkapasok namin sa school ay dumiretso agad kami ni Clars sa book store at binili na ang mga kailangan bilhin.

Nang matapos ay nagpatulong kami sa dalawang student assistant ng book store magbuhat papunta kay Baby.

"Thank you po!" sabay naming sabi ni Clars dun sa dalawang lalaki. Nginitian na lang nila kami at bumalik na sa loob ng school. Shet. Ang gwapo nila. Makikipagclose ako dun pag nagsimula na ang klase. Hehehehe.

Pumasok na kami ni Clars kay Baby at pinaharurot ito papunta sa bahay nila. "Hey, sa pasukan gusto kong makaclose yung bago sa book store! Hihi!" sabay pa naming sabi sa isa't isa.

Pagkadating namin ay nagpatulong kami sa tatlong lalaking tambay, sa may tapat ng bahay nila, ipasok yung mga gamit ni Clars.

Binigyan namin ng pera yung tatlo sa pagbuhat.

"Nandito na pala kayo. Magmeryenda muna kayo at may ipapabili ako sa inyo. May dala ka namang sasakyan Hannah." sabi ni Mama Minda, ang nanay ni Clars, na may dalang tray ng mga pagkain.

Well, Mama ang tawag namin sa mga nanay namin. Papa din naman sa mga tatay namin.

Ganun kami kaclose ng tatlo.

After namin kumain ay dumiretso kami sa SM Manila. Puntang National Book Store at binili yung pinapabili ni Mama Minda.

Habang nakapila kami sa cashier ay may lumapit saming tatlong babae at isang bakla.

"Yes? Anong maitutulong namin sa inyo?" nakangiti kong tanong sa kanila. Kahit naman na may bad habits kami, ay mababait pa din naman kami.

"Ano kasi Ate Hannah, may gusto lang po sana kaming ibigay sa in-"

"Next please." sabi nung babae dun sa cashier. Tinignan ko yung babaeng nagsalita at sinabing hintayin kami ni Clars sa labas. Tumango naman yung babae kaya pumunta na kami sa cashier para bayaran yung mga pinapabili samin.

Pagkalabas namin ng NBS ay nakita namin yung apat na nag-uusap. Nilapitan namin sila. "Ano yung sinasabi mo kanina?"

"Ah, ano po Ate, nagbake po kasi kami ng cake. Para po sa birthday niyo bukas. Ang kaso lang po, eh hindi po namin dala ngayon. Hind-" pinutol ko ang sinasabi niya at inabot ang phone ko.

"Put your number. I'll message you later." sabi ko ng nakangiti. Nilagay niya naman ang number at name niya.

"Ate, ako nga po pala si Jemy. Sila naman si Arianne, Danica, at Jay. Sige po, alis na po kami. Salamat Ate!" at umalis na nga sila.

Narinig pa namin silang sinabi na hindi naman kami masama at hindi naman ako mataray na tulad ng mga naririnig nila sa ibang tao.

Habang pabalik na kami sa bahay nila Clars ay nagkukwentuhan lang kami. Sinasabi niya rin sakin ang plano niya bukas para sa birthday ko. Hinayaan ko na lang siya at tinatanguan. Eh kung dun siya masaya eh, gora lang.

Pagkarating namin sa bahay nila ay nagpaalam siya kay Mama Minda na sa bahay ko siya matutulog ngayon hanggang bukas. Pumayag naman si Mama kaya umuwi na kami.

"Kain tayo beb. Nagugutom na ako."

"Okay."

May nakita akong gasolinahan na may katabing McDo. Habang nagpapakarga ako ay bumaba na si Clars at dumiretso sa McDo. Gutum na gutom na siguro ang bruha.

"Eto na po ang sukli at card niyo Ma'am."

"Thank you" sabi ko at minaneho si Baby papunta sa parking lot ng McDo.

-

Nasa bahay na kami.

Ako nasa kwarto na. Si Clars busy pa sa baba, kinakausap ang mga dapat kausapin.

Kinuha ko ang phone ko at itetext na si Jemy.

To: Jemy
Hi! Text mo na lang si Clars --> 09278901234. Tanungin mo kung saan at anong oras bukas gaganapin yung inaasikaso niyang party ko. Hihintayin ko kayong apat bukas kaya wag kayong mawawala ah? Good night and see you! - Hannah

Wala pang isang minuto ay nagreply agad si Jemy.

From: Jemy
Opo Ate! Thank you po! Ang bait niyo po talaga. Hehe, good night din po! Advance Happy Birthday Ate Hannah! :)))

Simula Pa Lang, Mali NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon