Gabi na ngayon at nasa sariling kwarto na ako. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang tensyong namagitan sa amin ng aking ama kahit nag-uusap lang naman kami.
Minsan napapaisip na rin ako kung tatay ko ba talaga siya dahil sa pakikitungo niya sa akin.
*Ring*
Nagriring ang cellphone ko na nakalagay sa side table, nakita kong si Xander ito. Isa ko pang kaibigan.
[ Pre, kamusta? ] Panimulang bati nito sa akin nang sagutin ko ang tawag nito.
" Eto, maayos naman kahit papaano, ikaw? " Tanong ko dito pabalik.
[ Mabuti naman, ganoon din ako. ] Sabi nito mula sa kabilang linya.
[ Nga pala, balita ko mag-aaral ka na ah? ] Dugtong na sabi nito.
" Pinag-iisipan ko pa. Paano mo nga pala nalaman? " Natatawang tanong ko dito sapagkat nahulaan ko na kung sino ang nagsabi nito.
[ Sino pa nga ba, HAHAHA, siyempre si Zeana. ] Sagot nito habang natatawa rin.
" Parehas lang ba kayo ng university na pinasukan? " Tanong ko dito dahil wala akong kaalaman tungkol sa edukasyon nila.
[ Yup, parehas kami ng course kaya madalas din kami magkita since same building lang kami. ] Sagot nito.
Hindi na tumagal pa ang pag-uusap namin, nagtanungan lamang ksmi ng iba pang mga bagay bago ibinaba ang tawag.
Pagkatapos niyon ay nag-isip-isip ako hanggang sa nakapagdesiyon na ako.
' Mag-aaral na akong muli. '
__________
DALAWANG LINGGO na ang nakalipas mula nang mag-aral akong muli. Ang papa ko ang sumama sa akin upang makapag-enrol. Buti na lamang at nakahabol pa ako para sa 1st semester ng paaralan bagamat nahuhuli ay kaya ko pa namang humabol kahit papaano sa tulong nina Zeana at Xander.
" Callie! " Sabay na tawag ng dalawa sa akin mula sa kalayuan.
Nasa gitna kami ng field kung kaya't maraming nakakarinig sa tuwing may sumisigaw. Nakaramdam tuloy ako ng hiya nang makita na madaming nakatingin sa amin.
" 'Wag nga kayong sumigaw lalo na't pangalan ko ang babanggitin niyo. " Saway ko sa mga ito nang makalapit sa akin.
" Ano ka ba? Siyempre 'di mo kami maririnig kung 'di kami sisigaw. " Pagrarason ni Zeana.
" Oo nga. " Pagsang-ayon naman ni Xander.
Napailing na lamang ako sa mga sinabi ng dalawa at hindi na muling gumatong pa sapagkat wala na rin namang patutunguhan.
" At saka, ayaw mo bang maging sikat? HAHAHA, makikilala ka ng lahat! " Pang-aasar naman ni Zeana habang ang isa ay tumatawa.
" Alam mo na ang sagot diyan. " Sabi ko dito ng walang emosyon sapagkat unti-unti na akong nakakaramdam ng inis at sumasabay pa ang init ng araw. Nagsisisi na akong dito ako dumaan.
" Eto talaga hindi mabiro, tsk. " Sambit naman ni Zeana saka nanahimik.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa aking susunod na klase ngayong hapon habang ang dalawa ay dumiretso sapagkat sa katabing building pa ang kanila. Agad akong humanap ng bakanteng upuan na malapit sa bintana upang mahangin. Buti na lamang at kaunti pa lang ang dumadating kaya malaya akong nakapili ng uupuan hindi tulad noong mga nakaraang araw na puro sirang upuan ang napupunta sa akin dahil lagi akong nahuhuli.
" Hi! " Rinig kong bati ng isang babae na ngayo'y akin nang katabi.
" H-hello. " Nahihiyang bati ko dito nang pabalik.
" Ako nga pala si Jae. Bagong lipat ako dito, p'wede ka bang maging kaibigan? " Diretsahang sabi nito sa nais.
Sa dinami-daming babae na nasa loob ng room ay ba't ako pa ang nilapitan nito ngunit hinayaan ko na lamang sapagkat kakasabi niya lang na bagong lipat siya dito.
" Callie. " Pagpapakilala ko sabay abot ng aking kanang kamay at isang tipid na ngiti.
" Bago ka lang rin ba? " Tanong nito pagkatapos makipagkamay sa akin.
" Oo, kakalipat ko lang noong isang linggo. " Sagot ko dito.
" Bale magkaklase tayo sa lahat ng klase? " Tanong nito. Nakita ko ang schedule na nasa lamesa nito kasama ang mga notebooks at libro. Nakita kong parehas nga kami.
" Oo, mukhang ganoon na nga. " Sagot ko dito at hindi na muling lumingon sa kanya. Nagbasa na lamang akong muli dahil pinaghahandaan ko ang special quiz na kailangan kong i-take mamaya para makahabol. Buti na lamang at pinahiram ako ni Zeana ng notes.
" So, pwede ba akong sumama muna sa iyo habang wala pa akong ka-close? Ikaw pa lang kasi kilala ko. " Paghihingi nito ng permiso.
" Sure. " Pagpayag ko dito ng agaran.
Mabuti nang sa amin siya sumama kaysa mag-isa, baka matiyempohan siya ng mga bully dito sa university.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang professor namin. Naglatag ito ng kanyang libro sa table sa harapan at pati na rin ang kanyang laptop at projector. Mukhang may presentation itong ipapakita. Hindi na rin nagsalitang muli si Jae na ipinagpapasalamat ko dahil matutuon ko ang intensyon sa klase imbes na sa ingay. Mukhang makakasundo ko ito.
Lumipas ang ilang oras at palipat-lipat na rin kami ng room dahil sa iba't-ibang klase bawat araw pero meron din kaming mga araw ng pasok na hindi na namin kailangan pang umalis sa loob ng room. Hanggang ngayon sa huling klase ay kasama ko pa rin si Jae. Nanatili lang itong tahimik, mukhang naghihintayan lang na isa sa amin ang magsalita.
Sa huling klase namin ay sa laboratory kami pinapunta, mukhang may experiment kaming gagawin o ituturo sa amin. Na-excite ako doon sapagkat mahilig ako sa mga ganoong bagay. Sounds weird but interested talaga ako sa mga ganoon simula pagkabata ko.
" Alam mo ba kung saan ang laboratory? " Tanong ni Jae na bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin.
" Yup, malapit sa Dean's Office. " Sabi ko naman dito habang tinuturo mula sa malayo kung saan ito banda upang sa sunod ay alam na nito kung saan tutungo kung sakaling wala siyang kasama.
Tango na lang ang itinugon nito sa aking sinabi, nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad kasama ang ilang mga makakasama namin sa klase. Nang makarating ay pinagbuksan kami ng Professor na kanina pang naghihintay sa amin. Dumapo sa aming mga balat ang malamig na hangin mula sa aircon sa loob nito. Tumaas tuloy ang aking mga balahibo dahil biglaan. Sinulyapan ko naman si Jae na nasa aking gilid at nakita itong hindi mapaliwanag ang reakyon, upang malaman kung bakit ay tinignan ko ang direksyon kung saan ito nakatingin. Pati ako ay hindi malaman ang gagawin at mararamdaman sa nakita.

YOU ARE READING
Happened Again
RastgelePaano kaya kung ang pandemyang nangyari noon ay mangyaring muli? Ano ang mangyayari sa mga maaapektuhan at mahahawaan nito? Ano kaya ang gagawin ng isang lalaki kapag nangyaring muli ang pagkalat ng sakit na sumira sa kanyang buhay noon? Malulutasan...