Una

107 2 1
                                    

HANNAH DREA CERVANTES

"Beb! Halika na! Uwi na tayo!" aya sakin ni Clars, isa sa mga bestfriends ko. Siya si Clars Santiago. 15 years old. May kaya. Hiwalay ang magulang, kaya salitan siya ng uwi sa nanay o tatay nito.



"Oo sige, hintayin mo na lang ako sa CR." sabi ko naman sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.



Palabas na sana ako ng room namin ng may biglang tumapik sa balikat ko. "Nauna na si Bebi sa CR?" tanong nito sakin. Siya si Margie Hispano. 16 years old. Mayaman. Hiwalay din ang magulang. Nakatira siya kasama ang nanay niya at ang bagong asawa nito. Ang tatay niya naman ay nasa ibang bansa at may bago na ring asawa.



"Oo eh. Siguradong naiihi na naman yun. Hahaha." sagot ko naman sa kanya.



"Margie!" sigaw naman ng isang lalaki dun sa may hagdanan. Nilingon namin yun ni Gie at si Joshua Dominic Andaya pala yun. Ang soon-to-be-boyfriend ni Gie. 16 years old. Mayaman. 1st year college, pero sa ibang school siya nag-aaral.



Lumapit kami ni Gie sa kanya. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa dahil alam ko na ang gagawin ni Joshua kay Gie. Aakbayan niya agad ito at hahalikan sa noo.



"Yam, una na kami ni Joshua ah?" paalam naman sakin ni Gie.



"Sige Yam. Ingat kayo ah?" sabi ko at nakipagbeso na sa kanya.



"Bye Drea. Ingat rin kayo ni Clars pag-uwi." sabi naman sakin ni Joshua bago sila bumaba ni Gie.



Lumakad na ako papunta sa CR. Paniguradong nag-uusok na ang tenga at ilong nun sa paghintay sakin. Hahahahays. Ang hirap makitang ang sweet ng mahal mo sa taong mahal niya.



"HOY BABAE! NASAAN KA NA BA?! SIGURADUHIN MONG NAGLALAKAD KA NA PAPUNTA SA TAMBAYAN DAHIL KUNG HIN- AY PUTA! BINABAAN AKO NG WALANG HIYA! ARGH!" grabe talaga boses nito ni Clars. Hahahaha! Akala mo nakalunok ng speaker eh xD



Paniguradong si Dina na naman ang kausap nun. Yun si Dina Ferrer. 15 years old. May kaya. 4th year high school, sa ibang school nga lang nag-aaral.

"Hoy ikaw! Isa ka pa! Ba't ba ang tagal mo?! Nag-emote ka na naman sa nakita mo 'no?!" tss. Edi siya na ang sobrang nakakakilala sakin -___-



Ako si Hannah Drea Cervantes. 16 years old. Mayaman. At inlove sa soon-to-be-boyfriend ng bestfriend kong si Gie.



Paano nga ba nagsimula ang kamaliang ito?

Simula Pa Lang, Mali NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon