Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung babalik ako sa pag-aaral. Naisip ko rin kasi na baka mas madadalian akong makahanap ng trabaho o mas malaki ang sahod kapag may natapos ako.
" Tit-Mommy. " Tawag ko sa stepmother ko nang makita ko itong lumabas sa kanilanh kwarto, pinipilit ko na rin ang sarili kong tawagin siya ng ganoon.
" Hi, may kailangan ka ba? " Tanong nito, bakas sa kanyang mukha at pahkagulat ngunit lumiwanag ang kanyang mukha nang marinig ang itinawag ko sa kanya.
" Opo. May nais lang sana akong itanong sa inyo, gusto mo po marinig ang inyong opinyon ni Papa. " Sabi ko dito. Pumayag naman ito kaagad.
Dumiretso kami sa baba upang umupo sa sala, doon namin napag-isipang mag-usap nang maayos. Mabuti na lamang at tulog pa ang kambal. Late na kasi sila natulog kagabi dahil hinintay pa nilang dumating ang mommy nila.
" Tungkol saan ba ang gusto mong itanong? " Pagsisimula nito sa usapan.
" Mahirap mang sabihin ngunit sa tingin niyo po ba, mas mabuting mag-aral akong muli? " Tanong ko dito at natuwa siya sa narinig.
" Aba oo naman, hindi naman sa pinipilit ka pero mas maganda kasing may naitapos ka para mas mapadali ang buhay mo, makapagbigay ka ng tulong sa kapwa at inspirasyon sa mga kapatid mo. " Sabi nito habang nakangiti.
Lahat ng iyon ay inintindi ko, nakatulong ang kanyang opinyon para mas mahikayat ako sa desisyong mag-aral muli.
" Ganoon po ba? Eh si Papa po kaya? Susuportahan niya kaya ako sa pag-aaral sa kolehiyo? " Tanong ko dito dahil nag-aalala akong hindi ito pumayag.
" Ano ka ba? Mayroon bang magulang ang ayaw mag-aral ang sariling anak? Ganito kasi iho, napag-usapan na din namin ito ng Papa mo noon, sabi niya sakin gusto ka niyang pag-aralin sa kolehiyo ngunit sa tingin niya ay ayaw mo kung kaya't hindi ka na niya kinausap tungkol roon sapagkay sinusuportahan niya kung ano ang nais mo. " Sabi nito. Agad namang guminhawa ang aking nararamdaman at nabawasan ang pag-aalala.
" Nga pala, kung sakaling mag-aaral ka ngang muli, anong kurso ang kukunin mo? " Tanong nito dahil sa kuryosidad.
" Sa ngayon po, wala pa po akong naiisip na kunin na talagang gusto ko pero pinag-iisipan ko po yung kursong tinahak ni Zeana, ayoko po kasing mahirapan kayo sa pagbayad ng tuition fee sa university na papasukan ko, mas mapapadali rin ang pag-aaral ko dahil may allowance ako monthly, wala na po kayong gagastusin pa pero hindi pa po talaga ako sigurado. " Sabi ko dito.
Tatango-tango naman itong tumingin sa akin bilang sagot.
" Ikaw ang bahala basta't nandito lang kami ng Papa mo. " Sabi nito na may kasamang malawak na ngiti.
" Oh siya, aakyat na muna uli ako at baka gising na ang kambal. " Paalam nito at tango na lang rin ang aking naisagot.
Tinapik ako nito sa balikat nang makatayo ito at dumiretso na sa itaas.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan ko munang magluto ng almusal para sa aming lahat.Nang makakain ay dumiretso akong muli sa aking kwarto upang maligo, nasabihan ko na din si Mommy na nakahanda na ang kanilang umagahan para hindi na siya mag-abala pang magluto.
Naisipan kong tawagan si Zeana dahil gusto ko siyang makausap at the same time maglibang dahil nabuburyo na din ako dito sa aming bahay, minsan na lang din kasi ako nakakalabas.
[ Hi! Napatawag ka? ] sagot ni Zeana sa tawag ko.
" Nasaan ka? P'wede ba tayong magkita? " Tanong ko dito, inalam ko muna kung nasaan ito upang makasigurado.
[Namimiss mo ako 'no? HAHAHA ] biro nito.
[ Sira. ] Tanging sagot ko dito.
[ Nandito ako sa mall, sumunod ka na lang dito. ] Sagot nito.
[ Okay. ] Tugon ko.
Nang binaba ko ang tawag ay agad akong nagbihis upang tumungo na sa lugar kung saan siya naroroon.
" Callie! " Tawag ni Zeana sa akin habang tumatakbo. Nakarating an ako sa mall ngunit hindi ko siya makita kaya sinabihan ko ito na siya na lamang ang pumunta sa kinaroroonan ko.
" Hinay-hinay, 'di naman tayo nagmamadali. " Sabi ko dito habang natatawa.
" Siyempre ayaw naman kitang paghintayin. " Sambit naman nito at ngiti na lamang ang aking tinugon.
" Nagugutom ka ba? " Tanong nito sa akin.
" Medyo. " Tanging sagot ko habang pinapakiramdam ang tiyan ko na parang kumukulo na sa gutom.
" Halata nga sa tiyan mo HAHAHAHA, may alam akong bagong kainan dito, try natin. " Anyaya nito na hindi ko naman tinanggihan.
" Tara, kumain na muna tayo. " Pag-anyaya nito, kumapit ito sa braso ko na siyang ikinabigla ko. Siya pa lamang ang tanging gumawa noon, hindi ko maintindihan ang pakiramdam.
Unti-unting umiinit ang mukha ko habang naglalakad kami. Nahalata niya ata iyon kaya narinig ko itong tumawa ng bahagya bago inalis ang pagkakapit sa akin. Mayroong parte sa akin na gustong ibalik ang kamay nito sa dating pwesto ngunit nahihiya ako.
Dumiretso kami sa isang fast-food chain na binanggit nito upang subukan at dahil nakapag-umagahan na din naman kaming dalawa kahit papano kung kaya't hindi na kailangan ng mabibigat na pagkain ang aming bilhin.
YOU ARE READING
Happened Again
RandomPaano kaya kung ang pandemyang nangyari noon ay mangyaring muli? Ano ang mangyayari sa mga maaapektuhan at mahahawaan nito? Ano kaya ang gagawin ng isang lalaki kapag nangyaring muli ang pagkalat ng sakit na sumira sa kanyang buhay noon? Malulutasan...