Chapter 1

2 0 0
                                        

Hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa buhay na mayroon ako.

Hindi parin ako komportable sa mga nangyayari, tila bang hindi ako ligtas kahit saan ako magpunta.

10 years na ang nakalipas ng magkaroon ng pandemya. Madaming namatay, marami ring gumaling. Ang mga tao ay naghirap, natatakot, at kinakabahan. Walang kasiguraduhan kung anong mangyayari kapag lumabas ka ng iyong bahay, mabubuhay ka ba o mamamatay.

Pero ngayon, malaki na ang pinagbago, umunlad ang bansa. Mas pinahigpit ang seguridad at ang iba ay pinipilit na pag-aralin ng tungkol sa medisina.

Naging malakas ang namumuno, naging matapang sila lalo dahil nangangamba sila na mauulit ang nangyari noon.

" Callie! " Tawag sa akin ng isang magandang dalaga.

" Oh Zeana! " Tawag ko din dito sa pangalan nito.

" Kamusta? Teka, bakit nandito ka? Nakita ko ang mga kapatid mo sa parke. " Pangangamusta at pagsasabi nito sa nakita.

" Ah, nagpapahangin lang ako dito. Nagiisip-isip lang. " Sagot ko naman dito.

" Ganun ba? " Tatango tango nitong sabi.

" Ah sige, mauna na ako, napadaan lang ako dito, nakita lang kita kaya kinausap muna kita saglit. " Pamamaalam nito.

Nang tumayo ito ay tumayo na rin ako. Dumiretso na ako sa parke upang balikan ang mga kapatid ko.

Katabi lang naman ng pinuntahan ko ang parke.

Nang makarating ay hinanap ko sila at natunton ko sa may bandang nagtitinda ng cotton candy. Nakatingin lamang sila dito. Agad ko itong nilapitan.

" Oh mamili na kayo, bibilhan kayo ni kuya. " Sabi ko dito.

" Yehey! " Sabay na sabi nito at pumili ng nagustuhang kulay.

Magkambal ang dalawa kong kapatid, isang babae at isang lalaki. Kapatid ko sila sa stepmother ko. Ang tunay ko kasing ina ay pumanaw sa sakit noon.

Nang makabili ay umuwi na kami agad. Pagpasok pa lang namin ay sinalubong na kami ng stepmother ko na nanay ng dalawa.

" Oh, nakauwi na pala kayo, umupo na kayo sa sala at magmeryenda na. " Sabi nito at inalalayan kaming tatlo papunta sa sala at pinaupo sa sofa.

Nagpapasalamat ako at mabait ang stepmother ko. Hindi katulad ng iba na salbahe ang kanilang stepmother.

Habang kumakain ay nagkukuwentuhan silang tatlo habang ako ay nakikinig lamang.

20 years old na ako at 8 years old naman ang kambal. 10 years old pa lamang ako nung nawala na ang nanay ko. Matinding pinsala ang naapekto sa pag-iisip ko noon. Sobrang bata ko pa pero nakaranas na agad ako ng matinding lungkot.

" Nga pala Callie, anong gusto mong kainin mamayang gabi? Iyon ang ihahanda ko, mamayang gabi na den uuwi ang Daddy niyo. " Tanong at pagsasabi nito sa akin.

" Ah, kahit ano po Tita, hindi naman po ako mapili sa pagkain, alam kong alam niyo po iyon. " Sagot ko dito.

" 'Di ba sabi ko sa'yo Mommy na lang ang tawagin mo sa akin? Oh siya, mamimili muna ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko mamaya. Ikaw muna ang magbantay sa dalawa. " Sabi naman nito, sumang-ayon naman ako.

Nang dumating ang stepmother ko ay itinuring niya rin akong tunay na anak pero siyempre hindi ko kayang kalimutan si Mama. Siguro oras na siguro para tawagin kong Mommy ang stepmother ko dahil tinuturing ko na rin siyang isa ko pang ina kahit hindi ko siya kadugo.

Ang Daddy ko, noong nawala ang Mommy ko, nadepressed siya. Hindi niya alam ang gagawin. Pero nang marealize niyang may natitira pa sa pamilya niya at ako yon ay naglakas-loob itong bumangon muli sa pagkakalugmok. Nagtrabaho ito ng maigi nang mawala ang pandemya.

" Kuya, laro tayo! " anyaya ng isa sa kambal pagtapos nilang magmeryenda.

Pumunta kami sa play room nila at doon naglaro-laro. My name is Callisto Dio Ali but they call me as Callie as my nickname that was given by my mother. Yung babae naman sa kambal ay nagngangalang Anastazia Ellinore Ali but we call her Elli for short of her second name while the other one which is the boy, named Alexander Louise Ali, we call him as Loui.

" Kuya, saan pumunta si mommy? " Tanong ni Elli sa akin habang sinusuklayan ang barbie doll na hawak niya.

" Naggrocery lang ang mommy niyo, babalik din siya mamaya. " Sagot ko dito sabay ngiti at ginantihan din ako ng mga ito ng ngiti.

Nagpatuloy lang ang dalawa sa paglalaro habang ako naman ay nagbabantay nang biglang tumunog ang doorbell, agad akong tumayo upang tignan kung sino iyo sapagkat nakakapagtaka naman kung si Tita ang dumating dahil kakaalis lang nito.

Nang makarating sa pintuan ay binuksan ko ito, nagulat ako sa tumambad sa harap ko.

" Hi! " bati nito na may kasamang malawak na ngiti.

" Uy! Zeana, napadalaw ka? " Tanong ko dito dahil sa biglaang pagdating nito.

" Oo, nabuburyo na ako sa bahay eh, dito muna ako, makikipaglaro ako sa kambal HAHAHAHA " sabi nito at walang alinlangang pumasok sa bahay.

Mabuti na lang at kilala na siya dito sa bahay kaya ang lakas ng loob.

" Ate! " Sabay na bati ng dalawang kambal ng makita si Zeana nang buksan nito ang pinto ng kwarto.

" Hi! Anong nilalaro niyo? " Agad na bungad nito sa dalawa.

Nakangiti lang akong umupo sa gilid ang pinagmamasdan silang tatlo, para bang nadagdagan ng isa pang bata ang binabantayan ko.

" Nga pala, nag-aaral ka pa rin ba? " Biglaang tanong sa akin ni Zeana.

" Hindi na, mas minabuti ko na lang na maghanap ng trabaho dahil wala naman akong kursong gustong kuhain. " Sagot ko dito na may halong lungkot na nadarama.

Gusto kong mag-aaral pero para saan pa, alam ko namang kung anong pag-aaralan ko ay hindi ko din naman magagamit kapag nagtrabaho na ako sapagkat maaaring hindi ito magkaugnay.

" Magmedisina ka, iyon ang tinatahak ng lahat ng dahil d'on sa nangyari, may scholarship ka ding agad na matatanggap kapag iyon ang kinuha mo kahit 'di kataasan ang iyong grado. " sambit naman nito, hinihikayat ako.

Nag-aaral siya ngayon sa medisina kung kaya't alam niya ang mga tungkol doon. Mahirap lang sila kaya malaking tulong na rin sa kanila ang pagtanggap ng scholarship dahil wala na silang ibang babayaran pa at sagot na din ang allowance nila. Sa estado namin ngayon, kaya naman akong pag-aralin ng aking ama ngunit hindi pa rin ako desidido dahil ayokong magsisi sa huli.

" Pag-iisipan ko. " Iyon na lamang ang aking sagot. Hindi na din ako muling kinausap nito at binaling na lang ang pansin sa mga bata.

Happened AgainWhere stories live. Discover now