KINABUKASAN, maaga akong pumasok upang makapagreview sa isa pang test na kukunin ko mamaya. Dumiretso muna ako sa library upang mas mapayapa at tahimik ang paligid, mayroon din ditong free internet at mga computers na pwede naming magamit.
" Mr. Ali? " Tawag sa akin ng isang Professor ng section namin, agad akong tumayo nang lumapit ito.
" Good morning po, ano po iyon? " Bati ko dito.
" Ang aga mo atang pumasok? Nagrereview ka? " Tanong nito nang makita ang mga libro at notes na nasa lamesa.
" Opo. " Tanging sagot ko dito.
" Oh siya, manghihingi lang sana ako sayo ng pabor, maaari ba? " Sabi naman nito. Sa una ay nagdalawang-isip pa ako pero sa huli'y pumayag din.
" Sige po. " Sambit ko.
" Maaari mo bang idaan ito sa laboratory, mga research papers yan ng nga students ko about sa experiment na itinuro ko sa kanila. Ilagay mo na lamang sa isang lamesang naroon na madali kong makikita. " Sabi nito.
Nilapag nito ang lahat ng papel na bitbit nito kanina. Inayos ko iyon at pinadaganan ng isang libro upang hindi liparin. Umalis din ito agad sapagkat may klase pa raw itong tuturuan.
Napabuntong hininga na lamang ako sa biglaan at mabilisang pangyayari. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa. Nang malapit na magsimula ang aming klase ay dumiretso na muna ako sa laboratory upang gawin ang utos sa akin.
Inilapag ko ang mga papel sa lamesa na kung saan ay unang bumungad at una kong nakita. Sigurado naman akong makikita niya iyon agad.
Palabas na sana ako ng pintuan nang maalala ang box na aking nakita kahapon. Sinulyapan ko ito sabay nag-isip kung titingnan ito o hindi. Ngunit makulit ang aking isipan, nais talagang may malaman.
Lumapit ako dito at pinag-aralan kung paano ito binubuksan. Mahirap hagilapin kung saan ang bukasan nito sapagkat walang marka o linya na nagpapahiwatig ng pagkahiwalay ng takip at lalagyan. Sinubukan ko itong kapain nang may mahawakan akong pindutin sa likot. Sinipat ko kung ano ito at may nakalagay na indition na open. Iyon na ata iyon.
Pinindot ko iyon at nagulat nang biglang may lumabas na usok mula rito, unti-unti itong bumabukas at nahahati sa dalawa ang kahon. Lumapit ako upang makita nang maigi ang nasa loob.
*Knock*
" Tao po. " Sambit ng taong nasa labas pagkatapos nitong kumatok.
Nagulat ako doon at nataranta na para bang hindi nila pwedeng makita ang ginawa ko. Agad kong pinindot muli ang buton na nasa likod at nagsara ito agad saktong pumasok na naman ang babaeng nakacleaning uniform, siya ata ang naatasang maglinis dito.
Agad naman akong umalis doon at nagpatuloy sa paglalakad papunta s aking klase. Mabilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba kahit hindi naman ako gumawa ng mali o krimen.
Hindi ko nakita kung ano ang naroon sapagkat dumating ang babae. Pinilit ko munang inalis sa aking isipan ang aking ginawa kahit na mahirap. Maaari lamang iyon makasagabal sa aking pag-aaral sapagkat hindi rin naman iyon importante.
Dahan-dahang gumiginhawa ang aking pakiramdam, naging normal na muli ang aking paghinga at tibok ng puso ngunit naglalakad pa rin ako ng mabilis sapagkat malapit na magsimula ang klase at kapag nag ring na ay hindi na ako hahayaang pumasok sa room.
" Ouch! " Sigaw ko nang may bumangga sa akin. Isa itong babae na nakasumblerong itim at gayundin ang kulay ng suot nito. Tumatakbo ito na parang may tinatakasan, tumabi muna ako saglit nang mapansing may mga guard na humahabol rito.
' Sino kaya iyon? ' tanong ko sa aking sarili bagamat hindi ko ito namukhaan.
Masyado na ata akong chismoso, maaari ko itong maikapahamak. Kailangan ko nang pigilan simula ngayon ang aking sarili mula sa pag-alam ng mga bagay na interesado ako.
Nakarating na ako sa room at saktong nagring na ang bell, sinara na agad ng kaklase kong nakaupo malapit doon ang pintuan upang hindi na makapasok ang mga mahuhuling darating na kasunod ko. Nakita ko si Jae at tumabi ako rito.
" Late ka yata? " Pagtataka nito.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, napansin ata nito na pinagpapawisan ako. Sinagot ko na lamang ito ng isang tipid na ngiti.
" Mukhang nalate ka ata ng gising. " Sambit nito na hinulaan ang dahilan.
Napabuntong-hininga na lamang ako, napapadalas na iyon nang dahil sa mga iniisip kong hindi naman importante at nakakatulong sa akin.
Maya-maya pa'y nag-umpisa na magturo ang guro namin sa unang klase sa umaga. Itinuon ko na lamang ang aking isip doon at nagtagumpay naman ako.
Agad na natapos ang klase sa buong araw, halos hindi ko man lang ito namalayan sa sobrang bilis.
" Ayos ka lang ba? " Tanong ni Zeana.
Tumango na lamang ako bilang tugon.
" Maputla ka kasi eh tsaka kanina pa tuliro, mukhang hindi ka mapakali. May nangyari ba? " Nag-aalalang tanong nito.
" Okay lang ako, kulang lang ako sa tulog. " Saad ko dito. Halata sa reaksyon nito ang hindi pagsang-ayon ngunit ayaw na din ata nito ako piliting tanungin kaya nanahimik na lamang.
" Callie! Jae! " Tawag ni Zeana at Xander mula sa malayo. Tatakbo-takbo itong lumapit sa amin.
" Gusto niyo kumain? " Tanong ni Xander habang hinihingal pa nang makarating ito sa aming harapan.
Nagkatinginan kami ni Jae na para bang nagkaintindihan kami sa ganoong paraan lamang. Agad naman kaming tumango ng sabay bilang senyas ng aming pagsang-ayon.

YOU ARE READING
Happened Again
DiversosPaano kaya kung ang pandemyang nangyari noon ay mangyaring muli? Ano ang mangyayari sa mga maaapektuhan at mahahawaan nito? Ano kaya ang gagawin ng isang lalaki kapag nangyaring muli ang pagkalat ng sakit na sumira sa kanyang buhay noon? Malulutasan...