Prologue

2 0 0
                                        

" Hindi kita kayang iwan. " Sabi ko dito habang yakap-yakap ito.

" Ngunit kailangan mo, iligtas mo ang iyong sarili. Ikaw lang ang tanging pag-asa ng lahat. " Sabi nito sa akin habang hinahaplos sa mukha.

" Hinding-hindi kita malilimutan. " Umiiyak kong sabi, binigyan niya ako ng ngiti bago ito tuluyang nawalan ng buhay.

Inilapag ko ang bangkay sa higaan nito. Tumayo ako at inayos ang suot kong panangga laban sa sakit.

Kelangan ko ng lakas at tapang.

" Hinding-hindi ako mapapagod na gumawa ng lunas na sakit na ito. Hindi ako papayag na dumami pa anv taong makararanas ng naranasan ko. " Pabulong kong sabi habang naglalakad papunta sa loob ng laboratoryo.

" Ako ang tanging pag-asa ng lahat, hindi dapat ako sumuko. " Sambit kong muli nang makapasok ako habang pinupunasan ng malinis na panyo ang luhang natira sa aking mga mata.

" Mananalo ako sa laban na ito, ipaglalaban ko kayong mga kapwa ko tao. " Saad ko tsaka nagpatuloy sa paggagawa ng lunas.

Happened AgainWhere stories live. Discover now