Pangpito

7 1 1
                                    

HANNAH DREA CERVANTES

First day of classes ngayon at 8 na ng umaga. Magpapalate ako ngayon. Wala pa naman kasing masyadong gagawin.

*Tumatawag si panget two. Sagutin mo na at baka lalo pang pumanget. Lols*

"Where are you?"

"Home. Why?"

"Sunduin mo naman ako beb. Please?"

"Why?"

"I just miss you an-"

"Tss. I'll be there in 15."

-

Pagkatapos ng tawag ni Clars ay inasikaso ko na ang mga gamit ko hanggang sa hapon at para sa gabi.

Gagamitin ko si Sweety, ang Blacked out kong Camaro, para sa race ko mamayang gabi.

*Tumatawag si manager--*

"11 pm magstart ang race mo H."

"Sige. I'll be there between 10 to 10:30 pm"

-

Bumusina ako pagkarating ko dito sa tapat ng bahay ni Clars.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok na siya dito sa tabi ko. Nakita ko namang lumabas si Mama Minda kaya binaba ko ang bintana.

"Mag-ingat kayo. Okay? Sige na, pumasok na kayo"

Pinaandar ko na si Sweety papunta sa bahay nila Gie pagkatapos naming magpaalam ni Clars kay Mama.

Tinext na rin kasi ni Clars si Gie na on the way na kami sa kanila.

Habang nasa biyahe, napag-usapan namin ang race ko mamayang gabi. Malaki ang nakukuha kong pera sa pagrerace. Dito ko rin nakuha ang iba kong kotse.

Alam naman ng parents ko ang pagkahilig ko sa sports na 'to. They support me. Ang kuya ko lang ang medyo ilag kahit na racer din siya dati. Pinapatigil na nga ako ni kuya, but being me, I didn't follow what he wants. This is my passion, I'll fight for it.

Sa ganitong larangan applicable ang age doesn't matter. Nasa grupo ko ang pinakabatang racer, si Danger, 6 years old.

Nakakapagtaka dahil 4 years old pa lang siya ay marunong na siyang magdrive. Kilala ako ng magulang niya at nakwento nila sakin ang hilig ng anak nila. Dahil dun, ako na ang nagtrain kay Danger at isa na rin siya sa mga professional racers ngayon.

Palapit na kami sa bahay nila Gie ng may nakita akong nakapark sa tapat nila. Nagpark ako sa likod ng isang kulay red na Ford Trekker.

Bumaba kami ni Clars na nagtataka at pumasok sa bahay nila Gie.

At dun ko unang nakita ang lalaking mamahalin ko ng hindi sinasadya.

Simula Pa Lang, Mali NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon