KABANATA 1

12.8K 235 3
                                    

BELLA

HAWAK ang walis tingting at pandakot ay inilagay ko ito sa gilid ng maliit naming gate dahil dumating na si Tatay. Kaya ng bumaba siya ay sinalubong ko ito at nagmano. Namamasada siya ng tricycle at kada tanghali ay uuwi ito para kumain at magpahinga saglit.

"Tumawag sa akin ang kakilala sa kabilang bahay. Tinatanong nila kung kailan mo balak umuwi. Mia, anak halos dalawang buwan ka na dito at kauuwi mo lang sa ibang lugar. Wala ka bang balak na umuwi muna para makita ka nila. Nagaalala rin ang mga 'yon."

Napakamot agad ako sa pisngi ng 'yon ang sumalubong sa akin ng makababa siya. Ayan na naman tayo, ilang ulit na ang paliwanag na binigay ko sa kanila.

"Tay, gusto ko munang mag-try ng ibang trabaho. At saka hindi pa ako ready na ipakilala ang sarili ko. Kaya grabe ang pagiging lowkey ko. Pati ang pagiging secretary ni Mayor Damon ay pinasok ko." Proud ko pang balita sa kanya at napahawak na lang ako sa brasong kinurot niya habang papasok sa bahay.

"Ikaw talagang bata ka. Kailan ka ba magpapakilala sa lahat? Lahat ng gusto mo ay ginagawa mo talaga. Ngayon ay papasok ka namang secretary ng Mayor na 'yon." Iiling-iiling niyang saad kaya hinayaan ko na lang siya magbunganga habang hinahanda ang pagkain naming dalawa.

Kare-kare ang niluto ko ngayong tanghalian at alam kong hanggang gabi na namin itong ulam. Si Tatay ay dati kong driver na nag-retire na dahil gusto niya na ng simpleng buhay.

Dahil matigas ang ulo ko at close na close naman siya ng pamilya ko ay dito ako dumiretso para guluhin siya at makapagpahinga kahit saglit. Ang mga anak niya ay nasa ibang bansa na pero hindi naman nila pinababayaan si Tatay. Nang malaman nga nila na titigil ako saglit dito ay tuwang-tuwa sila.

"Bakit mo ba naisipan na sa kanya pa mag-apply, Bella? Huwag mong sabihin na pineke mo na naman ang nasa resume mo? Ikaw na bata ka." Pagtatanong niyang muli ng makaupo na kami pareho sa hapag.

Kaya nagsandok muna ako ng kanin at ulam bago siya sagutin. Hays, alam kong hindi titigil si Tatay sa katatanong hanggat hindi niya naririnig ang paliwanag niya sa mga padalos-dalos kong desisyon.

"Curious lang naman. Kada dadaan kasi ako sa munisipyo para ayusin ang ilang papeles ko ay laging hiring ang secretary. Rinig ko na masungit daw 'yon kaya walang nakakatagal sa kanya." Nang marinig niya ang paliwanag ko ay hindi ito makapaniwala dahil napailing ito na tila ba ay wala na siyang magagawa pa.

"Masungit nga 'yon. Pero hindi siya nagkulang bilang Mayor ng lugar na 'to. Wala kang maririnig na reklamo sa batang 'yon dahil nakikinig siya." Saglit itong tumigil sa pagsasalita at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Pero mag-iingat ka pa rin sa Mayor natin, Bella. Hindi mo alam ang takbo ng utak niyon at ang susunod pa nitong hakbang." Hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi niya at nagsimula na akong magsandok ng sarili kong kanin.

Matapos maihatid si Tatay sa labasan dahil babalik na siya pamamasada at alam kong isa 'yon sa tanging libangan niya kapag wala na talaga siyang masyadong ginagawa. Habang nakatulala sa kawalan ay muling pumasok sa isip ko ang narinig kay Tatay.

"Bakit naman ako mag-iingat sa lalaking 'yon? May illegal ba siyang gawain? O baka naman ay talagang masungit talaga siya. Kaya siguro pinag-iingat ako ni Tatay dahil baka hindi ko matagalan ang isang 'yon. Kung sakaling tanggapin ako, ha." Pagkausap ko sa sarili ko habang nagi-iscroll sa facebook.

Wow, kanina lang nakatulala lang ako tapos ngayon ay hawak ko na ang cellphone ko.

Kusang tumigil ang daliri ko sa ginagawa ng makita ang post tungkol sa kanya. Kaya binasa ko ito at tungkol ito sa scholarship na binuksan niya para sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Cabuyao. Ang isa naman ay pagbibigay niya ng donations sa mga nasunugan sa isang lugar dito sa Cabuyao.

Kaya zinoom ko maigi ang picture niya at tinignan ito. Miski ang litrato na ito ay hindi talaga mabibigyan hustisya kung gaano nga ito kagwapo. Well, totoo naman ang naririnig ko na gwapo ito... kaso nga lang ay masungit.

Daig pa daw ang babaeng menopause sa kasungitan ng lalaking 'to.

Pero halata naman sa kanya na dedicated siya sa trabaho niya. Kaya matapos kong pagmasdan ang picture niya ay nagtungo naman ako sa comment section at natawa sa mga nabasa. Halos lahat ay kababaihan na may paghanga sa Mayor na 'to.

Lalo na ang mga kabataan.

Mayor, nasa akin ang pag-asa. Pag-asa na mahalin mo rin ako.

Mayor, tama na muna ang kakapost ng picture mo. Nagseselos na ako dahil mas kinikilig pa ang girlfriend ko kapag nakikita ka niya.

Mayor may gf ka na ba? Ako na lang sana.

Kahit masungit ka, mahal pa rin kita.

Dahil sa mga nabasa kong 'yon ay saglit kong binitawan ang cellphone ko at napapitik sa hangin. "Kaya siguro masungit 'to ay hindi pa nagmamahal, eh. Tsk, sabi na nga ba. Love life na lang ang kulang sa lalaking 'to."

Natatawang saad ko at muling binasa ang mga nasa comment section dahil aliw na aliw ako sa mga kabataang nagco-comment dito.

"Ano kayang mangyayari bukas sa interview ko sa Mayor na 'yon..."

HABANG lumilipas ang oras ay parami na kami ng parami ang gustong mag-apply bilang secretary ng Mayor na 'to. Ang ibang kababaihan dito ay tumitili na tila ba ay excited na excited sila na makita ang Mayor habang ako naman ay chineck ang mga dokumento dahil baka may kulang.

I mean kahit naman laro-laro lang sa akin 'to ay kailangan ko pa rin ayusin ang lahat ng 'to.

"Undergraduate ka ng College? BSED Major in English?"

Mabilis akong napatingin sa katabi ko ng magsalita ito. Saglit kong iniscan ang hitsura niya at palihim na lang na umiling. Mukhang pang-candidate ng Miss Universe ang pinuntahan niya at hindi trabaho.

"Hmm." Pagtango ko na lang at tumaas ng kusa ang kilay ko ng bigyan niya ako ng ibang tingin.

Nako te, kung alam mo lang kung ano talaga tinapos ko baka magbardagulan tayong dalawa.

"Wala sa lugar na 'to ang isang katulad mo Miss. Sa panahon ngayon diploma na ang labanan." Mapang-asar niyang saad kaya malawak ko siyang ngitian bago sumagot.

"Ayos lang, wala naman sa requirements kung nakapagtapos ba at hindi." Saglit akong tumigil at binalik sa kanya ang tingin niya sa akin kanina lang na ikinataas niya ng kilay.

"Saka 'di ko naman tinanong ang opinyon mo sa natapos ko. Kaya manahimik ka na lang d'yan at ayusin mo ang sarili."

Matapos kong sabihin 'yon ay tinapik ko siya sa balikat at tumayo dahil ako na ang sunod.

"Number 22, Bella Acosta?" Agaw pansin ng tumatawag kaya ng tumayo ako ay para siyang nakahinga ng maluwag sa nakita.

"Sa wakas, mukhang matino na rin. Pasok ka na, Miss para makapagsimula ma si Mayor sa interview mo."

Pagpasok ko ay saglit akong natigilan ng sumalubong sa akin ang itim na itim na mata ng taong kaharap ko. Nakakrus ang dalawang braso nito at para bang inip na inip na dahil nakakunot na ang noo nito.

Mukhang hindi niya yata talaga nagustuhan ang mga naunang aplikante bago ako. Ang iba kasi pagpasok ay wala pang 30 minutes ay pinalabas na at para ba silang binagsakan ng langit at lupa.

Hindi ko namalayan na nakatayo pa rin ako sa harap niya dahil titig na titig siya akin kaya mahina akong umubo at yumuko ng kaunti bilang pagbati. Hindi pwedeng magtitigan lang kaming dalawa para magpakiramdaman kung sino ang unang babati.

Kaya huminga ako ng malalim bago siya batiin

Pull yourself together, Bella. Huwag ka munang mastarstruck sa Mayor natin baka hindi ka pa matanggap ng oras.

"Good morning, Mayor Damon Villa Monte."

Damon Callum: Political Duology 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon