TWO HUNDRED AND TWENTY TWO QUESTIONS. Ganyan karaming katanungan ang nailista ni Theodore Hernandez Perez kagabi nang isipin kung bakit niya nagustuhan si Megan Espiritu.
Si Megan na salungat ang opinyon at prinsipyo sa kanya, si Megan na hindi marunong mag-sorry, at si Megan na walang ibang ginawa kundi painitin ang ulo niya.
He sat at his desk as soon as he got home. Nakangiting inalala kung paano niya sinabi kay Megan na gusto niya ito, and when he caught himself smiling, he shook his head.
Anak ng— gusto niya na talaga 'yong babaeng nakabasa nung plate niya. Sinong mag-aakala? Heart beating fast, and lips stretched out from grinning too much, he picked up his pen and wrote all the reasons he could find that night in post-serotonin bliss.
Instead of answers on why he always finds himself stealing glances at her, puro katanungan pa ang nakuha niya.
Bakit ko ba siya gusto, e hindi niya naman hinihipan ang kwek-kwek bago isubo pagkatapos magrereklamo na mainit daw?
Bakit ba ang ingay ni Megan pero ang ganda pa rin niya?
Bakit ba naiinis ako pag ang daldal niya pero nababahala ako pag tahimik siya?
Questions upon questions pile up, but instead of feeling uneasy, Theo finds himself determined to answer the whys, hows, and whens. He's more motivated than ever. Gusto niyang malaman kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, tanging si Megan lang ang nakagagambala sa kanya nang ganito.
He's always been fond of solitude. Sanay siyang mag-isa, he does things his way at bihira lang ang may taong makapupuwersa sa kanya na baliktarin ang prinsipyo. Until Megan.
Everything changed after Megan.
Isang ngiti, isang tawa, isang singhot, at heto siya, hahamakin ang lahat huwag lang ulit na makitang umiiyak ang babaeng hindi marunong kumain ng kwek-kwek.
Kaso, wala sila sa isang kuwento na mababasa mo online. They are real people, bound by fate o pinili ang isa't isa, Theo still hasn't figured it out. Their life together is uncertain. Pero may isang bagay na noon pa lang ay sigurado na siya.
Hindi naman kita type, gusto kita.
Gustong gusto niya si Megan. Gusto niya ito kahit sa mga panahong pakiramdam ni Theo ay susuko na siya.
-
hello! welcome to book 2 of His Loss - Her Redemption! happy 100k reads to us! dahil mahal ko kayo, i decided to upload the prologue para naman makita niyo ang takbo ng kuwento. i cannot promise consistent and fast updates, but i will try my best. sana po ay habaan niyo ang pasensya sa paghihintay at sana ay patuloy niyo pa rin po akong suportahan.
a reminder that since this is an ongoing story, there might be changes here and there even after posting. thank you!
love, cass
BINABASA MO ANG
Her Redemption
RomanceHis Loss Book 2 Megan Espiritu is back to where it all started. Matapos ang kaguluhan sa Manila, she's left with no choice but to go back to her hometown in San Juanito, Albay to start anew. With nothing but a suitcase, her goal of having her own br...