HINDI PA MAN TAPOS ANG MEDICAL MISSION, nagmamadali na agad si Theo na umalis. Ayaw sana ni Megan. Pakiramdam niya, pag-uusapan na naman sila ng mga taga-San Agustin, at kakalat na agad ang tsismis sa nanay niya.
Kesyo gusto niyang umalis agad; na baka sabihin nila, feeling bisita lang siya. Megan wanted to understand herself din, kung bakit ba magmula noong nangyari sa Manila, hindi na maalis sa kanya ang pagkabahala sa pag-iisip sa sasabihin ng iba.
Especially her mom's opinion. Takot na takot si Megan na magkamali o makarinig ng kahit anong may ikasasama ng loob ng mama niya.
Her mom knows or has an idea about it at least. Magmula nang umuwi sa Megan sa probinsya, may nagbago rin sa relasyon nilang mag-ina.
Kung noon madalas na mag-usisa ang nanay niya, ngayon hindi na. Megan's mom just accepts the information she has to offer.
Kalayaan. Tiwala. Pagpapatawad.
Pagmamahal.
It provided her relief. 'Yong parang kumukulong tubig na hininaan ang apoy. Yet, she wasn't used to kindness yet.
Sa lahat siguro ng natutunan ni Megan habang nagmumuni-muni sa San Juanito, iyon ay ang masakit na reyalidad na kapag pala sanay kang nasasaktan, hindi natural sa 'yo ang pagtanggap ng kabutihan.
There would be confusion. There would be hesitation. There would be doubt. There would be guilt. Finally, there would be fear. Baka may kapalit, baka may surpise.
That was how she felt all throughout this courtship with Theo. It wa so good, it scared her kasi kapag nasira, baka hindi na siya makabangon.
Sa unang usbong ng katapangan sa araw na iyon, Megan told Theo this. Naglalakad sila sa palengke, malapit sa mansyon nila Derek. Papunta sila sa hilera ng street foods na kinainan nila noon.
Paborito ni Megan ang kwek-kwek, and Theo knew that.
He knows it by heart.
"Naaalala mo ba 'yong post mo sa Instagram? 'Yong pictures ko?" she asked him. Hindi huminto sa paglalakad si Theo pero lumingon ito sa kanya, nakakunot ang noo.
"'Yong may pogi typings na post?"
She punched him in the arm and they both chuckled. Humangin nang malakas at naamoy nila ang pinipritong street foods at maruya.
"'Di naman 'yon pogi typings, pero sige."
Theo grinned and pulled her in for a side hug. Lumaki ang mga mata ni Megan at tininginan ang mga tao sa paligid. "Ano ba kasi 'yon?"
Megan fought the urge to push his arm off. Nangangati siyang gawin iyon. Not because she hated public displays of affection, but her fear was gnawing at her. She took a deep breath and left his arm there.
Theo deserved to have a version of her who at least tries.
She pursed her lips before allowing courage to accompany the words out of her mouth. "Madalas kasi pakiramdam ko, stuck ako roon sa pictures na 'yon. Na parang you have that two-dimensional vision of me na maganda, mabait... lahat ng mabuti."
Hindi sila huminto sa paglalakad, pero bumagal ang mga hakbang ni Theo. He bowed his head and watched their feet take the steps they already have before -- noong mga panahong iba pa ang nararamdaman nila para sa isa't isa. He was listening.
Megan felt him wrap his arm tighter around her and she took in another breath. "Pakiramdam ko, mula sa perspective mo, maganda lahat ng nakikita mo. Pero sa kabuuan, hindi naman ako gano'n." This time, she stopped to face him.
BINABASA MO ANG
Her Redemption
RomanceHis Loss Book 2 Megan Espiritu is back to where it all started. Matapos ang kaguluhan sa Manila, she's left with no choice but to go back to her hometown in San Juanito, Albay to start anew. With nothing but a suitcase, her goal of having her own br...